49. Proud Guy
Mas maaga ang out ko nang araw na yon kay Pierre. Medyo natetense na ako kasi wala pa akong gift sa kanya! Sa sobrang busy dito sa ospital ay di ako makahanap ng gift, kung wala ako sa ospital ay pupuntahan naman ako ni Pierre sa bahay.
Birthday niya na ngayon at wala pa akon naiisip na iregalo sa kanya! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lian.
(Hello?)
"Lian!"
(Ateng, kalma.. Bakit?)
"Wala pa akong gift kay Pierre!" Imbis na sagutin ako ay tinawanan ako ni Lian.
(Regalo ba kamo? Sex, hija.) Aniya at tumawa ulit.
"Hayop, I called you because I need suggestions not advice!"
(And I gave you that! Tipid yon, Laureen! Sarili mo lang ang dala mo!)
"Yung matino, Lian!"
(I'm serious! Makita mo!)
"Ewan ko sayo! I'm hanging up!"Nag-iinit parin ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. Sex? Seriously? Anong klaseng advice yon? Palibhasa sa America yon nag-high school. Kaya liberated mag-isip.
Mamayang 7pm ay may party sa isang hotel. Medyo maraming invited, family friends mga kapwa doctor niya ilang board members ng ospital tapos ang mga kaibigan niya syempre.
Nahinto ako sa pagiisip ng tumunog ang cellphone ko at picture ni Pierre ang nakita ko don. Sinagot ang Facetime at itinapat sa mukha ko.
"Hi." Nakangiti kong bati.
(I love you, baby.)
"Happy birthday."
(Don't you dare ditch my party, Laureen.) Tinawanan ko siya.
"Aattend po ako. Wag po tensyonado."
(Naninigurado lang.)
"Busy ka?"
(Kakatapos lang ng isang craniotomy. I wanted to see you..) tumawa ako. Palagi siyang ganito.
"Magkikita naman tayo mamaya."
(I know.) Ngumiti siya mula sa Facetime kaya naman nginitian ko rin siya.
(I need to go..) Tumango lang ako at nauna nang nagpatay.Nakangiti akong lumabas ng kwarto, nakasabay ko si mommy na kakalabas lang din ng kwarto.
"My, yung party po ni Pierre mamaya, don't forget."
"Yes, anak.. May pupuntahan kami ng daddy mo but we'll be back after lunch.." Ani mommy at hinalikan ako sa pisngi.
Mabilis na lumipas ang oras. Kabado ako ngayong nakatayo sa likod ng double doors ng venue. Kinakabahan ako. Totoo talaga.
"Laureen!" Naestatwa ako ng marinig ko ang boses ni Tita Brenda sa likod ko looking elegant in her beige long gown. Kahit sinabi ni Pierre na birthday niya lang naman ito ay alam kong formal at intimate 'to. Maraming tao ang imbitado.
"Good evening, tito, tito.." Ngumiti ako at bumeso kay tita at tito.
"What are you doing here! Kanina pa nagsimula ang party!" Niyakag ako ni tita papasok sa loob kaya di na ako nakatanggi at nagpa-hila na lang sa kanya. Namataan kong naroon narin si mommy at daddy na ngumiti sa akin at tinawag na doon ako maupo sa kung nasaan sila.
"Laureen, akala ko ay di mo sisiputin ang party ni Pierre.." Bungad ni mommy ng makaupo ako.
"Nasaan po ba si Pierre?" Luminga ai Tita Brenda at itinuro ang mesa kung saan namataan ko sila Franz, Warren yung mga highschool at college friends niyang naroon.
"Punta po ako doon." Nagexcuse ako at sinakop bahagya ang laylayan ng kulay itim kong gown para di matapakan. Nginitian ko at binati yong mga tao na nagtatrabaho sa ospital. Iilang doctor at si Chief ang nakita ko. Natanaw ko rin sina Lian doon.
Nakita ako ni Pierre ng malapit na ako sa kanila. Nginitian ko siya pero kunot ang noo niya sa akin. Lumapit ako at nginitian sina Warren. "Laureen?" Natatawa niyang sabi. Naramdaman ko ang kamay ni Pierre sa bewang ko at bahagya akong hinila palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romance(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...