Chapter 11

24 2 0
                                    

Levi's POV

Nag order na ako sa counter at binitbit ko rin iyon pabalik. Tss, mga walang utang na loob... ako na nga nagbayad.

"Wow! ang sarap naman niyan!" sabi ni Talia.

"Arigatou gozaimasu!" sabi na naman ni Quinn sa ibang linggwahe, tch, alien.

Inilapag ko na ang tray sa lamesa at sinunod naman nung staff sa canteen yung isa pang tray. Naupo na ako sa harap ni Yasmine na busy pa ren sa pag cecellphone.

She's strong... that's the thing that I can describe her... ang galing niya sa combat.

Actually, inoobserbahan ko muna siya kanina kaya di ko masyadong naayos ang laban, pero sa tingin ko, kahit ayusin ko yung laban eh siya pa rin ang panalo. She's fast, really fast... mas mabilis pa nga siya sakin eh at saka yung bawat sipa at suntok niya ay sobrang lakas... potek! nung sinipa niya ako sa dibdib muntikan na ako magsuka eh pero pinigilan ko lang kasi nakakahiya iyon sa part ko.

Napatingin pa ako sa braso ko at nakita ko ulit ang pasa don. Nung binlock ko kase ang sipa niya ay parang nadurog ang buto ko, kingina ang sakit non... dalawang beses pa man din niyang nasipa ang braso ko.

She's also beautiful, wait let me rephrase it... she's not just beautiful, she's also gorgeous... para siyang dyosa, to be honest and there's something between her that I'm interested in. Hindi ko alam kung ano yon pero I find her interesting. Di ko lang sure kung dahil ba sa past niya, skills, kagandahan, talents, moral, attitude, etc.

But don't get me wrong, I don't like her...

"Hoy! Levi ba't naman tulala ka pa diyan?" tanong ni Minne. Napatingin ako sa kanila at nakain na pala sila habang ako wala pang pagkain sa plato.

"Naks! gusto mo ikukuha ka pa? sige na nga, akin na, dahil libre mo naman!" sabi ni Talia.

"Tch, ako na" sabi ko bago inagaw ang plato ko sa kamay niya. Nagsikuhanan na sila ng kani-kanilang pagkain at napatingin ako sa kaharap ko at ang kinakain lang niya ay yung rice at chicken.

"Yasmine, kuha ka pa... wag ka nang mahiya, kaya nga madami inorder ko eh" bulong ko. Busy sila sa pagkain at pag-uusap kaya baka di nila narinig.

Tumingin siya sakin at napakainosente ng itsura niya, para siyang bata... "Wait lang ha? hindi sampu ang bibig ko..." sarkastikong sabi niya.

Napatawa nalang ako sa iniasal niya, napakapilosopo.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at naubos na rin namin ang lahat ng nakahain.

"Salamat, Levi!"

"Wahhh! Thank you, Levi! nabusog ako don ah?"

"Thanks!"

Nagpasalamat pa sila at tumango nalang ako bilang sagot. Actually, wala talaga akong balak manglibre ngayon eh pero ewan, bigla ko lang natrip-an. Bugso ata ng damdamin, jowk lang...

Tumayo na kami upang bumalik sa room nang magsihiyawan na naman ang mga estudyante... tss, ambabata pa pero ang lalandi na.

"Wahhhh! Hugho! buntisin mo nako! please! now na!" malanding sabi pa nung babae. Nakahandusay siya sa sahig na parang nagmamakaawa talaga. Fck? she's serious about that? gustong gusto mabuntis?

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now