Yasmine's POV
I woke up because of the loud noises that is coming from downstairs... di ba sila pwedeng tumahimik?
Bumangon na ako dahil nawala na din naman ang antok ko. Pumunta pa ako sa CR at saka naghilamos. I looked at myself in the mirror at ang gulo ng buhok ko, napasarap pala ako sa pagtulog.
I just decided to take a bath dahil tanghali na din naman. Nagtoothbrush na din ako atsaka ako bumaba.
Nakasuot lang ako ng short at tsaka plain white t-shirt. Somehow, the noises seems to be getting louder and louder, I suppose they're at the living room.
Lumiko na ako sa hallway at pagtaas ko ng paningin ko ay nakita ko si Hugho na nakatingin din sakin. Katapat kasi ng hallway ng mga babae yung hallway din papunta sa room ng mga lalake, tapos kapag naglakad ka pa ng kaunti ay mapupunta ka sa living room sa 2nd floor. Remember, dalawa ang living room sa dorm na to, una ay yung nasa 1st floor tapos pagtaas mo sa hagdan ay etong living room na to ang bubungad sayo. Sa dalawang gilid ng living room na to yung hallway papunta sa room ng girls at room ng boys.
By the way, di itong living room na to ang tinutukoy ko na maingay, yung isa.
I continued walking until I descended the stairs. I saw all of them, except Hugho since kasabay ko lang siyang bumaba, and almost all of them are sitting in the sofa. Si Talia, si Levi at Thea lang ang nakita kong hindi nakaupo don sa sofa.
"Uyyyy, sabay sila..." Quinn teased. I just disregarded her since I don't know what she's talking about, sino ang sabay?
I headed towards the kitchen tapos binuksan ko na din yung ref kasi nagugutom ako.
"Yasmine, may ulam diyan sa lamesa ah? kain na kayo" sigaw pa ni Minne mula sa sala.
Kinuha ko nalang yung ice tea sa ref dahil may niluto na pala. Pupunta na sana ako sa lamesa ng bigla akong tinawag ni Talia, "Pst! Yasmine, dito ka"
"Ayoko nga, ako pa diyan lalapit?"
"Dali na... tiktok tayo!" sabi pa niya. I looked at her direction and I also saw Thea there. Nandon silang dalawa tapos nakapatong yung cellphone niya don sa may table.
Nasa veranda sila na hindi ko napansin na meron pala. Ganto kasi yon, di ba nasa kusina ako? mula dito sa kusina ay tanaw yung veranda since glass yung sliding door don. Medyo nakabukas ng kaunti yung sliding door kaya rinig ko yung sigaw niya.
Yung style nung veranda eh parang sa mga 5 star hotel... malawak iyon tapos may railings den na bakal. Maganda yung itsura ng railings kasi may mga naka-carve pa don na di ko alam kung anong itsura, pero kita ko lang na may nacacarve mula sa pwesto ko.
Pumunta na ako sa lamesa at saka ipinatong ang juice don. Sumandok na ako ng pagkain ko at saka ako umupo sa gitna, iyon kase pinakamalapit na upuan sa pwesto ko, kaya don nako umupo.
I looked in front of me and noticed that Levi is eating. Kanina pa siya, pero ngayon ko lang napansin.
Kumain nalang rin ako nang biglang may umupo na naman. Hugho sat one seat apart from Levi, bale ang nangyari ay kaharap ko silang dalawa.
Levi (vacant seat) Hugho
(vacant seat) Ako (vacant seat)I just continued eating kasi gutom na talaga ako. I shot a glance at Hugho dahil ang kapal ng mukha niya, ako ang kumuha nung juice tas makikisalin siya sa baso niya? tss...
To be honest, masarap yung ulam, I wonder who cooked this... adobo yung ulam tapos meron ding cordon bleu. Yung kanin eh kakaiba ang lasa niya kase ansarap din. White rice siya pero mas masarap sa dinurado? I can't explain it that much since for me all rice just taste the same but this rice is quite different when it comes to its taste, parang medyo matamis siya ng slight lang? tapos maayos pa yung pagkakaluto, hindi yung matubig kaya masarap din yung kain ko.

YOU ARE READING
Magia Academia
Fantasy"Maybe, it's not a coincidence that I was brought here. It is fate that binded me within this academy which paved the way to maintain peace and glory" She's Yasmine Raven Lois, a student from a peculiar academy. An academy which enhances the student...