GS: THB Chapter Eighteen

6.3K 147 3
                                    

GS: THB C.18
ImaginationNpaper

Kinaumagahan halos ayaw ko pang bumangon, inaantok pa talaga ako pero dahil tumunog na 'yong alarm ko ay kailangan ko na bumangon. Magluluto pa ako ng pagkain at baon ng mga kapatid ko, halos isang oras lang ang tulog ko dahil ang daming bumabagabag sa utak ko. Inaantok pa man ay bumangon na ako at naghanda na ng lulutuin, napasimangot na lang ako nang mapansin ang mata ko na para bang mata ng panda.

"Good morning age!" bati sa akin ni Jase.

"Good-" hindi naman natapos ni Zaphyr ang sasabihin habang nakatitig sa akin.

"Anong nangyari sa mata mo?" gulat na tanong nito.

"Ate hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" dagdag ni Jase.

Pinigilan kong matawa sa tanong ni Jase, ewan ko ba pero natatawa ako kapag naiisip ko 'yong nangyari sa amin ni Grey.

"H-Ha? Hindi ah, umatake lang 'yong insomnia ko. Tsaka gumalaw na nga kayo, maligo na kayo at magplantsa para hindi kayo ma-late." Sagot ko naman sa kanila.

Tumango naman ang mga ito at ginawa na ang mga sinabi ko, matapos kong magluto at maghanda ay ako na ang naligo. Napatulala na naman ako nang maalala kung paano ako halikan ni Grey.

"Bakit gustong-gusto ko 'yon?" mahinang saad ko.

"Ate! Ate nandiyan si Kuya Grey, papapasukin ba namin?"

Bumalik naman ako sa aking huwesiyo nang marinig ang boses ni Jase, Anong!

"Anong papapasukin? Jase naliligo ako baliw ka na ba!" sagot ko naman dito.

"Ate ibig ko sabihin eh sa sala hindi sa banyo," sagot naman nito.

Nasapo ko na lang ang aking noo sa sagot nito, ano ba 'tong iniisip ko?

"Sige," sagot ko na lang dito.

"Kuya kain po tayo," rinig kong aya ni Zaphyr dito.

"Sige lang salamat," sagot naman nito.

Nagmadali na lang akong maligo, nakakahiya naman kung hihintayin niya pa ako. Na-text ko na rin si Owen kanina, sabi ko sa kan'ya na si Grey na maghahatid sa akin. Matapos magbihis at mag-ayos ay lumabas na rin ako, tapos na akong kumain kanins kaya ready ng umalis.

"Zaphyr, Jase i-lock niyo 'yong pinto ah? Mauna na ako," paalam ko sa kanila.

"Good morning," nakangiti nitong bati sa akin.

Iniwas ko naman ang tingin ko rito, bigla akong nakaramdam ng hiya.

"T-Tara na," nauutal na sagot ko sabay nauna ng lumabas.

Napakunot naman ang aking noo nang hindi ko mahagilap ang driver nito.

"Wala 'yong driver mo?" tanong ko na hindi man lang ito tinignan.

"Wala, gusto ko kasi tayo lang dalawa." Sagot nito sabay binuksan ang harapan ng sasayan niya.

"Sa likod na lang ako uupo," saad ko rito.

"No! Dito ka sa harap, tsaka magmumukha akong driver kapag nasa likod ka." Biro pa nito.

"Baliw!" sagot ko sabay tuluyan ng pumasok.

Napasinghap naman ako nang ilapit nito ang mukha niya sa akin, hahalikan niya ba ako? Napapikit naman ako pero dahan-dahan ding dumilat nang marinig na tumunog ang seatbelt.

"Umasa ako doon ah," saad ng isip ko.

Umikot naman ito at pumunta na sa driver's seat.

"Lemme guess, hindi ka nakatulog kanina 'no?" nakangisi nitong saad at binuhay na ang makina ng sasakyan.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon