15. Jealous
Nong gabi ay nag-text sa akon si Tarah at nagyayayang mag-bar may bagong bukas daw kasi at gusto niyang ma-try yung kakaibang drinks na inooffer don. It's not my first time naman, and okay lang naman kina Mommy. Alam ko naman daw ang limit ko at they trust me. Basta may curfew ako ng before 12 ay nasa bahay na.
Kasama namin sina Aya at Lena at yung isan kapatid ni Lena na lalaki.
"Hi, Vin!" Bati ko ng sumakay ako sa kotse. Siya ang sumundo sa amin kasi may sasakyan siya. Kuya siya ni Lena peroisang taon lang naman ang tanda nya sa amin kaya ayaw nyang magpatawag na kuya kasi daw magkakaedad lang naman kami.
"Hi, Laureen!" Aniya at kumindat sa akin sa rear view mirror.
Nang nakarating kami sa Louvre ay marami ng taong nakapila.. Too bad for them, we have VIP tix ewan ko kung saan 'yon nakuha ni Tarah ibinigay nya lang iyon kanina ng malapit na kami.
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami bg Parisian inspired na design ng buong bar hango narin siguro sa pangalan na Louvre na pangalan ng isang museum sa Paris.
Umupo kami sa isang sofa at nag-order ng drinks si Tarah na hindi ko alam ang pangalan.
Binigyan nya kami ng tigitigisang shots na nakalagay sa test tube at sabay sabay namin iyong ininom. The hell was that? Lasang tequila na lasang vodka na ewan! Pero it's good!
Umayos ako ng upo kasi tumabi si Tarah sa akin. Tiningnan ko ang spare na ticket na hawak ko kasi susunod daw si James dito.
Nag-vibrate ang phone ko at nag-text si James na nasa labas na raw siya. Tumayo ako at nagpaalam na susunduin lang si James sa labas.
Agad ko naman siyang nakita sa malayo palang. Ngumiti ako at tumabi sa bouncer para ibigay ang ticket at itinuro si James.
Napalingon ako sa right side ko ng makarinig ako ng malalakad na tawanan. Nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki. Nasa sampy siguro sila at nakita ko sa medyo gilid si Franz. Ito ba ang sinasabi ni Pierre na nga dumating na friends nya galing city? Ang mga party-animal nyang friends?
"Hi, Laureen!" Bati ni Franz ng makita ako. "Sinong kasama mo?"
"Uhm.. Siya." Turo ko ng dumating na si James at inilagay sa maliit na parte ng likod ko ang kamay nya.
"Oh.." Aniya at ngumiti ng makahulugan. "See you, around then. " Nginitian ko lang siya at tumalikod na. Pero bago ako tuluyang makatalikod ay nahagip ng mata ko si Pierre.
He's with a.. girl.
"Let's go?" Nilingo ko si James para ngitian at para narin mapagtakpan yung kakaiban nararamdaman ko.
This is the first time I saw him with a girl after Tarah.. And the was 7 weeks ago.
Nagpuntabkami sa sofa kung saan nakaupo parin sina Lena at mukhang hinihintay kaming makabalik nagdistribute ng shots.
"Ano ba! Hanggang dito sinusundan tayo ng Chem3?!" Ani Aya at ininom ang shot na nakalagay sa test tube. Tumawa ako at inabot ang shot na ibinigay ni Tarah.
Napapikit ako bg mailunok ko ang alak. Tarah's right, kakaiba ang mga drinks dito!
"You okay?" Tanong sa akin ni James. Tumango ako at umupo sa sofa, sumumod naman siya sa akin.
"O, san si Vin?" tanong ko kay Lena dahil siya ang katabi ko.
"Asan pa ba? Edi nambababae." Umirap sa kawalan si Lena kaya natawa.
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romance(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...