44. First
Kinabukasan sa ospital ay todo iwas ako kay Pierre dahil naiinis ako sa kanya. Sampal sampalin ko yung lalaking yon e!
Kuntodo iwas ako, siya naman ay lapit ng lapit! Pagdating ko palang sa surgical ward ay sinabayan niya na ako sa paglalakad at binigyan ng coffee.
"Lumayas ka nga sa harap ko!" Inis kong bulong sa kanya. Tinawanan lang niya ako at tinapik sa balikat.
Habang nagrrounds kami ay puro si Luigi ang tinatanong niya ng kung anu ano. Medyo iritado at kabado rin kasi yun tao.
Lunch break nang kausapin ako ni Luigi sa lunch table kasama yung dalawa ay naki-join sila sa amin. "Tol, ginalit mo ba si doc? Puspos ang tanong sayo a?l
"I don't even know why he's grilling me like that.." Aniya at nilingon ako. Nagkibit balikat ako kunwari ay di ko alam.
"Ang yayabang niyo kasing tatlo!" Sabay nanaman ni Lian at napapalakpak pa si Hailey dahil don.
"Manahimik ka, Diaz!" Segunda naman ni Dylan sabay bato ng straw kay Lian. Ayan, nagaaway nanaman silang dalawa! Walang araw na di nagsasagupaan tong dalawa na 'to!
12 hrs lang duty ko kaya naman hanggang 5pm lang ako ngayon. Pasakay na ako sa elevator ng tumabi sa akin si Pierre at pasimple akong binunggo gamit ang braso niya.
"Pinagiinitan mo ba si Luigi?" Tanong ko kahit medyo obvious na.
"Hmm.. Hindi."
"Yes, you are! Tumigil ka nga, para kang bata." Sinipat ko yung number at nakitan isang floor nalang ay makakasakay na kami.
Tumunog ang elevator at nag-ready na ako sa paglabas. Nagulat ako ng maraming balloons ang laman ng elevator. Napasigaw pa nga ako kasi lumipad yung ibang balloon. Niyakag ako ni Pierre papasok sa loob ng elevator. "You said you want this.."
Di ko mapigilang mapangiti.. Umikot ang paningin ko sa buong elevator. May mga pictures kami doon. Nung college. Kahit na sasandali lang yon nagulat akong ang dami dami pala naming memories na dalawa.
Nang nilingon ko si Pierre ay nakasadal siya sa pader ng dingding at nakangiti sa akin. Nang nilingon ko siya ay nginitian niya ako lalo, nangiti din tuloy ako.
Kinuha ko yung isang picture namin. Nakangiti kaming parehas don. Natatandaan ko 'to, ito yung di kami pumasok parehas. Don siya natulog sa bahay, e nalate kami masyado kaya di na kami pumasok.
"I like that, too." Aniya at niyakap ako.
"San mo to nakuha?" Tanong ko habang tinuturo yung ilang picture namin na stolen sa school.
"Secret.." Napakagat labi ako dahil sa ngiti niya. It's so damn sexy.. Yung ngiti niya talaga isa yon sa mga dahilan kung bakit ang daming nahuhumaling na mga babae sa kanya.
He's got this smile that's very mystrious and playful. "I did this already.." Hinila niya ako at iniyakap ang kamay ko sa bewang niya. "Please, get rid of that suitor of yours.."
Pinagtatanggal ko yung mga pictures na nakadikit sa pader ng elevator at sinilid ko sa bag ko. Pagkatapos non ay hinawakan ako ni Pierre sa kamay. I am too happy, kamontik ko ng nakalimutan na nasa ospital kami.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng elevator pero agad di akong bumitaw nong makita kong naglalakad si Chief papunta sa gawi namin.
"Tristan! Laureen!" Nakangiting bati ni Cheif sa amin. Agad kong hinila yung kamay ko at isinuksok sa jacket kong suot.
"Chief." Sabay pa naming sabi habang nagkatinginan.
"I see that you two get along well now." Tinapik pa kami ni Chief parehas sa balikat. "Go home and rest doctors." Yun lang at tinalikuran niya na kami.
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romance(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...