Robyn couldn’t believed what she just heard from her mother. Tinawagan niya ang kanyang mama, para sabihin na muntik na siyang marape ng lalaking pilit nilang inirereto sa kanya.
At hindi siya makapaniwala na hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. At mukhang, nauna ng nagkwento si Luis sa mga magulang niya at kung anu – anong imbento ang ginawa nito.
“You want me to bring the CCTV footage diyan sa inyo at ipakita ang ginawa ng Luis na iyan?” ang galit na tanong ni Robyn, at natahimik ang kanyang ina sa kabilang linya. Pero iniba nito ang usapan.
“At Robyn, humiwalay ka lang ng tirahan, natuto ka ng pumatol sa isang bartender?!” ang galit na tanong sa kanya ng kanyang mama.
Robyn gritted her teeth, dahil iniba na naman ng kanyang mama ang usapan, gawain talaga ito ng kanyang mama, kapag di makasagot sa sinabi niya.
“MABUTI na lang at KAKILALA ko ang bartender, kundi, NARAPE NA AKO NG LUIS NA IYUN!” ang galit na sagot ni Robyn sa kanyang mama.
She heard her mother sighed from the other line, “kailan ka ba namin ulit magkikita Robyn? Hindi ka na dumadalaw dito sa bahay?” ang tanong ng kanyang mama.
“Dadalaw lang ako diyan, kung maipapangako ninyo na hindi na pupunta diyan si Luis, I’m sorry ma, but I have to go may pasok pa ako” ang sabi niya sa kanyang mam, bago pinatay ang kanyang telepono.
Nagngingitngit pa rin siya sa galit, paglabas niya ng kotse, nang marating na niya ang university’s parking lot. Agad siyang dumiretso sa teacher’s lounge, at naupo sandali para ayusin ang mga dala niyang gamit. Nang marinig niya ang usapan ng dalawang proffesor.
“Yes, magaling nga ang estudyante ang Joaquin de Guzman na iyun, well he should be, dahil sa age niya, but nahuhuli siya sa pagpasa ng thesis, alam ko na nagtatrabaho siya sa gabi kaya hirap siyang gumawa sa umaga, pero, kailangan niyang mag-adjust, hindi ko pwedeng pagbigyan ang hinihiling nito na pahabain ko pa ang deadline ko para sa kanya, it’s either he dropped my subject or I’ll give him a 5,which was a shame at graduating na siya” ang sabi ng lalaking professor.
Kinabahan si Robyn, si Joaquin, hindi gagraduate? Dahil sa isang thesis lang? Kailangan niyang makausap si Joaquin, hindi nga pala niya estudyante ito ngayong araw,she said to herself.
Nagklase si Robyn nang araw na iyun na panay ang tingin sa kanyang relo. Gusto na niyang matapos ang orasng makausap niya ito, at masabihan. Bakit nito, pinabayaan ang isang subject na napakaimportante pa naman.
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Robyn nang matapos na ang kanyang klase sa araw na iyun. Nagmamadali siyang sumakay ng kanyang sasakyan at pinaandar iyun para puntahan sa bahay nito si Joaquin.
At hindi nga siya nagkamali, naabutan pa niya si Joaquin na kinakandado ang pinto ng inuupahang kwarto nito. Inihinto niya ang kanyang sasakyan sa harap nito at ibinaba ang bintana.
“Get in” ang mariing sabi niya kay Joaquin, na halatang nagulat ng makita siya.
“Robyn bakit?” ang nag-aalalang tanong nito sa kanya.
“I said get in”
Agad namang sumakay si Joaquin sa passenger side ng kanyang kotse. Pinaandar niya muna ito, bago siya nagsimulang magsalita.
“Bakit di mo inaasikaso ang thesis mo?” ang galit na tanong ni Robyn.
Kita ang gulat sa mukha ni Joaquin, “paano mo nalaman” ang mahinang tanong ni Joaquin.
“Kasi po, tsismosa po ako, mahilig akong makinig sa usapan ng may usapan, kaya nalaman ko sa professor mo na hindi ka pa nagpapasa ng thesis” ang galit na sagot ni Robyn.
Hindi sumagot si Joaquin na lalong ikinainis ni Robyn, alam mo bang pwede kang bumagsak at hindi makagraduate dahil lang sa isang subject na iyun?” ang galit na tanong ni Robyn.
“Pasensiya ka na kung pinag -alala kita Robyn, kaso kasi, humihingi kasi sa akin ng tulong si tatay, pandagdag sa bayad sa lupang sinasaka niya, hinuhulugan pa kasi namin yung lupa Robyn, kaya, ilang araw na rin akong nagdagdag ng oras sa trabaho ko para lumaki yung kita ko” ang nahihiyang sagot ni Joaquin,”kaya nakakalimutan kong gawin ang thesis ko”
Robyn was stunned, hindi niya akalain na dumaraan pala sa matinding paghihirap si Joaquin.
“I-I’m sorry, I didn’t mean to blurted it out on you” ang nahihiyang sabi ni Robyn.
She was driving papunta sa pinagtatrabahuan ni Joaquin, alam kasi niya na ganitong oras ito pumapasok.
“Okey lang, at least alam kong nag-aalala ka sa akin” ang nakangiting sagot ni Joaquin.
Robyn sighed, “Joaquin if you needed some help, just tell me” ang sagot ni Robyn, pero umiling-iling na si Joaquin.
“Ayokong isipin mo na mukha akong pera Robyn” ang mariing sagot ni Joaquin.
“No I’m not, quite the opposite, ikaw na yata ang pinaka selflessna taong nakilala ko” ang sagot ni Robyn.
“I’ll help you, just asked me Joaquin, in any way I can, ayokong masira ang inumpisahan mo” ang dugtong pa ni Robyn.
Hindi sumagot si Joaquin, diretso lang itong nakatingin sa daan. Alam ni Robyn na hindi tatanggap ng pera mula sa kanya si Joaquin, alam niyang mataas ang pride nito, na kailanman ay hindi tatanggap ng hingi. Hindi ba’t ginawa nga nito ang lahat para lang magkapera.
Kaya lending him some money was out of the options. But she wanted to help him, ang sabi ni Robyn sa sarili.
Tahimik lang silang dalawa, hanggang sa marating na nila ang pinagtatrabahuan ni Joaquin na bar and grill.
“Joaquin please” she pleaded on him.
Napabuntong hininga si Joaquin at ngumiti ito, “pwede ba akong makagamit ng computer at printer mo?”.
BINABASA MO ANG
The Accidental Callboy [ Completed] © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she's feeling towards him. Para bang sasabog ang kan...