Chapter 19

17 0 0
                                    

Yasmine's POV

"Good afternoon, Zetas... by the way, Yasmine, am I correct?" he asked and I just nodded as an answer. "I'm Ambrose Ethan Gavin, your teacher in Weapon Handling. It's nice meeting you, beautiful lady..." nakangiting ani niya na kinuha pa ang kamay ko at akmang hahalikan iyon.

Hinila ko ang kamay ko at tinignan siya ng nagtataka, anong gagawin niya? baka may AIDS pa siya at gusto niya lang ipasa sakin... it's better to be safe than sorry.

"Oh? I'm sorry, nasanay lang ako sa ganon, hehe" nagkakamot pa sa ulong ani niya.

It's already 1:04 in the afternoon at nandito kami sa weapon room, iyon ang nabasa ko na nacacarve don sa pintuan kanina eh.

Aiman nudged my elbow kaya napatingin ako rito. Lumapit pa siya sakin at saka bumulong, "Ganyan talaga yan, mahilig humalik sa kamay ng mga babae especially kapag kakikilala palang niya. Maigi nalang di ka pumayag, wag ka mag-alala ikikiss ko yang kamay mo mamaya, alam ko namang ako lang gusto mong humahal---" napatigil siya sa pagsasalita ng sipain ko siya sa tiyan. Napakadaldal, hindi ko naman tinatanong, tss...

"Kung ipahalik ko kaya sayo ang pwet ni Sir Gavin?" sabi ko matapos sipain ang tiyan niya.

Napalingon pa samin silang lahat at pinilit ngumiti ni Aiman pero bakas sa mukha nito na nasaktan siya, pinipigil lang. "Ano yun?" Minne asked.

"A-Ah? wala, hehehehehe" ngumiti pa ito at nang makatalikod silang lahat ay napatingin ito sa akin. "A-Aray, ang saket non, ba't ang harsh mo saken, b-babe?"

"Huwag kang mag-inarte, di ka cute..."

Natahimik naman siya at napahawak pa sa tiyan niya, pasalamat pa nga siya at di ko masyadong nilakasan yon eh.

Napalingon naman ako sa kaliwa ko ng maramdaman kong dumikit sakin si Talia, "Hoy, ba't mo hinila ang kamay mo kanina? grabe, nung ako nga hinalikan ang kamay ko, kilig na kilig pa ako eh... ang gwapo kaya ni sir, hehehehehehe. Dapat ako nalang hinalikan eh, char!" bulong pa niya.

I raised my right hand to get the attention of Mr. Gavin, and as expected napatingin siya sakin. Nanlalaki ang mata na tiningnan ako ni Talia at tatakluban niya sana ang bibig ko pero hinawakan ko lang ang kamay niya.

"Yes, Yasmine?"

"Talia is asking if you can kiss her---" .

"Shhhhhh!!!" Talia shushed me shyly while covering my mouth. I immediately removed her hands from my mouth and glared at her. Kapal ng mukha, ihahawak sa bibig ko eh malay ko ba kung saan niya kinutkot ang kamay niya.

Napatawa ang ilan sa kanila pati na rin si Mr. Gavin na biglang ngumisi kay Talia. "HAHAHAHHAHAHA I'm sorry, I can't do that... it's against the rules, isn't it? HAHAHAHHAHAHAHHA" natatawang sabi pa niya.

"S-Sir? joke lang yon, na-naniniwala k-kayo diyan kay Y-Yasmine!" nauutal na sabi niya. Tinignan niya pa ako ng masama at bigla namang nagsalita si Aiman. "Sir, rinig na rinig ko po, sinabi po talaga yon ni Talia. Puro kalandian eh, tas ang gwap---" napatigil pa ito sa pagsasalita ng may tumama sa mukha niya na tubig.

"H-Hoy?! anong! napakaepal mo, di naman kita kausap!!! pinagkakaisahan niyo ako ah?!" nakangusong sabi niya. Naitaklob pa niya ang hawak niyang notebook sa mukha niya na pulang pula, nahihiya siguro. Puro kalandian kasi ang alam, ayan, nagulat tuloy ako kaya nasabi ko.

"S-Sir. Joke lang naman po y-yun eh, nagloloko lang ako... eto namang si Yasmine, andaldal, nasabi agad" pag-amin pa niya. Engot, tumanggi pa kanina aaminin din naman pala.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now