27. Tachycardiac
After nong gabi na yon ay balik sa dati si Pierre. Hindi na siya nagpupunta sa bahay, kabikabila nanaman ang mga babaeng kasama niya sa school at gabi gabi nanaman siyang nagbbar. I don't like it.
Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin pero ilang beses niya na rin akong tinanggihan. His mind is close ayaw niyang makinig sa kahit kanino. Susubukan ko parin siyan kausapin kahit na tanggihan niya ako ng paulit ulit. Guilty ako kasi pinaasa ko siya.. Gaano nga ba kasi kahirap mag-text manlang sa kanya? Pero hindi.. I'm guilty because I totally forgot about him the entire time.
I'm guilty enough para sumama kay James tapos ay may isang parte ng isip ko na ayaw kasi ayaw ni Pierre.. Pero kasi boyfriend ko siya, it's my responsibility to say yes whenever he's asking me out.. How can I say no when he's like the best thing that ever happened to me?
Nakita kong naglalakad mag-isa si Pierre papunta kung saan. Napapikit ako dahil sa tuwa kasi nito g mga nakaraang araw ay palagi siyang may kasama. Kung hindi yung mga babae niya ay sina Franz naman.
Sinundan ko siya at tinahak niya ang daan papunta ng auditorium. Anong gagawin niya don? Nang malapit na kami sa auditorium ay dumiretso siya papunta sa daan patungo sa rooftop. Nang malapit na siya doon ay pumasok siya bigla sa CR. Shit.
Pasimple akong sumilip kung mayroon bang ibang tao doon pero mukhan swerte ako ngayon kasi walang ibang nasa CR kundi si Pierre. Nakatalikod si Pierre sa akin kaya hindi niya ako nakita ng pumaso ako sa loo.
Hindi ko muna siya tinawag, hinintay ko muna siyang matapos sa ginagawa niya. Pero nang humarap siya ay nakita niya akokaagad. "What the fuck are you doing here?" Galit niyang sabi.
"Pierre.. Let's talk, please?"
"I'm the bad one. Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?"
"I just.. I just want to apologize. Nakalimutan ko talaga I'm guilty pero di ko naman talaga sinsadya it's just that.."
"Mas masaya ka kapag siya ang kasama mo? Don't you think I know that? Of course I fucking know it kaya nga ako dumidistansya diba? Masyado akong nagpapakalulong sayo, Laureen. I can do better without you. O won't chase a dog that's chained." Yun lang at lumabas na siya ng CR.
Naiwan ako doong nakatulala. He's really really sharp with his words. He left me standing there with multiple lacerations. Naiyak ako ng dahil don. Ganoon ba talaga kasama ang ginawa ko para ganun ang itrati sa akon ni Pierre?
Nag-cut ako nung araw nayon sa last subject ko kasi pakiramdam ko iiyak lang ako ng iiyak at kapag may nagtanong sa akin ay lalo lang akong maiiyak. Dammit, it's harder than I thought.
May mga bagay ba talagang kailangan mo nalang hayaan maghilom? May mga bagay ba talagang hindi mo nalang dapat pakialaman kasi mas lalala?
"Laureen?" Narinig ko ang boses ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako at sinalubong ng mapanuring mata ni mommy.
"Bakit po?"
"Alam mo ba kung nasaa si Pierre? You're Tita's worried. Ilang araw nya ng nakikitang nag-space out si Pierre at kinakabahan na siya." Kumalabog ang dibdib ko dahil doon. Hindi naman siguro suicidal si Pierre, right?
"May problema ba si Pierre, Laureen?"
"P-po? I don't know, my." Bumuntong hininga si mommy at nameywang.
"Try to talk him out of it, ha, anak? Your tita's really worried about his son."
"I'll see what I can do, my."
"Alright. Good night, dear."
"You, too, my." Pagsara ko ng pinto ay napabuntong hininga ako. This is not good. Kailangan ko na talagang kausapin si Pierre. I need to. Nagaalala na si Tita at baka kung ano pa ang mangyari kapag di agad to naagapan.
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romans(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...