25. More
"What was it like to study away from your mom and dad?"
Muli kong pagbubukas ng topic sa aming dalawa. Natahimik kasi siya bigla. "I wasn't really away with them. Lagi rin naman silang wala so.. No worries. Nothing new." Kibit balikat nyang sagot sa akin. I felt bad for him. Workaholic kasi masyado sina tito at tita hindi ko naman sila sinisis nang dahil doon, alam kong ginagawa lang naman nila yon for Pierre. But still, I felt bad. Yung sabi niya na parang wala ng bago na malayo siya kina tita, kasi it's almost normal for him.
I'm happy that my parents always make time for me. Dapat ay tuwing dinner sabay sabay kaming kakain, kapag Sunday ay sisimba kami. Simple, right? Pero para sa akon ay enougj na 'yong alam kong nag-eeffort yung parents ko para sa akin.
"What was it like on your previous school?"
"Parang sa school lang din. But the girls there are more bold, dito kasi ay medyo conservative. To think na kaming medical course lang ang may respective uniform ay masyado silang brave mag-damit."
I snorted, kaya naman nilingon niya ako. "Boys like that, don't they?"
He titled his head na para bang nagiisip siya ng isasagot sa akin. "I like you bare and simple."
I think I blushed... Kahit kelan ay di pa ako nasabihan ni James ng ganoon. Yes, lagi niyang sinasabi sa akin na 'You're beautiful' pero never niya pa akong sinabihan na mas gusto niya ako kapag bare ang mukha ko at walang make-up.
We took it from there.. Humaba ng humaba yung kwentuhan namin ni Pierre. I didn't know we're capabale of chatting calmly without slitting each other's throat.
We skipped dinner kasi hindi namin namalayan na gabi na pala. Napabalik lang kami sa realidad ng maghikab ako at napatingin sa cellphone ko at sinasabing 9:30 na pala ng gabi at di pa kami nagddinner.
"We skipped dinner!" As if on cue ay biglang nagwala ang mga alaga ko sa tyan na ikinatawa man ni Pierre.
Nang lingunin ko ulit si Pierre ay nakatingin lang siya sa akon habang nakangiti. "Why are looking at me with sparkling eyes?" Biro ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.
"That's your reflection in my eyes." Aniya at hinawi ang buhok ko. "You're the star and I'm the night sky. You light me up."
Natameme ako nang dahil don.. I didn't see that one coming. It's so not him to blurt out something like stars and night. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumayo ako at sinabing magluluto. Lalakad na sana papunta ng kitchen pero hinawakan niya ako sa pulso. Huminto ako at nilingon siya.
Tiningnan ko ng mabuti ang mukha niya kasi ang seryoso bigla. Sandali siyang natahimik pero ngumiti ulit siya sa akin bago marahang binitawan yung kamay ko. Tumalikod ako at half-running na nagtungo sa kitchen. Napasapo ako sa dibdib ko dahil don sa kakaibang kong naramdaman. Dammit. I'm not supposed to feel something like that. I am not. It's not right.. It's forbidden.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago sinimulan ang pagluluto ng instant noodles.
'You light me up.' Napakagat ako ng ibabang labi, he's not supposed to say that! Bigla kong naipalo yung kamay ko sa hangin sa kasamaang palad ay sa kaldero naglanding. Ang init non! Stupid, Laureen! Malamang dahil nasa apoy 'yon!
"What happened?" May bigla humawak ng balikat ko at naiharap ako kaagad sa kabilang direksyon.
Sinilip ko yung palad kong ngayon ay namumula na. Sinilip niya rin yon at kitang kita kung paano kumunot ang noo niya. "Damn it, Laureen! You are so damn careless!" Binitawan niya ang kamay ko at kumuha ng cold compress. Pinatay nya muna yung stove bago ako parang batang hinila papunta ng living room.
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romance(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...