14. Roses

5.1K 126 3
                                    

14. Roses

"Like this.." Pumwesto siya sa likod ko at iniangulo ang mga braso ko sa tamang pagsshoot ng bola. Nag-jogging kasi kami kanina at ang sabi ko ay turuan nya akong mag-basketball. Now, here we are.

Pagka-hagis ko sa bola ay sa di malamang dahilan ay na-shoot yon. Natawa ako at nakipag-high five kay James. "Not bad for a beginner, baby.

"Grabe 'to! P.E namin kaya yung basketball noong Grade-school at kasali ako sa first five." Pagmamalaki ko.

"First five.. Hmm.." Aniya na parang nagdadalawang isip pa kung papaniwalaan ako. "First five sa bangko?"

Teka, ang yabang ah! Sinapak ko na, bwisit e! "Just kidding, baby." Tumatawa nyang sabi at niyakap ako. I like his warm hugs. Feeling ko ay safe at ang homey ng feeling.

"Are you tired?" Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako ng diretso sa mata. "Uwi na tayo?"

Kaming dalawa lang naman dito sa basketball slash tennis court slash badminton court ng village namin kaya okay lang maginisan kami no one is around. I tiptoed at hinalikan siya sa pisngi. "I'm hungry." Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero hmagad siyang ngumiti at umakbay sa akin.

Hindi nya pa nammeet sina mommy at daddy kasi kakauwi lang nila kagabi galing Zamboanga. So, probably ay ngayong breakfast. Sumakay na kami sa kotse nya at nag-drive na pauwi.

"Are you okay to meet my parents, say.. when we get home?" Kaswal kong sabi na para bang nagtanong lang ako ng assignment. He snatched my left hand and gave the back of my hand a gentle kiss before squeezing it lightly. He likes doing that and I find it cute.

Lumingon siya sa akin at ngumuti. "Of course. I want them to know that my intentions are clear."

I have a very nice and understanding and sweet boyfriend! We have lots of things in common it's like.. It's God's gift we're together.

At tama nga ang hula ko, nang makarating kami sa bahay ay naabutan kong nagbbreakfast sina mommy at daddy at mukhang kakabangon lang nila dahil naka shirt at shorts parin si daddy habang si mommy ay naka-ternong pyjamas pa at naka-robe.

"Good morning, mom, dad." Humalik ako sa kanila bago tumabi ulit kay James. Naglakbay ang tingin ni Mommy at daddy sa aming dalawa.

"Good morning po." Nakangiting bati ni James at bahagyang yumuko.

"Well, hello. What's your name, hijo?" Curious na tanong naman ni mommy.

"Ah, James Oliver Tiangco." Aniya at nakipag-shakehands kay daddy at mommy

"Firm hands, James." Puna ni Daddy at tinanguan si James.

"What brought you here at this hour, hijo?" Ani mommy sabay sumimsim ng coffee.

"We went jogging, mi." Tumango tango si mommy na para bang naghihintay ng kasunod kong sasabihin.

"And you two are..?"

"Let the boy sit first, Lauren." Tumawa si daddy at nag-motion sa amin na umupo.

Ngumiti ako ng makaupo na kami. "Boyfriend ko po, my, dy." Nasamid bigla si mommy dahil sa sinabi ko si daddy naman ay uminom pa ng coffee.

"Boyfriend? That's fast." Ani mommy sabay inom ng tubig dahil medyo nasasamid pa siya. "I thought liligawan mo palang si Laureen." Nakangiting sabi ni mommy na ikinatawa ni James.

Napansin kong sakto ang plato sa table. Paano..? Pero nasagot ang tanong ko ng pumasok si Pierre sa dining hall galing sa lanai. Napahinto siya ng makitang may plus one ako sa table.

"Pierre, you're here." Nakangiting bati ni James.

"Ah, yeah.." Aniya na walang emosyon manlang sa mukha.

"You two know each other?" Tanong naman ni Mommy.

"Magkasama po kami sa Basketball team." Ani James kay mommy na nakangiti. He's really nice without even trying, total opposite ni Pierre. He's rude without even trying!

"Another Basketball entuhusiast, eh? What's your NBA team, hijo?"

"Proud Miami Heat fan, tito."

"Aba, may kakampi na pala ako." Tumawa si daddy. "Laureen, here, likes Indiana, so does Pierre. Wala akong kakampi, at ikaw palang ang una." Tumawa ulit si daddy at nakipag-high five kay James. Wow, bagets! Natawa tuloy ako.

"Tito, tita.. I think I'll skip breakfast.. May mga dumating po kasi akong mga kaibigan galing ng city."

"Is that so? Sige. Ngayon din ba ang dating nina Brenda?"

"Yes, tita." Aniya sabay tayo. "Tito.." Tumango naman si Daddy. Lumabas siya ng dining hall ng hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. Here goes this foreign feeling again.

"So, hijo.. How did you two meet?"

"Uh.. I accidentally.. bumped into her." Nahihiyang sabi ni James. "I offered her my hand pero tinanggihan nya.." Sabay lingon sa akin.

"Laureen!" Natatawang sabi ni mommy. "The boy was being a gentleman.. Why did you decline?" Namula ang pisngi ko ng maalala ko iyon.

"Uhm.. Nahihiya po ako." Tumawa sila dahil sa reaction ko. Damn, nakakahiya itong nangyayari!

"At kailan naman naginn kayo?" Tanong ni mommy na parang inaalala pa ang teenage nila ni daddy.

"Kahapon po." Sagot ni James.

"How did you do it?"

Nagkwento si James kung ano an ginawa nya. Naikwento nya na tumulon din sa kanya yung tatlong pinsan nya at sila Tarah. Alibi lang pala nila yung nagpunta sila sa foodcourt.

Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay nang sinabi nyan red roses ang binigay nya. Tinanong kasi ni mommy kung binigyan daw ba ako ni James ng flowers.

"Aww. Red roses.. Sayang. Laureen here specfically like white roses."

Ngumiti si James. "Maybe next time tita." Mas lalo akong naguluhan dahil doon. Hindi siya ang may bigay ng white roses? Kung ganon ay sino..? Nawala ako sa pag-iisip ng maibagsak ko yung fork.

"Laureen, you okay?" Tanong ni James ng pulutin ang fork at ilagay sa table.

"Uhm.. Yeah. Nabitawan ko lang." Ngiti ko para mapagtakpan ang pagtataka.

Hanggang sa nagpaalam na uuwi si James ay di parin mawala sa isipan ko..

"Speaking of roses.. Mayron ka pang hawak na white roses kahapon. Whose that from?"

"Di ko alam.. I thought it's from you.." Kumunot ang noo nya saglit pero napalitan ng ngiti.

"If some guy's trying to hit on you, I'll hit them with a ball, too." Aniya at hinalikan ako sa noo bago sumakay sa kotse at umalis.

Trying to hit on you..

Hindi kaya si...

Until We Get ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon