GS: THB Chapter Twenty Nine

5.9K 130 0
                                    

GS: THB Chapter 29
ImaginationNpaper

Sachi's POV

Gusto ko lumayo kay Grey dahil iyon ang sinasabi ng isip ko, pero sa tuwing iniisip kong tuluyan niya akong iwan ay nasasaktan ako. Sinasabi ng puso ko na bakit ko siya lalayuan kung alam ko sa sarili ko na napapamahal na siya sa akin. Oo, mahal ko na siya. Doon ko na-realize lahat noong isang linggo siyang hindi nagparamdam sa akin, akala ko tuluyan na niya akong nilayuan. Mas lalo akong nasaktan nang mabasa ang laman ng letter na binigay niya sa akin noong araw na umalis siya papuntang ibang bansa. Sinabi niya roon na hulog na hulog na siya sa akin at mahal na mahal niya raw ako. May part pa rin sa akin na nagdadalawang isip pero kasi, iba na iyong nakikita ko sa mga galaw niya. Alam kong totoo na, kaya mas nahuhulog ako sa pinapakita niya sa akin.

Naawa ako sa kan'ya noong gabing pumunta siya sa akin at nagmakaawang huwag siya iwan at layuan, wala naman sigurong masama kung kasiyahan ko na naman ang aking pipiliin. Natulog ako nang may ngiti sa labi, sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kan'ya. Kinabukasan ay maaga akong nagising, naghanda na ako ng mga baon ng mga kapatid ko at naghanda na para pumasok sa trabaho. Mas maaga akong umalis kaya binilinan ko silang i-lock ang bahay, nakuha ko na 'yong unang sahud ko sa shop ni Owen. Mabuti na lang at si Ms. Hazel ang nandoon, kahit bago pa lang ako roon ay malaki-laki naman ang aking nakuha dahil sa mga overtime ko.

Nang pananghalian na ay parang may nagtutulak sa akin na kunin ang cellphone ko at i-check, kaya ginawa ko 'yon at nakitang may text galing kay Grey. Matapos basahin ay napaisip ako, "ano kayang meron?" Agad naman akong nagpaalam sa manager ko na hindi ako mag-o-overtime ngayon at baka mga alas tres na ako ng hapon lalabas, pumayag naman siya kaya nakahinga ako ng maluwang. Tinapos ko na 'yong mga naiwan kong gawain at sinigurado na walang maiiwan mamaya. Lagi akong napapatingin sa orasan, napangiti naman ako nang makitang malapit na kaya mas binilisan ko pa ang aking ginagawa. Nang matapos ay agad akong naghanda para unuwi na.

Namilog naman ang aking mata nang makitang may naka-parking sa labas ng bahay, sasakyan iyon ni Grey. Agad namang bumukas ang pinto at niluwa noon ang driver niya.

"Kuya kanina ka pa rito?" tanong ko.

"Medyo po, mabuti na lang at dumating na kayo." Sagot naman nito.

"Si Grey po?" tanong ko rito.

"May inaasikaso po, utos po niya na sunduin daw po kita at dalhin mo 'yong dress. Sasamahan po kitang pumunta sa parlor na kakilala nila at ihahatid mamayang gabi." Paliwanag nito.

"Kuya ano pong meron?" tanong ko ulit.

"Hindi ko po alam ma'am eh, ito lang po kasi ang inutos ni Sir." Sagot naman nito.

"Kuya baka nagugutom ka? Magmeryenda po muna kayo," alok ko rito.

"Okay lang po ma'am, kayo po baka nagugutom kayo ay kumain muna kayo. Dito na lang po ako sa loob ng sasakyan maghihintay." Nakangiti nitong saad.

"Sigurado kayo ha? Sige Kuya mabilis lang 'to," saad ko at pumasok na sa loob. May juice naman sa ref at tinapay sa mesa kaya iyon na lang ang nilantakan ko, pakiramdam ko ay nanlalagkit ako kaya mas pinili kong maligo muna saglit at nagbihis na ng panlakad. Matapos maghanda ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng sasakyan, napakunot naman ang aking noo nang makitang may paper bag sa frontseat.

Nakita ata iyon ni Kuya kaya nagsalita ito, "Bathrobe po iyan ma'am na para sa 'yo, para may magamit ka mamaya sa parlor." Sagot naman nito.

"Si Grey talaga," umiiling na saad ko.

"Mahal na mahal ka po noon," saad ni Kuya sabay tinignan ako sa salamin. Nginitian ko na lang ito at inabo ang paper bag para tignan ang laman noon. Namilog ang aking mata nang makitang maganda iyon, para talagang mamahalin.

"Kuya iidlip muna ako ha, gisingin mo na lang ako kapag dumating na tayo." Bilin ko kay Kuya, tumango naman ito kaya tinabi ko na muna ang mga binigay ni Grey sa akin at nang maayos na ay pumikit na ako. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako nagising, may tumatawag sa pangalan ko at inaaninag kung nasana ko. Oo nga pala, nasa sasakyan nga pala ako.

"Ma'am Sachi, puwede na po kayong lumabas at nandito na tayo." Saad sa akin ng driver.

Tinulungan niya naman ako sa pagdadala ng mga gamit, hindi ko mapigilang mapalingalinga nang tuluyan na kaming makapasok. Ang gara kasi, parang bagay lang talag sa mga mayayaman. Pero bakit wala yatang customer?

"Good afternoon ma'am, I am Andrea the owner of this salon. I am Grey's friend and binilin ka niya sa akin, ikaw si Sachi right? He told me that I need to make sure na dapat maganda ka mamaya. Are you ready for your transformation?" nakangiti nitong saad.

Hindi pa ganoon pumapasok sa isipan ko ang sinasabi niya dahil nakakatulala ang ganda niya, payat ito pero ewan ko ba. Para siyang anghel!

"Sachi?" tawag nito sa akin.

"Ay sorry po! Ang ganda mo po kasi," nahihiyang sagot ko rito.

"Naku, salamat! Siguro masyado kang importante kay Grey 'no? Pina-exclusive niua kasi ang salon na 'to para raw matutukan kita. Ang suwerte mo girl, never in my life ko pa nakita 'yang nag-effort ng ganito sa babae." Saad nito sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya napakamot na lang ako sa batok ko, "By the way, may dala ka bang bathrobe? Magpalit ka na para maumpisahan na natin."

"Ah opo meron, saan po iyong banyo niyo?" nahihiyang tanong ko rito.

"Diretso ka lang doon oh," turo nito sa direksiyon.

Kinuha ko naman kay Kuya iyong paper bag at kinuha ni Ms. Andrea ang lalagyan ng dress ko.

"Titignan ko para alam ko kung anong make up and hairstyle ang babagay sa damit na susuotin mo." Nakangiti nitong saad nang makita akong nakatingin sa kan'ya.

Tinanguan ko na lang ito at dumiretso na roon, mabilis lang naman iyon dahil isang suotan lang ang bathrobe kaya hindi ako natagalan. Iyong damit ko naman kanina ang pinasok ko sa paper bag.

"Alam mo ba? I am so insecure with natural beauty, hindi ako mahihirapang make-up-an ka dahil maganda ka na with or without make up." Saad nito sabay hinaplos ang aking pisngi.

Nakaharap na ako ngayon sa malaking salamin, nakapalibot doon ang ring light. Tinali niya muna sa isahan ang buhok ko at may kung ano-ano ng nilagay sa mukha ko. Hindi ako sanay sa make up kaya minsan natutulak ko 'yong kamay niya, natatawa lang ito at naiintindihan niya naman daw ako.

"Okay lang ba na putulan ko 'yong buhok mo?" tanong nito sa akin.

"Okay lang po, ikaw po bahala kung anong babagay sa akin." Sagot ko naman.

"Okay open your eyes," saad nito.

Hindi ko mapigilang mamangha nang makita ang ginawa niya sa mukha ko.

"Ang ganda!" nakaawang ang aking bibig na saad ko rito.

Matapos iyon ay may kung ano-ano na naman siyang nilalagay sa may eyelashes ko at ginuhitan na ang aking kilay. Sunod niya namang inayos ay ang buhok ko, ginupitan niya iyon na above the shoulder at nilagyan ako ng bangs. Hindi sa pagmamalaki pero nanibago ako sa mukha ko.

"Gaganda pa pala ako?" natatawang saad ko.

Isang oras din ang lumipas bago ito tuluyang natapos, nagkaroon pa nga kami ng komosiyon sa loob ng banyo at tutulungan niya raw ako. Nahihiya kasi ako na may ibang makakakita sa katawan ko pero kalaunan ay napapayag niya rin ako, matapos namin magbihis ay pinaharap niya ako sa harap ng salamin. Ang galing niya, sa porma kong ito aakalain mo'y para rin akong isang mayaman.

"Salamat Ms. Andrea," saad ko rito.

"You are welcome, nagustuhan mo ba?" nakangiti nitong tanong sa akin.

"I love it po," sagot ko naman dito

Pumasok naman ang Driver ni Grey at sinabing kailangan na namin umalis. Inalalayan nila akong makapasok sa loob at muling nagpasalamat kay Ms. Andrea bago tuluyang lumabas.

Bigla tuloy akong kinabahan, bakit parang ang bongga?

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon