Chapter 28

5.7K 167 7
                                    

Robyn walked briskly towards the main main door ng kanilang mansion. Pagbukas niya ng pinto ay dumiretso siya sa garden, alam niyang sa mga oras na iyun ay nasa hardin ang kanyang mommy, at nasa opisina naman ang kanyang daddy na alam niyang abala sa pag-aasikaso sa negosyo ng kanilang pamilya.
     “Mom!” ang malakas niyang pagtawag sa kanyang mommy na nakaupo sa isang rattan chair, may kausap ito sa cellphone. Nang makita siya nito ay nagpaalam ito sa kausap at ipinatong nito ang phone sa lamesa.
     “Well, at nakaalala ka ring dumalaw sa amin Robyn, pagkatapos mong lumayas at gumawa ng eksena noong pasko, at di ka nagpunta rito noong new year, not to mention ang ginawa mong gulo between me and your dad, nang wala akong magawa kundi ang sabihin ang maliit na insidente sa inyo ni Luis.
     Maliit? Ang di makapaniwalang tanong ni Robyn, pero hindi na niya ito sinagot pa, iba ang pakay niya sa ina, at kailangan niyang makuha ang loob nito.
     “I’m sorry if I started a rift between you and dad, pero dapat lang malaman ni daddy ang ginawa sa akin ni Luis” ang sagot niya rito.
     “Bakit dahil sa lalaking estudyante mo? Akala mo ba na natutuwa ang daddy mo? AKO, na malaman na nakikipagrelasyon ka sa isang thirty year old na lalaki na hindi pa nakakatapos ng pag-aaral?” ang di makapaniwalang sagot ng mommy niya.
     “My God! Robyn, we didn’t raise you to be that stupid!” ang galit na sabi sa kanya ng kanyang mommy.
     Hindi sumagot si Robyn, nanatili siyang tahimik na nakatayo habang pinakikinggan ang masasakit na salita ng kanyang ina. Kailangan niyang tanggapin ang lahat ng iyun.
     “At anong ipinunta mo rito, I didn’t see na nagpunta ka rito dahil namimiss mo lang ako” ang sarkastikong sabi nito sa kanya.
     “I needed my trust fund mom” ang diretsahan niyang sagot sa ina, na mukhang hindi nagulat sa sinabi niya.
     Ilang sandali muna itong nakatingin sa kanya, at maya-maya pa ay humalakhak ito. Tumayo ito sa kinauupuang rattan chair at lumapit ito sa kanya na nakahalukipkip ang mga braso.
    “Bakit? Kailangan ba ng matanda mong boyfriend ng pera?” ang sarkastikong tanong nito sa kanya.
     Hindi sumagot si Robyn, at nilunok niya ang emosyon na namumuo sa kanyang dibdib.
     “Saan mo gagamitin ang pera Robyn?” ang tanong sa kanya ng kanyang mommy habang naglalakad ito at tiningnan siya.
     “May emergency akong paggagamitan” ang simpleng sagot niya.
     Sandali itong tumigil sa paglalakad, nagpamewang ito at tiningnan siyang maigi, her mom’s eyes squinted at her.
     “I’ll sign your trust fund, kung HIHIWALAYAN mo ang LALAKING iyun” ang mariing sabi ng kanyang mommy sa kanya.
     Nanlambot si Robyn sa narinig, alam niya, na pwedeng gamitin ng kanyang mommy ang kondisyonna ito laban sa kanya. Kaya kagabi pa lang ay pinag – isipan na niya itong maigi, at pinaghandaan.
     Pero tila hindi pa rin siya handa, nang marinig niya ito mismo sa bibig ng kanyang mommy. Nanlambot ang kanyang katawan at para siyang mabubuwal.
     “Lahat gagawin ko mom, wag mo lang kaming paghiwalayin ni Joaquin, please?” ang pagmamakaawa niya sa kanyang mommy. Alam niyang balewala ang pagmamakaawa niya sa kanyang mommy, na nagpakita na talaga ng disgusto kay Joaquin, pero sinubukan pa rin niya.
     Her mom snorted on her, “yun ang kondisyon ko Robyn, I’ll give you the amount you need if you will leave that man” ang muling sabi sa kanya ng ina.
     Tuluyan ng tumulo ang mga luhang pinipigilan niya, wala ng ibang paraan. Kailangan niyang maging selfless para kay Joaquin, na pinili siya, kaysa sa kapakanan ng pamilya nito.
     Hindi siya katulad ng unang babaeng yumurak sa puso ni Joaquin. Pero sa pagkakataong ito, saktan man niya si Joaquin, ay matutulungan naman niya ang kanyang pamilya.
     Pinunasan niya ang luha sa mga mata and she looked straight to her mom’s eyes, “five hundred thousand” ang sabi niya sa kanyang mommy,na diretso ring nakatingin sa kanya at hindi kumurap.
    “That’s too much, hindi ganun kalaki ang pagkakasanla ng lupa nila” ang sagot ng kanyang mommy.
     Robyn was dumbfounded, she looked at her mom with horror and wide eyed. Hindi siya makapaniwala sa narinig sa bibig mismo ng kanyang sariling ina.
     “You knew all about this?” ang di niya makapaniwalang tanong sa ina, and then it struck her. Ginawa ito ng kanyang mommy, lahat ito ay planado nito, para malayuan niya si Joaquin.
     “How can you do this?!” ang pasigaw niyang tanong.
     “Para mahimasmasan yang utak mo Robyn, na ang gusto lang sa iyo ng lalaking iyun ay pera” ang sagot sa kanya ng kanyang ina.
     Pera? E naglihim nga ito sa kanya at handang sumayaw ulit ng hubo’t hubad para lang hindi lumapit ito sa kanya at humiram ng pera, ang sabi ni Robyn sa sarili.
      Napuno ng matinding galit ang dibdib ni Robyn, sumagi sa isip niya ang tatay ni Joaquin na tinamaan ng bala sa paa.
     “Muntik mo nang mapatay ang tatay ni Joaquin!” ang sigaw niya sa ina.
     “Sa paa lang siya tinamaan Robyn, kung hindi siya nakipag sagutan sa mga tauhan ni Lim, hindi siya mababaril” ang sagot nito sa kanya.
     Hindi kailanman naisip ni Robyn, na magagawa ito ng kanyang sariling ina, lalo na ibang tao,ganito ba ito kasama? Ang tanong niya sa sarili.
     “At kapag hindi ka pa rin nakipaghiwalay Robyn, hindi lang iyun ang matitikman ng pamilya ni Joaquin” ang banta ng kanyang mommy sa kanya.
     Muling umagos ang mga sariwang luha sa kanyang mga mata, tumayo siya at diretsong tiningnan ang kanyang mommy.
     “One million mommy, lalayo ako kay Joaquin, sa halagang one million, kulang pa iyun sa pasakit na ipapadanas mo sa aming dalawa.
     “So be it” her mom scathed at her, “bukas makukuha nila ang pera at babayaran ko si Lim sa utang nila”.
     Robyn shook her head, “ngayon mommy ngayon mo kukunin sa bangko ang trust fund ko, babayaran natin  ang Lim na iyun at isang managers check para sa pamilya ni Joaquin, ang ibang halaga” ang kondisyon ni Robyn.
     Halata sa mukha ng mommy ni Robyn a nagpipigil ito ng galit sa kanya, but she stood defiantly on her. Kung maghihiwalay man sila ni Joaquin, gusto niyang makitang mamumuhay ng maayos at walang problema ang mga ito, nang makapag focus si Joaquin sa nalalapit nitong pagtatapos.
     “So be it” ang galit na sabi ng ina.
     “You better hurry mom, you’re wasting time, itong araw lang ang ibinigay ko sa inyo, at kapag natapos ang araw na ito na walang bayaran at tsekeng lumabas, magsasama kami ni Joaquin, kahit pa gumapang ako sa hirap” ang banta niya sa kanyang mommy na galit na galit na naglakad para kunin ang mga kakailanganin sa transaksiyon sa bangko.


The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon