Sorry sa typos! XD
------
40. Come AroundKinabukasan sa ospital ay masigla ako. Ipapamukha ko sa kanya na hindi ako apektado sa mga pinaggagagawa niya. I won't give that douchebag the satisfaction!
Maaga akong pumasok non, 5am ang duty ko pero 4am palang ay andon na ako. I want him to see me as a different person when my head's on the game.
Nagccoffee ako na pumasok sa locker room para magbihis ng scrubs. Pagkabuhad ko ng damit ko narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Gulat akong sumilip don.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Pierre sa gilid ko na nakahalukipkip at nakatingin sa akin.
"Ano ba! Nagbibihis ako!" Giit ko habang akap akap yung pinaghubaran kong damit.
Ngumisi siya at nagmostra. "Carry on." Aba, gago 'to a. Kitang nagbibihis ako, ayaw lumabas?! Ang ginawa ko ay kinuha ko yun damit na isusuot ko at dumiretso sa CR.
Paglabas ko ay nandoon parin siya at iniinom ang kape ko! "Wow ha." Sarcastic akong lumapit at kinuha yong coffee ko sa kanya. Naiirita ako sa mga pinagagagawa ni Pierre.
Pati don sa mga kung ano anong pinaggagawa niya habang nagrrounds kami. Sinisira niya ang umaga ko! "Ateng, bat ba sambakol mukha mo? Kay agang bad mood a?" Tanong ni Lian habang nagcharting kami doon sa may nurse station.
"Dami kasing epal dito." Sinadya kong lakasan yon kasi. Nakita kong papalapit sa amin si Pierre.
"Good morning, doc!" Bati ni Lian saka ako siniko para siguro batiin ko rin. Ayaw ko nga! Nag-roll eyes ako at saka tumalikod. Hindi ko parin talaga maiwasang mainis! Pitong taon, I waited and wasted seven long years, for what? To witness him doing other girls? Hindi ako nag-d-doctor para don.
"Laureen.." Alam kong susundan niya ako kaya binilisan ko ang lakad papuntang elevator. Pero nakalimutan kong soccer at basketball player siya noon. Of course he has big steps unlike my nany steps, ay aabutan niya talaga ako.
Sarado pa ang elevator kaya talaga palang aabutan niya ako. Nang bumukas ay agad akong pumasok at nag-motion na wag siyang papasok.
Pero hindi siya nagpapigil. LI don't take orders from my subordinates. I'm your boss."
"And? You don't scare me." Umikot ang mata ko paitaas. Naiirita ako! Gusto ko siyang pagsasampalin.
"Even if I do this.." Nakita kong hinila niya yung 'HALT' na nakalagay at huminto sa pagandar yung elevator. Nilingon ko siya para sigawan pero ng lingunin ko siya ay mabilis niyra akong naitulak pasandal sa pader. Nanlaki ang mata ko at di nakapagsalita.
Kinilabutan ako ng dahil don. It took awhile bago ako nakapag-react kaya aksidente ko siyang nahampas nong chart na hawak ko. Tumapang ang mukha niya at hinila sa kamay ko yung chart at ibinagsak yun sa sahig.
"Do I scare you now?" Aniya at hinalikan ako malapit sa labi. Napapikit ako ng mariin doon. I tried to push him away buthe caught my hands and pinned me on the wall.
Ang ginawa ko ay ni-head butt ko siya. Anong akala niya sa akin, easy?! Kagaya nong babae doon sa office niya. Mukhang nasaktan siya, kasi hawak hawak niya yung noo niya at medyo malayo na siya sa akin.
Pinindot ko yun 'HALT' at naramdaman na gumagana na ulit yung elevator. Bago lumabas ay pinulot ko yung chart at nilingon siya. "You don't scare me." Tinaasan ko siya ng kilay bago lumabas.
Akala niya naman matatakot ako! I'm not the same anymore, the years behind molded me to be tough. I won't crumple just because he tried to kiss me.
Buong araw ay tahimik ako, ang pag-rerounds ko pati vacant ko. Wala na kasi nong bandang hapon si Pierre at nag-c-clinic ang natura.
"Huy, galit ka ba kay doc?" Pang-uusyoso ni Lian at Hailey sa akin ng kumain kami ng dinner.
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romance(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...