Di inakala ni Robyn, na doon siya dadalhin ni Luis. Sa dinami – dami nga naman ng lugar na pwede nilang puntahan para magdinner ay doon pa talaga sila nagpunta.
Robyn felt conscious, the moment they stepped inside the contemporary designed interior of The Hub bar and grill. Alam niyang any moment ay makikita sila ni Joaquin.
So ano naman kung makita sila ni Joaquin? Ang sabi ni Robyn sa sarili. Wala namang masama, kung kakain sila rito ni Luis,right?
But she felt wrong, para bang ang pagtapak niya rito kasama si Luis, ay betrayal para kay Joaquin. Why? She thought angrily. Wala namang SILA ni Joaquin! Siya lang naman yata, ang asyumera na may gusto sa kanya si Joaquin.
Robyn, hindi porke hinahatid ka sa parking lot, every after class ay may gusto na sa iyo! Nagmamagandang loob lang sa iyo si Joaquin! Ang galit na sabi ni Robyn sa sarili habang naglalakad sila papasok, patungo sa table na itinuro sa kanila ng attendant.
Luis helped her seated, bago ito naupo kaharap niya. Agad na may lumapit sa kanila na waiter at binigyan sila ng menu para umorder, saka isang buzzer, na pwede nilang pindutin if they are ready to order, or if they needed something. Hindi na nila kailangan pang magtaas ng kamay at tumawag ng waiter.
“Have you decided already?” ang tanong sa kanya ni Luis.
“Ahm, I’m sorry hindi pa” ang nahihiyang sagot ni Robyn, paano ba naman siya makakapili ng kakainin, eh wala sa menu ang atensyon niya kundi sa paligid niya.
Pasulyap – sulyap siya sa paligid, and she was expecting to see Joaquin. Pero ilang minuto na sila dito sa loob ay di pa niya ito nakikita.
Thinking na baka sa hot kitchen ito nakaassign, pinilit na lang ni Robyn, na ituon ang pansin sa menu. At dahil wala naman siyang ganang kumain, isang plate of potato salad at iced tea ang inorder niya.
Luis pressed the button, and in a few seconds, a waiter, approached them.
“Good evening ma’am, sir, ready to order na po?” ang tanong nito sa kanila. Luis gave him their order, and after writing and reading it again for them, umalis na ito para ibigay ang order nila sa counter.
“Nakapunta ka na ba rito?” ang tanong ni Luis.
“No hindi pa, ngayon pa lang” ang sagot ni Robyn, then she glanced again kung makikita niya si Joaquin.
“Ako rin first time ko rito” ang sagot ni Luis sa kanya.
Robyn only nodded, and she looked around her, kunwaring tinitingnan niya ang paligid.
“Maganda pala rito” ang sabi niya kay Luis.
“Yeah, a friend of mine recommended this place, masarap daw ang food at services, meron din silang bar, sa backside, want to check it out?” ang tanong sa kanya ni Luis.
Nag-aalangan man ay pumayag si Robyn, “sure” ang simpleng sagot niya.
Dumating ang kanilang pagkain, at tahimik lang na kumain silang dalawa, minsan at nagkukwento si Luis sa mga naganap sa buhay niya. Napansin ni Robyn, na ni minsan ay di nito tinanong kung ano bang kalagayan niya.
Hindi niya tuloy maiwasang maipagkumpara sina Joaquin at Luis, Luis was self centered, while Joaquin was selfless.
Natapos na lang ang kanilang dinner pero ni anino ni Joaquin, ay Di niya nakita, so bakit malungkot siya? Tanong ni Robyn sa sarili. Why are you so disappointed?
“Come on, let’s drink a little” ang yaya sa kanya ni Luis.
“Do you think it’s wise? Magdidrive ka pa” ang sagot ni Robyn, gusna kasi niyang umuwi at magpahinga, pero di niya lang ito matanggihan.
“Kaunti lang, just a bottle of beer or a glass of scotch” ang sagot ni Luis.
Robyn sighed, at pumayag na lang siya. Luis, held her waist to guide her at the back of the restaurant, kung saan naroon ang kanilang bar, mas lively run ang music sa loob kaysa sa dining area.
Maramina ring tao sa loob, group of friends, couples, and even loners, occupied the tabled seats already, kaya no choice sila kundi maupo sa mga bar stools sa mismong bar counter kung nasaan ang bartender.
They walked towards the counter and Luis helped her too her seat, may kataasan kasi ang bar stools. When she was seated, Luis sat next to her, and he raised his hand to call the attention of the bartender, na abala sa pagsiserve ng drinks sa dulong side ng mahabang counter.
And Robyn caught her breath when she saw the familiar face of the bartender, na nagmamadaling lumapit sa kanila.
Wearing a wide smile on his face, it was Joaquin.

BINABASA MO ANG
The Accidental Callboy [ Completed] © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she's feeling towards him. Para bang sasabog ang kan...