“Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she felt towards him. Para bang sasabog ang kanyang dibdib sa kabang nadarama.
"Bakit ba kung tratuhin mo ako para akong batang maliit ha? Robyn?" tanong ni Joaquin na dahan-dahang lumalapit sa kanya.
"Because I'm your teacher" ang pagpapaalala ni Robyn, and God NO your wrong because, I don't see you as a kid, she thought.
Joaquin snorted, "alam naman nating mas matanda pa ako sa iyo".
"But I'm still your PROFESSOR" ang mariing sagot ni Robyn and she was already leaning on the wall.
"Pero wala tayo sa loob ng classroom Robyn, nandito tayo sa kwarto ko, at dito ako ang masusunod" ang sabi ni Joaquin sa kanya. At napapikit na lang si Robyn nang makita niyang unti - unting bumababa at lumalapit ang mukha ni Joaquin sa kanya.
Napapikit si Robyn, she could feel his warm breath on her lips, it’s so close to hers, she anticipated it, nang biglang sumindi ang ilaw.
“Uy may kuryente na” ang biglang sabi ni Joaquin, sabay layo kay Robyn para kumuha ng damit sa drawer at pumasok ito sa loob ng banyo.
Robyn opened her eyes, and she was so mad at herself, because she expected and anticipated the kiss. Talagang umasa siya?! Ang galit na sabi ni Robyn sa sarili.
She angrily put her phone back inside her bag, at lalo pa siyang nainis nang paglabas ni Joaquin ay nakangiti ito at pasipol sipol pa. Iniinis ba siya nito? Ang galit na tanong ni Robyn.
“Hindi naman na masyadong malakas ang ulan, kahit di mo na ako ihatid, nakakahiya na sa iyo” ang sabi sa kanya ni Joaquin.
“Nandito na ako at naghintay na rin ako, so might as well ihatid na kita” kahit pa ayaw na niyang bumalik pa sa lugar na iyun, “ready ka na ba?”
“Oo” ang sagot ni Joaquin na nagpalit ng shirt at jeans.
Padabog na lumabas ng bahay si Robyn, at nakalimutan niyang umuulan pa, muntik na siyang mabasa ng ulan kung di siya hinila pabalik ni Joaquin.
“Oh, sandali mababasa ka” ang sabi ni Joaquin, saka binuksan ang payong ni Robyn. Di sumagot si Robyn at tikom lang ang bibig nito. Bakit ba siya naiinis? Ang tanong ni Robyn sa sarili, dahil ba sa di itinuloy ni Joaquin ang halik nito?
Binuksan ni Robyn ang pinto ng driver’s side, habang pinapayungan siya ni Joaquin, pagpasok niya ay ito naman ang sumakay sa passenger side. Pinaandar na ni Robyn ang kotse, ilang minuto na rin siyang nagdidrive ng tanungin siya ni Joaquin.
“Saan ka nakatira Robyn?” ang tanong ni Joaquin.
“Dun banda sa New Manila” ang sagot ni Robyn habang nakatuon ang paningin sa kalsada. Lumiko siya sa isang kalsada kung saan patungo sa pinagtatrabahuang club ni Joaquin.
“Ay nagkamali ka ng liko” ang sabi ni Joaquin.
“Ha, hindi ba?”-
Natawa si Joaquin, “hindi ako doon nagtatrabaho Robyn, sa isang bar malapit sa Diliman ako nagtatrabaho”.
Kumunot ang noo ni Robyn, “but I thought”
Joaquin shook his head, “nagkataon lang na kailangan ko ng pera nung araw na iyun, kaya tinaggap ko ang trabaho, ISANG gabi lang iyun nangyari” ang sabi ni Joaquin, gusto niyang malaman ni Robyn na hindi ganun ang trabaho niya.
Hindi malaman ni Robyn on why she felt relieved na hindi na nagtatrabaho si Joaquin sa club, ilang gabi rin niya kasi itong inisip na may ibang babae na kasama, at kung bakit selos na selos siya sa tuwing naiisip niya iyun. Hindi niya namalayan na may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi, at napansin iyun ni Joaquin.
“Uy, nangingiti siya” ang biro ni Joaquin.
Napasulyap si Robyn kay Joaquin at di na niya maiwasan ang ngumiti rito. At tuluyan ng naalis ang inis niya kanina.
“Natutuwa lang ako at hindi ka na kumukita ng pera sa ganuong paraan” ang sagot ni Robyn.
“Ikaw, unang beses mo rin lang na makapunta sa ganuong lugar ano?” Ang tanong ni Joaquin.
Namula ang mga pisngi ni Robyn, “o -oo, nacurious kasi ako” ang nahihiyang sagot ni Robyn.
“Nagsisisi ka ba?” ang mahinang tanong ni Joaquin.
Nagsisisi? Ang tanong ni Robyn sa sarili, paulit -ulit niya itong iniisip, pero ni minsan ay di niya ito pinagsisihan.
Robyn shook her head, “no, hindi” ang mahinang sagot ni Robyn.
“Ako rin” ang sagot ni Joaquin.
Tumayo ang mga balahibo ni Robyn, sa paraan ng pagkasabi ni Joaquin, para bang hinaplos ang buo niyang katawan. She cleared her throat, “ahm, I hope you won’t mind me asking Joaquin, bakit ba late ka na nag-aral ng college?”
Biglang naging malungkot ang mukha ni Joaquin at hindi ito agad sumagot, “I’m sorry, hindi mo naman kailangang sagutin ang tanong ko”.
“Hindi, hindi sa ganun” ang malungkot na sagot ni Joaquin, sa loob ng ilang taon, ngayon niya lang ito ikukwento sa ibang tao, “may naging girlfriend kasi ako noon, pareho kaming mahirap, pero may mga pangarap kami na makapagtapos ng pag-aaral, pero dahil sa kapos kami sa pinansiyal ay mukhang malabong mangyari” ang panimula ni Joaquin.
“Kahit pa mahirap kami ay pilit akong itinaguyod ng ama at ina ko, nagsasaka si tatay si nanay naglalabada, gusto nila akong makapag-aral pero tinanggihan ko, dahil mas pinili ko na magtrabaho na lang at pag-aralin ang aking nobya”.
Ilang sandali ang lumipas bago ito muling nagsalita, “lahat ng trabaho pinasok ko, halos di na ako nakakatulog, dahil nagsama na rin kaming dalawa, nagtatrabaho ako para kumita ng pang tuition niya, allowance, at panggastos sa bahay. Ang pangangailangan ng mga kapatid ko at magulang ay isinantabi ko at inuna ko ang aking nobya. Pero, pagkatapos ng graduation niya, kasabay nito ang pag alis niya sa tinutuluyan naming bahay. Naglaho siyang parang bula” ang galit na sabi ni Joaquin.
Di makapaniwala si Robyn sa narinig, halos di siya makapagsalita napuno ng emosyon ang kanyang dibdib. Anong klaseng babae ang gagawa ng ganuon sa isang lalaking kagaya ni Joaquin. He was selfless and loving, at nakuha pa siya nitong lokohin? Kung sa kanya lang si Joaquin, natigilan si Robyn sa iniisip. My God, may gusto na ba siya kay Joaquin?
“Pakihinto mo na lang diyan sa harap ng “The Hub” ang sabi ni Joaquin kay Robyn. Agad namang itinabi ni Robyn ang sasakyan, mabilis na lumabas si Joaquin, pero bago pa niya isinara ang pinto ay sumilip siya sa loob.
“Gusto mo bang pumasok muna sa loob, uminom ng kaunti o kumain, libre ko” ang yaya ni Joaquin.
Alam ni Robyn na mamahalin ang lugar na iyun, pero natuwa siya sa sinabi ni Joaquin, “sa susunod na lang, kailangan ko na ring magpahinga” ang sagot ni Robyn.
“Pangako mo iyan ha, salamat ulit” ang sabi ni Joaquin bago nito tuluyang isinara ang pinto ng kotse.
Nakatanaw pa rin sa kanya si Joaquin habang nagdidrive siya papalayo, at nang sumagi na naman sa isip niya ang pinagdaanan nito, ay may luhang pumatak sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
The Accidental Callboy [ Completed] © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she's feeling towards him. Para bang sasabog ang kan...