Chapter 31

6.7K 218 2
                                    

Di inakala ni Joaquin, na magiging iba sa nakasanayan ang magiging relasyon nila ni Robyn.
     Kung dati ay halos sa mga mata lang sila nag-uusap ni Robyn ay ngayon ipinapakita na talaga nila ang kanilang relasyon.
     Si Robyn na mismo ang humahawak sa kanyang mga braso kapag naglalakad sila papunta sa parking ng University. Wala itong pakialam sa mga masasamang tingin na ipinupukol sa kanila.
     Kung ang iba ay mapanghusga ang tingin, ang mga estudyante naman nito at kaklase ni Joaquin, ay todo ang suporta sa relasyon nila.

     At ang araw na iyun ay di kaiba sa mga nakalipas na araw, mula ng magbalik sila. Sweet na sweet ito sa kanya,
     “So class ilang linggo na lang at magtatapos na kayo kaya maaga pa lang ay babatiin ko na kayo ng congratulations!” ang masayang bati niya sa kanyang mga estudyante.
     “Ma’am ngayon graduation, eh, kailan naman po ang wedding?” ang tanong ng isa sa mga estudyante niya at naghiyawan naman ang iba pa at tila kilig na kilig sa kanilang dalawa.
     Robyn smiled sadly, “it depends if he will not break his promise” ang sagot ni Robyn.
     “Yihh” ang hiyawan ng mga ito.
     “Shhh, okey quiet down” ang saway niya sa kanyang estudyante.
     “Ma’am may final examination pa po ang aga nyo naman kaming batiin” ang sagot ng isang estudyante.
     “Alam ko namang maipapasa ninyo ang finals, at tandaan ninyo pagkagraduate ninyo,  simula pa lang ang lahat ng hardships at struggles. But don’t give up, aim high, para maabot ninyo ang inyong mga pangarap” ang huling bilin niya sa mga ito. Bago pa niya idinismiss ang klase.
     Naglalabasan na ang lahat nang tawagin niya ang isa sa mga malapit din niyang estudyante.
     “Fiona, I want to talk to you, please” ang sabi ni Robyn, “Joaquin, pwede sa sasakyan mo na lang ako hintayin?”
     Nagtaka man si Joaquin at Fiona pero sumunod ang mga ito sa kagustuhan niya. Umalis na agad si Joaquin at naiwan si Fiona.
     Ilang minuto pa muna ang kanyang pinalipas bago hinarap ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang estudyante.
     “Fiona, I am asking you a favor, I want you to do something for me”...
*** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** ***

     “Bakit mo kinausap si Fiona? May problema ba siya sa kanyang grades?” ang alalang tanong ni Joaquin sa kanya habang sakay sila ng sasakyan niya.
     “Wala lang, kinausap ko lang siya na tie kayo sa nakakuha ng pinakamataas na grades sa akin nitong mid term so bahala na kung mag tie ulit kayo sa finals” ang sagot niya.
     “Hmm, ang hirap pala kapag professor ang girlfriend mo ano? Baka isipin ng iba na may pinapaboran ka” ang malungkot na sagot ni Joaquin.
     “Kaya nga rin ipinagbabawal ang relasyon ng teacher at estudyante, pero ikaw naman you excelled well in other subjects, hindi lang naman sa akin” ang sagot niya.
     “Hmm, hindi lang dun ako nag eexcell” ang malamang sagot ni Joaquin sabay pisil sa mga hita ni Robyn.
     “Mamaya ka na mag excell sa ganyan” ang natatawang sagot niya, “papasok ka ba?” ang tanong niya.
     “Oo, bakit ayaw mo ba?” ang balik tanong nito sa kanya.
     “No” she sighed, “I’ll go with you, gusto kitang panoorin habang nagtatrabaho ka” ang sagot niya.
     “Parang nahihiya yata ako” ang natatawang sagot ni Joaquin.
     “Hindi ka nga nahiyang sumayaw sa harapan ko ng”-
     “Oo na oo na!” ang natatawang sagot ni Joaquin.

     Sumama si Robyn sa bar kung saan ito nagtatrabaho, naupo siya sa barcounter at pinanuod si Joaquin habang busy ito sa mga customer. Paminsan minsan ay may mga babaeng nagpapacute rito pero, sa halip na magselos ay natatawa pa si Robyn, dahil sa reaksyon ni Joaquin,dahil biglang sumisimangot ang mukha nito.
    Matiyaga siyang naghintay hanggang sa matapos ito at dumiretso sila sa isang 24hr na kainan, bago sila umuwi sa kanyang bahay.
     Nag-usap sila tungkol sa kanilang future, mga pangarap pa sa buhay, pagkatapos ay paulit – ulit nilang pinagsaluhan ang buong magdamag.

*** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** ***
     Dumating ang araw ng Biyernes, sabik si Joaquin na makita muli si Robyn, dahil di sila nagkasama kahapon. Ang lahat ng kanyang mga kaklase ay excited na rin dahil sa malapit na ang finals at mag-aayos na sila ng kanilang mga papel para sa darating na graduation.
     Dumating na ang oras na dapat ay simula na ng klase, pero wala pa rin si Robyn. Nagsimula ng maging maingay sa classroom dahil sa mga kwentuhan nang matigilan sila, dahil sa may pumasok na isang bagong lalaking professor.
     Nagkatinginan ang lahat, at inakala pa nila na baka nagkamali lang ng room ang bagong teacher. Pero nang umupo na ito sa harap ng teachers table, ay tumahimik na sila.
     Pero si Joaquin ay kinabahan bigla. May sakit ba si Robyn kaya absent ito ngayon? Ang tanong niya sa sarili. Pero bakit hindi ito nagpasabi sa kanya? Ni hindi ito tumawag o nag text man lamang.
     “Class I’m professor Ramirez, ako ang papalit kay Miss del Valle, because she already made a resignation here at the University, but she left me your records” –
     Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joaquin, at alam niyang lahat ng mga mata ng kanyang kaklase ay nasa kanya.
     Bigla siyang tumayo at bitbit ang bag ay tumakbo siya papalabas ng classroom. Narinig pa niya ang malakas na gulat na pagtawag sa kanya ng lalaking professor at ang boses ni Fiona na tinawag ang kanyang pangalan.
     Robyn anong ibig sabihin nito? Ang naguguluhang tanong ni Joaquin sa sarili. Huwag mong gawin sa akin ito, please, huwag sa pangalawang pagkakataon, ang pagsusumamo ng kanyang isipan.
     Nagtungo siya sa bahay ni Robyn, at nakasara iyun, wala rin ang sasakyan nito sa labas. Pero gayunpaman ay kinatok pa rin niya ang pinto ng bahay, habang isinisigaw ang pangalan ni Robyn.
     Pero walang Robyn na lumabas ng bahay, hanggang sa lumabas ang lalaking nakatira sa tabing bahay ni Robyn.
     “Hindi na diyan nakatira si Teacher del Valle” ang sabi nito sa kanya.
     “Kailan pa po siya umalis?” ang tanong niya.
     “Kagabi, may truck na kumuha ng mga gamit niya, na ibenta na niya ang bahay yun ang sabi niya sa akin nang tanungin ko siya kagabi” ang sagot nito sa kanya.
    “Wala po ba siyang nabanggit kung saan siya lilipat?” ang umaasang tanong niya.
     “Naku wala, eh hindi ba kasa-kasama ka niya? Hindi ba niya nabanggit man lang sa iyo?” ang balik tanong nito sa kanya.
     Biglang bumagsak ang mga balikat ni Joaquin, nanlambot ang kanyang katawan at naupo siya sandali sa harapan ng dating bahay ni Robyn.

    
     Pagbalik niya sa kanyang inuupahang bahay, ay naabutan niya si Fiona sa labas nito, at hinihintay siya.
     “Joaquin, kanina pa kita hinihintay” ang sabi nito sa kanya.
     “Bakit Fiona?” ang tanong niya rito, at muli niyang pinahid ang luha sa mga mata na kanina pa hindi tumitigil sa pagpatak.
     Nakita niyang may dinukot ito sa loob ng bag, at maya-maya ay iniabot nito sa kanya ang isang sobre.
     Tiningnan niya si Fiona na may pagtatanong sa kanyang mga mata.
     “Nakiusap sa akin si teacher Robyn na ibigay ito sa iyo, sa araw na hindi na siya ang magtuturo” ang sagot sa kanya ni Fiona.
     At naalala ni Joaquin nang tawagin ni Robyn si Fiona noong Miyerkules, bago sila umuwi.
     “Basahin mo Joaquin” ang sabi sa kanya ni Fiona.
     Malungkot siyang tumangu-tango at tumalikod siya kay Fiona para pumasok sa loob ng bahay. Nang may sabihin si Fiona, na nagpakabog ng kanyang puso at nagbigay liwanag sa kanyang isipan.
     “Joaquin, payo ko lang sa iyo huwag mong sayangin ang sakripisyo ni teacher Robyn, kung may ipinangako ka man sa kanya, sana ay tuparin mo” ang sabi nito sa kanya bago ito umalis.

     Pagpasok niya sa loob ay agad niyang binuksan ang sobre para basahin ang sulat.

     “Mahal kong Joaquin, alam ko habang binabasa mo ang sulat kong ito ay puno ng hinanakit at kwestiyon ang puso at isipan mo. Joaquin, patawarin mo sana ako kung, umalis ako at iniwan kita ng walang paalam,kailangan ko itong gawin, dahil, kapag nagpaalam pa ako, ay alam kong di kita kayang iwan.
     Iiwan kita hindi dahil sa hindi kita mahal, umalis ako dahil sa mahal na mahal kita. Ayokong maging isang balakid sa pangarap mo, ayokong maging sanhi ng pagbagsak mo ang relasyon natin, kaya ako nag resign sa University ay para mabigyan ka ng daan para maabot mo ang iyong mga pangarap.
     Hindi ako katulad ng babaeng unang nanakit sa iyong puso, at pinadapa ka nito. Oo at masasaktan kita, pero para iangat kita. Ayokong maging katulad niyang selfish Joaquin, gusto kong maging katulad mong selfless na tao, na ibibigay ang lahat para sa kapakanan ng iba.
     You’re the most selfless person I’ve ever known and I loved you for that. But this time I asked you to be selfish. I wanted you to be selfish Joaquin. Gusto ko na sana sa pagkakataong ito, ay unahin mo ang iyong sarili. Tapusin mo ang pag-aaral mo, abutin mo ang mga pangarap mo hindi dahil sa ginagawa mo ito para sa iba, pero dahil sa ginagawa mo ito, para sa iyong sarili. Dahil ito ang iyong kagustuhan.
     Huwag mo sana akong hanapin kung hindi ka pa successful sa buhay mo Joaquin. Hindi, ito dahil sa isa kang bigo, no, hindi. Kaya kitang tanggapin kahit ano ka pa man. Pero, gusto ko lang, na magpursige ka sa mga pangarap mo, at alam ko ang kakayanan mo Joaquin, na kayang – kaya mong abutin ang mga ito.
     At kung ang lahat ng pangarap mo ay nakamit mo na, at mahal mo pa rin ako. At kung talagang mahal mo ako. Alam mo kung saan ako hahanapin. Huwag mong kalimutan na mahal a mahal kita Joaquin. Ikaw ang buhay ko”
    
At nang matapos niya itong basahin ay hindi na niya napigilan ang lumuha na muli pero ngayon ay may ngiti na sa kanyang mga labi, at ang puso at isipan niya ay puno ng determinasyon para harapin ang kinabukasan.

The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon