Nagising si Rain sa amoy ng pinipritong ham, the savory aroma tickled her nostrils, kaya unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Medyo nahihilo pa rin siya at nanlalambot. Pero dahan-dahan pa rin siyang bumangon sa kanyang pagkakahiga.
She looked around the familiar interior of her room, pero nagtataka siya kung paano siya napunta roon. Napansin niyang, bahagyang nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto, kaya siguro pumasok sa loob ang masarap na amoy ng pinipritong hamon.
Pero, hindi pa rin nasasagot ang tanong niya, paano siya nakauwi ng bahay? Kung ang huling natatandaan niya ay biglang umikot ang kanyang paningin at nag blackout na siya.
Si Luis? Si Luis ba ang naghatid sa kanya rito? Ang tanong niya sa sarili.
Inalis niya ang nakabalot na kumot sa kanyang katawan at napansin niyang, nakapantulog na siya. Si Luis ba ang nagbihis sa kanya? At biglang naalarma si Robyn.
Ano pa ba ang nangyari nang nahilo siya? Hindi kaya? No hindi naman siguro gagawin iyun ni Luis, ang pagtanggi ng kanyang isipan. Pero bakit ang sakit ng buo niyang katawan?
Narinig niya ang kilos sa baba ng kanyang bahay. Maya-maya ay ang marahang yabag ng mga paa sa wooden floors ng kanyang hagdan. Patungo na ang marahang tunog ng mga paa sa kanyang kwarto. Hinintay niyang makita si Luis sa pinto, pero nanlaki ang kanyang mga mata ng ang mukha ni Joaquin ang bumungad sa kanya.
“Joaquin?” ang takang tanong niya.
“Hay salamat at gising ka na!” ang masayang sagot ni Joaquin, habang hawak ang isang tray na naglalaman ng tinapay, pritong itlog at ham, at dalawang tasa ng mainit na kape.
“Anong ginagawa mo rito? At saka paano ako nakauwi rito sa bahay?” ang magkasunod niyang tanong.
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Joaquin, “sasagutin ko ang lahat ng iyan, pero kumain ka muna” ang sagot ni Joaquin, sabay lapag ng dalang tray sa isang side table.
“Hindi ako gutom” ang sagot ni Robyn, pero nang maamoy niyang muli ang ham at kape, kumulo ang tiyan niya.
“Sige na, kumain ka muna” ang sagot ni Joaquin. Sabay kuha sa isa sa mga tasa ng kape na nasa tray.
Kumuha si Robyn ng tinapay at pinalamanan niya iyun ng ham at itlog, dalawang sandwiches ang ginawa niya at iniabot niya ang isa kay Joaquin.
“Salamat” ang sagot ni Joaquin, ilang minuto silang tahimik lang na kumain at humigop ng mainit na kape. Bago nag salita si Joaquin.
“Pasensiya ka na kung, nakialam ako sa kusina mo” ang sabi nito sa kanya.
“Don’t worry about it, and about my first question, anong ginagawa mo rito?” ang patanong na sagot niya kay Joaquin.
“Inihatid kita” ang sagot ni Joaquin.
“Which answered my second question, pero bakit wala yata akong matandaan sa mga nangyari? Ang huling natatandaan ko lang ay nahilo ako”
Then she saw anger in Joaquin’s face, and his jaw twitched, tila ba nagpipigil ito ng galit.
“Si Luis, nilagyan niya ng drug ang inumin mo kagabi kaya bigla kang nahilo” ang galit na sagot ni Joaquin.
“What?” ang di makapaniwalang tanong ni Robyn, “pero bakit naman gagawin iyun ni Luis?”
Napabuntong-hininga si Joaquin, “ewan, ang gumagamit lang ng ganyan ay yung may balak na mangrape” ang galit na sagot ni Joaquin.
Nanlamig ang buong katawan ni Robyn, si Luis? Ang walang hiya na yun ay may balak na masama sa kanya?!
“Na-nasaan na siya?” ang nanlalambot na tanong ni Robyn, habang nakakapit ang mga kamay niya sa edge ng kanyang kama.
Tiningnan ni Joaquin si Robyn, at napansin niyang namutla ito at parang nanlambot. Agad siyang tumayo sa kinauupuan at naupo sa tabi ni Robyn.
Inakbayan siya ni Joaquin, at nanginig ang buo niyang katawan. The realisation na muntik na siyang marape, nang walang kalaban laban ay biglang nagsink in sa kanya, at nagdulot ng panginginig ng kanyang katawan sa takot.
Naramdaman ni Joaquin ang panginginig ng kanyang katawan, kinabig siya nito papalapit sa kanyang malapad na dibdib, at pumaloob siya sa mga bisig nito, sa isang yakap na napakahigpit.
“Nanginginig ka, masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” ang nag-aalalang tanong sa kanya ni Joaquin, while he rubbed her upper arms with his strong rough hands.
She melted in him, she relished the hardness and comfort of his embrace, “it just made me realised, how close I am from being violated last night” she whispered.
She sighed, “si Luis ay family friend namin, matagal na siyang nanliligaw pero paulit – ulit ko na rin siyang tinaggihan, I didn’t realised that he would go to such extent, as to drugged and raped me” ang pagpapatuloy niya, “paano mo na laman?”
Napabuntong-hininga si Joaquin, “nakita ng kasama ko na bartender na pasimpleng nilagyan ni Luis ng drug ang inumin mo” ang mahinang sabi ni Joaquin sa kanya, dama niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg at tenga. His warm voice sent an electric current sensation that flowed to her whole body.
“Kasalanan ko ito” ang sabi ni Joaquin, at nabakas ni Robyn ang galit sa boses nito.
“Bakit mo nasabi yan, hindi ba at nasagip mo ako?” ang takang tanong niya.
“Kung naituon ko lang sana ang buo kong atensyon sa iyo kagabi, ay Di makakalusot ang gagong iyun” ang galit na sagot ni Joaquin.
Naalala ni Robyn ang pakikipag – usap ni Joaquin sa isang maganda at sexy na babae kagabi, pilit niyang inalis ang naramdamang selos, trabaho yun ni Joaquin, at kung hindi dito, ay siguradong naisagawa ni Luis ang masamang balak nito sa kanya.
Robyn looked into his eyes, “Huwag mong sabihin iyan Joaquin, wala kang pagkukulang o kasalanan, kung hindi nga dahil sa iyo ay baka nagawan na ako ng masama ni Luis” ang sagot niya rito.
Hindi sumagot si Joaquin, Robyn sighed, she loved how it felt to be enveloped by Joaquin’s strong arms.
“Paano mo pala ako naihatid dito sa bahay?” ang takang tanong ni Robyn. Alam niya kasing, hindi alam ni Joaquin ang bahay niya.
She saw Joaquin smiled sheepishly, “wag ka sanang magalit ha, tiningnan ko kasi yung wallet mo, kasi hinanap ko ang ID mo, para tingnan ang address mo, ganun na rin yung sa susi ng bahay”
“Saka tayo inihatid ni sir Jojo, yung manager namin, na nag check ng CCTV para makita yung ginawa ni Luis. Pumayag siya na ihatid na kita dito at samahan dahil sa kakilala kita, at tiwala naman siya sa akin na wala akong gagawin sa iyong masama” ang paliwanag ni Joaquin.
“Ang sabi rin niya, na ibibigay niya sa iyo ang kopya ng footage, kung magsasampa ka ng demanda kay Luis” ang dugtong ni Joaquin.
Robyn nodded, naalala ni Robyn na iba na ang kanyang damit, hindi na ito ang suot niyang damit kagabi, kaya namula ang pisngi ni Robyn.
Mukhang napansin ni Joaquin at nahulaan ang nasa isip niya, bigla itong nagpaliwanag ulit.
“Ah, pinalitan na, kita, ng, ah, damit, kasi, ah, baka hindi ka na kumportable sa ah, suot mo” ang nahihiyang sabi ni Joaquin.
Namula naman ng husto ang pisngi ni Robyn, “o-okey lang, ah, may, ahm, tiwala naman ako sa iyo” ang nauutal na sagot ni Robyn.
“Totoo ba?” ang tanong ni Joaquin.
Robyn looked straight into his deep set eyes, and she nodded. Their eyes locked gazes, and she saw his eyes roamed down her partly opened lips, and slowly she saw his face dipped down, closer to her lips, until their lips were only a breath apart.
Hindi tuluyang idinikit ni Joaquin ang mga labi nito sa kanya, tila ba humihingi muna ito ng permiso. Then she made the first move, she gently pulled his head closer to hers, and their lips locked in a gentle first kiss.
Slowly, Joaquin pulled his head, and gazed on her half closed eyes, “lasang ham” ang nakangiting sabi ni Joaquin, at napahalakhak si Robyn.
BINABASA MO ANG
The Accidental Callboy [ Completed] © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she's feeling towards him. Para bang sasabog ang kan...