47. Know Better
"Anong sa inyo? Treat ko isang shot!" Agad na bungad sa amin ni Lian nang naglalakad palang kami ni Hailey papunta don sa table.
"Vodka akin, ikaw Laureen?"
"Beer nalang muna." Matagal tagal na kasi akong di nagbbar at pakiramdam ko ay mabilis akong malalasing kung vodka rin ang iinumin ko.
"Beer? What are old are you, fifteen?" Tumatawang sagot ni Lian. "2 shots of vodka, please." Aniya sa waiter. "Lime and salt, too. Thanks."
Ipinakilala ako ni Lian at Hailey don sa mga nurses na nandoon. May mga contractual at may mga permanent na din. Yong iba ay kilala ko na dahil naka-duty ka na sila, mayroon din namang hindi pa. And I'm glad to meet new people!
Nang dumating ang vodka ay pikit ang mata ko iyong nilagok. Nakakamiss pala yung pamilyar na init ng vodka sa lalamunan at yong asim ng lime. Na-miss ko tuloy bigla sina Tarah, Lena at Aya! Last year pa kami nakapa-reunion. Nasa abroad sina Tarah, At Lena. Si Aya naman ay nasa City. Medyo busy talaga sila kaya di kami madalas makalibot.
Pakiramdam ko sa sobrang tagal ko ng di nag-iinom ay nalasing na ako sa isan shot ng vodka. "Isa pa!" Ani Lian na di ko namalayan ma nakapag-order na pala ulit ng paninagong shot.
Pag-inom ko ay nakita ko bigla na nasa kabilang table pala sila Dylan. Kumaway naman sa akin yun dalawa habang si Luigi ay diretso lang ang tingin sa akin sabay inom ng kung ano.
Hindi ko alam kung paano ko siya susuyuin. It was a great friendship between us. Nasasayangan ako dahil don. Pero mukhang ayaw niya talagang makipag-usap. Alam kong may kasalanan ako kasi medyo pinaasa ko siya, so I'm giving him space. Maybe he needs space.
Nag-enjoy narin ako dahil sa kaingayan ng mga kasama namin. Halos mapuno na namin iyong private room na ni-rent pala nila. Nang makumpleto lahat ng imbitado ay lumipat kami don kanina.
Nagkayayaang mag-body shots. Hinila ako ni Lian pero ayaw ko talaga. "Hoy, Luigi! Halika dito! Tama nayang kaartehan mo! Magbati na kayo ni Laureen!"
"That's enough, Lian!" Pigil ko pero ayaw niya talaga ako tigilan kakahila. Hanggang sa limang pair, bali sampung tao kami doon sa medyo gitna ng private room.
Narinig ko pumalatak si Luigi. Ayaw kong mag-sungit. Alam kong inis siya sa akin pero hindi pa pwede iwasa niya nalang ako at wag nalang ipamukha sa akin kung gaano siya kainis. Nakaka-offend kasi pagka-ganon e.
Nang dalawang pares nalang bago kami at nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na nakahalukipkip. Narinig ko pa ulit siyang pumalatak ng isang beses. Okay, I've had enough. ENOUGH.
"You know what? Kung ayaw mo ay sana di ka nalang nagpunta dito sa harap. Nakakairita kasi yang ginagawa mo." Singhal ko kay Luigi at saka hinablot yung bag ko at lumabas. Nanggilid ang luha sa mata ko dahil sa inis. I know may kasalanan din ako sa kanya, pero kung tratuhin niya ako ay di na makatarungan.
Pumara ako ng taxi at sumakay. I'm pissed. Pissed at Pierre. Pissed at Luigi. Pissed at myself!
Nang huminto ang taxi ay sumakay agad ako. Narinig kong may tumawag ng pangalan ko at nakitang sinundan pala ako ni Luigi. "Laureen!" Kinatok niya ang bintanan ng taxi pero sinabi kong wag yon pansinin at mag-diretso.
Dahil narin siguro madaling araw na ay nakauwi ako ng mabilis sa bahay. Nagbayad ako at pumasok sa loob ng bahay.
Tahimik sa loob kasi halos 4am na yata akong nakauwi kaya di ko na inabala sina mommy at pumasok na sa kwarto.
Nahihilo na yata talaga ako kasi parang nakikita ko si Pierre sa kama ko at natutulog. Pumikit pikit ako pero nandun parin siya.
Nananginip ba ako ng gising? Nakaputing shirt siya at yung kalahati ng katawan niya ay natatabunan ng kumot. Lumakad ako papalapit at paang uti unti pang nagssink sa utak na narito nga siya sa kwarto ko!
Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. Sandaling nawala ang inis ko at tiningnan lang siyang parang Anghel kung matulog.
Nang mag-mulat siya ng mata ay unfocused yon at saka palan na-focus sa akin. "Kanina ka pa?" Umiling ako at lumayo. Sumandal ako sa headboard ng kama at nag-iwas ng tingin kay Pierre.
"B-bakit ka andito?"
"I was waiting for you.. to comeback." He said almost inaudible for me to hear.
Nakatalikod ako sa kanya pero alam kong nakatingin siya sa akin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko yung kamay niya na yumakap sa bewang ko. Hindi siya kumikibo, nakapatong lang yung baba niya sa balikat ko.
I know maraming bagay siyang gustonf itanong sakin and I thank God for his silence. Dahan dahan kaming humiga sa kama. Walang nagsasalita.
"What if I got Alzheimer's one day and forget you?" Naalala ko kasi yung isang pasyente na ni-rounds ko kanina. Alzheimer's yon at nid-30s palang siya. Security aid yung nagdala sa kanya nung isang araw at wala din siyang maibigay na contact number para sa guardian. Lucid siya kung minsan pero it's merely 3 seconds.
"I will.." Aniya at hinarap ako. "..remind you of who I am.. Every day." May malambing na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin ng diretso sa akin at inayos ang buhok ko.
"I love you, Pierre." Mahina kong sabi at yumakap sa kanya. "I'm sorry for not acting my age.."
"I'm sorry for snapping at you, too, baby.. Nakaka-frustrate kang mahalin, so you know that?"
"Did you kiss other guys? I remember you kissing other guys ages ago.. You were drunk. So.."
"No, I didn't. Pero mag-bbody shots dapat kami ni Luigi." Kita kong gumalaw ang panga niya at naging iritable.
"And?"
"I left. Naiirita ako sa kanya." Naalala ko kung gaano siya kairitable habang naghihintay ng turn namin. Naiinis akonpero may kasalanan kasi ako. I feel guilty. Dapat ay di nalang ako pumayag na magpaligaw sa kanya.
"Paano kung di ka naiirita sa kanya? Makikipag-body shot ka?" Tanong niya at itinukod ang isang braso para matingnan ako.
"I don't know."
"Like I said, you're one damn frustrating woman." Tumawa siya at hinalikan ako sa noo. I peeled his arms off me at tumayo.
"Mag-sshower ako.." Tumango siya at sumandal sa headboard. Naglakad na ako papunta sa CR pero nilingon ko siya. Humalukipkip ako tiningnan ko siya. "You look good in my bed."
Bahagya siyang tumawa at humalukipkip din. Tumawa rin ako at binilisan ang pag-sshower. Paglabas ko ay ganoon padin siya.
"Alam ba ng magulang na nandito ka sa kwarto ko?"
Umiling siya at tinuro yung bintana ko na katapat ng kwarto niya. "Di ako papayagan ng daddy mo."
Tumabi ako sa kanya at yumakap. Yumakap din siyasa akin at hinalikan ako sa pisngi. "I was 12."
"Ano?"
"12 years old tayo non nung may kakaiba akong naramdaman sayo." Tumikhim siya at niyakap ako ng mas mahigpit.
"Parang yon naman ata yung time na palagi mo akong inaaway at iniinis."
"Ang tapang tapang mo kasi nong mga bata tayo. You were that type of girl who will a both girls and boys cry."
"I am not!"
"Yes, you are. Kaya nga natawa ako nun binigyan ka daw ng flowers ni Jonatajn Kevin noon. Isa yon sa mga pinaiyak mo kasi wala kang eraser nong may quiz tayo at hinihiram mo yun kanya." Bahagya siyang tumawa habang nagkukwento.
"It all started that time. Kahit gano ka katapang sa iba ay di ka umuubra sa akin. I can always make you angry every time." Aniya at nilingon pa ako. Inirapan ko siya kaya natawa nanaman siya.
"Pero noong sinabihan mo ako na wag na magpakita sayo kahit kelan ay nasaktan ko. The 12 year old me got so fucking hurt. Remember what I told before? Kaya ako lumipat sa city.. Away from you."
Sandali siyang natahimik. "Kasi di ko kayang galit ka sakin. At that time, akala ko ay papatayin mo na ako tapos sumigaw ka na ayaw mo na akong makita. I got scared, that's why I left."
"And you still have that sentiments?"
"Yes, but I know better." Lumingon siyaza aki at hinalikan ako sa labi. "Dapat ay hinahabol ko yung mga bagay na gusto ko ay di iniiwan para lang makuha ng iba."
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romance(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...