GS: THB Chapter Twenty Two

5.8K 138 5
                                    

GS: THB Chapter 22
ImaginationNpaper

"Grey hindi 'yan basta-basta sinasabi kapag hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo." Saad ni Sachi sa akin.

"H-Hindi ko rin alam kung bakit bigla 'yong lumabas sa bibig ko," sagot ko rito.

"Baka naguguluhan ka pa lang," sagot naman nito.

"Basta Sachi don't pressure yourself, alam ko darating din 'yong time na pareho na tayo ng nararamdaman sa isa't isa." Saad ko rito, tumango naman ito at pinunasan ang luha niya.

"Grey salamat, " saad nito habang nakangiti sa akin.

"Para saan?" takang tanong ko rito.

"Kasi sinusubukan mo akong ipagtanggol kanina, tapos sa libre." Nahihiya nitong sagot.

"Gagawin ko naman talaga 'yon para sa 'yo Sachi, tsaka hindi lang ito ang libre na matitikman mo... Marami pa!" sagot ko sabay kindat.

"Hayaan mo, babawi ako." Sagot nito.

"Ano ka ba, okay lang naman tsaka pasensya na kung medyo epic 'yong dinner natin ah? Heto nga pala, nag-take out talaga ako para sa mga kapatid mo." Saad ko sabay inabot sa kan'ya ang dala ko.

"Hala! Grey naman, nakakahiya." Nahihiyang saad nito.

"Asus! Sabi ko naman sa 'yo na gagawin ko lahat 'di ba? Kaya kulang pa 'to, marami pa akong ibabahagi sa 'yo." Saad ko sabay inayos ang buhok nito.

"Sachi, gagawin ko na 'yong tama. Sigurado na ako sa nararamdaman ko sa 'yo kaya ayaw kong masira 'to." Seryosong saad ko rito.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong nito.

"I mean, aayusin ko na 'yong buhay ko. Gusto kong patunayan sa 'yo na hindi ka magsisisi na minahal mo ako." Seryosong saad ko.

"Advance ka naman eh, wala pa nga akong sinasabi na mahal kita." Natatawang sagot ko rito.

"Panira ka talaga ng moment," natatawang sagot ko rito.

"Kung ano man 'yan, mabuti kung ganoon. Basta, alam kong imposible at mahirap pero titignan ko." Sagot nito sa akin.

Hinatid ko na ito sa bahay nila para makapagpahinga na, inaya pa niya akong pumasok pero mas pinili ko na lang na umuwi na. Agad akong nagbukas ng wine nang makarating, halos lagukin ko pa ng diretso ang laman nito.

"Hey dahan-dahan,"

Agad naman akong napalingon nang marinig ang boses ni Lance.

"Tapos na pala date mo?" sarkastikong tanong ko rito.

"Init yata ng ulo mo man, ano bang problema?" tanong nito at nagsalin na ng alak sa hawak nitong baso na may lamang yelo.

"Sinadya mo ba 'yon?" diretsong tanong ko rito.

"Ang alin?" naguguluhan nitong sagot sabay simsim sa hawak niyang baso.

"Tang'na naman Lance! Pinahiya niyo si Sachi kanina." Nanggigigil na bulyaw ko rito.

"Man easy, hindi ko 'yon sinadya okay? Baka nagulat lang si Maureen kaya ganoon siya makitungo kay Sachi." Sagot naman nito.

"Kahit na Bro, alam niyang date ko si Sachi dapat dindi niya binastos." Umiiling na saad ko rito.

Agad naman itong natawa sabay pumalakpak.

"I guess I've got the answer, talo ka na." Tumatawang saad ni Lance.

"Umalis ka na nga rito! Ayaw ko na makita ang pagmumukha mong pumupunta rito sa bahay!" bulyaw ko rito.

"Pagbibigyan kita ngayon Grey, kasi alam ko mainit ang ulo mo. Hindi muna kita sisingilin sa kailangan mong bayaran, hahanap ako ng magandang tiyempo." Saad nito sabay nilagok ang laman ng baso niya.

"Argh!" sigaw ko sabay binato ang hawak kong baso sa dingding. Malakas ang impact nito kaya napapikit ako nang maramdamang may tumalsik sa pisngi ko.

"Awe," saad ko sabay hawak sa aking pinsgi.

Napailing na lang ako nang makitang may dugo ang aking kamay.

"Simula sa araw na 'to, ang sino mang manliit kay Sachi ay ako ang makakalaban.  Sigurado na ako, ipagtatanggol ko siya kanino man." Saad ng isip ko.

"Anak! Your face is bleeding," nagaalalang saad ni Mommy.

"Mom huwag ka lumapit! May mga basag na bubog diyan, okay lang ako." Awat ko sa kan'ya nang lalapit sana ito sa akin.

"Okay, anak may problema ba?" tanong nito.

"Mom I'm fine, matulog ka na." Sagot ko sabay tumayo.

"Anak dumudugo pa rin," saad ni Mommy nang makalapit ako sa kan'ya.

"Mom wala nga lang 'to, hindi ito malalim." Sagot ko naman.

"Anak gamutin natin-"

"Mom!" Bulyaw ko rito. "Kung sakit lang din ang paguusapan natin, wala ng mas sasakit pa sa ginawa ni Daddy sa atin." Saad ko rito.

Bigla namang tumulo ang luha nito habang nakatitig sa akin, "Anak hindi lang ikaw 'yong nasasaktan. Anak ako rin," saad nito habang tumutulo ang luha.

"Mom wala na tayong magagawa, dad already made his choice and sad to say wala tayo doon."

Mas lalo itong naiyak sa aking sinabi, ayaw kong nakikitang nagkakaganito ang Mommy ko dahil lang sa Daddy kong wala kuwenta. Kung hindi lang sana dumating sa buhay namin sila Owen, sana maayos pa kami at kumpleto. Lumapit ako rito sabay niyakap ito.

"Mom nandito naman ako, huwag mo na iyakan ang lalaking 'yon. Hindi niya deserve ang luha natin, kahit pa umiyak tayo ng umiyak ang Mommy ni Owen at siya na ang pinili ni Dad." Saad ko habang hinahaplos ang buhok nito.

"Anak hindi ko alam kung saan ako nagkulang o anong kasalanan ko sa kan'ya bakit nagawa niya 'to sa akin, anak nagmahal lang ako. Minahal ko lang siya ng buo, binigay ko lahat pero bakit naging ganito?" Umiiyak na saad nito.

"Mommy walang problema sa 'yo, si Daddy. Siya ang hindi nakuntento at siya ang nagloko." Pagpapagaan ko sa loob nito.

"Anak please lang... Huwag mong gayahin ang Daddy mo, kapag nagmahal ka dapat isa lang. Kapag nagmahal ka dapat hindi mo paglaruan, hindi gaya ng ginawa niya sa akin na all this years niloloko niya lang pala ako." Umiiyak na saad sa akin ni Mommy.

Bigla akong na-guilty nang maalala ang pakikipagsundo ko kay Lance, alam kong masasaktan ko si Sachi kapag nalaman niya 'yong ginawa ko. Pero sigurado naman akong hindi magsasalita si Lance eh, babayaran ko naman talaga siya. Hindi pa nga lang sa ngayon dahil nabubuwesit ako sa kanila ni Maureen.

"Anak magpakalalaki ka, hanggat kaya mo. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay ma makakasakit sa damdamin ng babae dahil sinasabi ko sa 'yo, sobrang sakit nito para sa amin." Humahagulgol na saad nito sa akin.

"Yes Mommy, tahan ka na okay? Promise, hinding-hindi ko sasaktan ang babaeng mamahalin ko." Saad ko sabay hinalikan ang buhok nito.

"I love you my only son," mahinang saad nito.

"Mahal na mahal din kita Mom, please sana dumating na 'yong araw na maghilom ang sugat sa puso mo. Ayaw kitang nakikitang nagkakaganito, nasasaktan din ako." Saad ko rito.

"Pagsisikapan ko anak. Ikaw din, sana mahanap mo ang pagpapatawad sa puso mo."

Napapikit ako ng mariin, as soon as possible dapat matapos na 'yong deal namin ni Lance. Alam ko, kapag hindi ko ginawa ang tama ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon