20. Rejected
Ilang beses na tumawag sa akin kagabi si James, I'm pissed at him so I put my phone on airplane mode. Call me all you want, Tiangco.Inabot kami ng midnight ni Pierre kakalaro ng scrabble at meron pa kaming unfinished business na itutuloy namin after school. Kaya naman puyat ako ngayon, ang sakit ng ulo ko. TTh ngayon at 7:30 ang pasok. I used to love TTh pero ngayon ay ayaw ko na!
Nakatulala parin ako sa kwarto kahit 6am na at dapat ay nagbbreakfast na ako. Bigla ko kasing naalala yung kahapon.. Totoo ba lahat yon? What if he's really cheating on me? Naramadaman ko nanaman yung pamilyar nansakit na naramdaman ko kagabi. Paano nga kaya? Makikipag-break ba ako sa kanya o papatawarin ko siya?
"Laureen?" Nakarinig ako ng marahang katok at boses ni yaya ang nasa labas.
"Babangon na po.."
"Bilisan mo. Maligo ka narin. May naghihintay sayo sa ibaba." Nag-roll eyes ako. So, baka akala talaga ni Pierre mandadaya ako at ang aga aga nyan nandito sa bahay? Baliw talaa ang isang yon! Natatalo kasi kaya paranoid!
"Okay po." Mahinang tugon lo bago kinuha yung towel ko at nagdiretso sa CR. Nagmadali na akong maligo kasi baka magalit nanaman si senyorito kasi baka malate kami sa anaphy. Nagsusuklay ako ng lumaba ako sa kwarto.
Pero ang di ko inaasahan ay si James ang inabutan ko sa living room. Hindi siya naka-all white ngayon. Regular uniform ang suot nya at nginitian nya ako.
"Hi." Nakangiti niyang bati sakin sabay tumayo at lumapit saka yumakap.
Yung yakap nya para bang miss na miss nya ako.. Gusto ko sanang kiligin pero di kasi mawala sa isip ko yung kagabi. Binati ko lang din siya ng isang malamig na 'Hi.'
I'm not rude, niyaya ko siyang mag-breakfast kaya ngayon ay tahimik kaming kumakain. Ayaw kong magsalita..Feeling ko kapag nagsalita ako lahat ng insecurities ko lalabas lahat mula sa bibig. And I'm not gonna tell him everything.
"You're silent.." aniya at nilingon ako.
"Something wrong?" Hilaw akong ngumisi at nagpatuloy sa pagkain.
Wow, you're one to talk. You're the something wrong.
Nang matapos kami ay nagpaalam akong nagttoothbrush lang at nagaayos. He said okay pero bago pa siya makasagot ay umakyat na ako ng hahdan. Naiinis ako! Bakit ba hindi niya nalang ako diretsuhin na gusto nya ng makipagbreak sa akin, hindi yung ganyan pa siya ng ganyan? I really like James, crush ko na siya simula Freshmen year ko. And it's a dream come true to be his girl, but why does it have to be like this?
Bago pa ako maiyak at masira nanaman yung make up ko at tumingala na ako. Narinig kong tumunog yung phone ko kaya hinugot ko sa charger at tiningnan.
Pierre:
Why is that asshole there? Shall I go there?Mabilis akong nagtype. Ayaw ko ng gulo it's best to avoid it.
Ako:
No, he's taking me to school. Maguusap pa kami. See you at school.Pierre:
You sure?Ang OA talaga ng taong 'to minsan e! Nakakapika na.
Ako:
OPO, DADDY.Hindi na ako nakareceive ng reply after non. Kaya kinuha ko na yung bag ko at saka yung mga ginugulit gupit ko kagabi saka na ako lumabas. Pagdating ko sa living room ay wala si James. Bukas ang pinto so I assumed nasa labas siya. And I was right. Nakasandal siya sa kotse niya at nagtitext.
BINABASA MO ANG
Until We Get There
Romans(Filipino/English) Growing up, Laureen was showered with all the love in the world. The world being her parents and her parents' bestfriends who were their next-door neighbor as well. Pierre is her parents' bestfriends' son. They practically grew u...