19. Declined

5.3K 117 6
                                    

19. Declined


"Ano ba, Pierre! Napaka kulit mo naman, o!" Pikang pika nanaman ako sa taong 'to! Kitang busy ako sa pagdidikit dikit nung pinapasubmit na 'All About Science' na articles nung teacher namin, siya naman nag-electricfan pa sa gilid ko! Kanina ko pa sinasabi na kung inaantok siya e, doon siya matulog sa kwarto ko!

"You're not there.." Aniya at pumikit. Lagi lagi na siyang nandito kasi 'friends' na nga kami at dinalihan nya nanaman ako ung mga linya nya na 'Friends visit each others' home', sarap sapakin e!

"Hindi ako matatapos nito e!" Inis kong sabi at hinabol yung nga papel na montik ng liparin. Bumangon siya mula sa sofa at tumabi sa akin.

"I'll just help you.. Para di ako antukin." Random kasi ang Groupings dito kaya di ko siya ka-grupo. "Give me something to do.."

"Wag na.." Ang kuliiiit! Ayaw ko ng pinapakialaman ako kapag ganitong dikit dikit at gupit gupit ang ginagawa ko, it's better to leave me alone.

Ayon, tumabi lang siya sa akin at tiningnan yung ginagawa ko. Binabasa nya yung isang article na nakita ko ay tungkol sa NASA. "Laureen, I'm hungry.." Biglang sabi nya kaya napasilip ako sa wallclock namin. Ha?! It's almost 1pm pero di pa kami nagllunch! Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay kasi, yung parents nya nasa Singapore, yung parents ko nasa work. Suspended kasi ang classes kasi may bagyo at kasalukuyang umuulan ngayon sa labas, kaya ewan ko ba dito kay Pierre kung bakit siya naiinitan e ang lamig nga!

Tumayo ako at nagpunta sa kitchen. Wala din si Yaya kasi nag-off siya kahapon di din siya nakabalik kaninang umaga dahil nga sa ulan. Lumapit ako sa ref at kumuha ng hotdogs at bacon para sa aming dalawa. I'm a hobo when it comes to cooking, kaya dont expect na makakapagluto ako ng actual na ulam except for pinirito and instant noodles.

Pagtalikod ko ay nasa kitchen din pala si Pierre at nakaupo sa high stool. Ninja moves talaga 'to minsan di ko naramdaman na nandito siya. Nung nilagay ko yung plate na may hotdogs at bacon ay inalis nya yung tingin nya sa cellphone nya at doon ibinaling sa nilagay ko. Bahagya siyang tumawa. "Wow, good morning."

"Shut up." Tahimik kaming kumain kasi di ko narealize na gutom na pala ako. Si Pierre din kasi tuloy tuloy lang sa pagkain na para bang pang-Fie star hotel yung niluto ko e piniritong hotdog at bacon lang naman yon.

"How are you and your boyfriend?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "We're okay. Stable."

Stable, kahit na ilang araw na kaming di nagkikita kasi sobrang busy nya talaga sa duty at practice. This week ay isang beses lang kami nagkasabay mag-lunch tapos sa gabi nalang kami nakakapagusap minsan kahit sa call kami naguusap ay nakakatulog siya sa sobrang pagod. I kinda feel bad pero still happy kasi kahit nakakatulugan nya ako minsan he's always making sure na magkakausap parin kami at the end of the day about the things na nangyari sa araw namin. I'm happy with that kasi naiintindihan ko naman na busy siya. Ahead siya ng one year kaya mas hectic siya.

"Bakit ba andito ka? May training kayo a?"

Sumandal siya sa upuan at tiningnan ako. "Nah. Wala kaming training, I can manage and besides you're alone, palagi kang iniiwan mag-isa ng boyfriend mo.."

Alam kong joke lang naman yon pero bakit ako tinamaan? The past few days nga kasi ay ganon ang nangyayari.. The last time na nag-lunch kami ay nagpaalam na siyang aalis kahit di nya pa natatapos yung pagkain nya.

Nagligpit ako ng pinagkainan namin bumalik na dun sa ginagawa ko. Medyo na-bother ako sa sinabi Pierre na palagi akong iniiwan ni James.. Hindi naman lagi, pero minsan.. At na bother tuloy talaga ako ngayon.

Until We Get ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon