GS: THB Chapter Thirteen

6.6K 164 5
                                    

GS: THB C.13

Grey's POV

"Look who's here," nakangisi kong salubong kay Owen na kakababa lang ng sasakyan niya. Hindi ko mapigilang mapailing nang makita ang mukha nito na para bang naiinis.

"What are you doing here?" tanong nito sa akin.

"Susunduin si Sachi para ihatid sa shop," sagot ko naman.

"Too late, ako ang maghahatid kay Sachi at susundo sa kan'ya mamayang gabi." Sagot naman nito.

"Grey?"

Agad naman kaming napalingon ni Owen nang marinig si Sachi.

"Sachi! I brought something for you," saad ko sabay binuksan ang pinto ng aking sasakyan. Kinuha ko ang dala kong bulaklak at cake.

"Para saan 'to?" tanong nito sa akin.

"Wala, araw-araw ko na 'tong gagawin para sa 'yo." Nakangiti ko namang sagot.

"Grey huwag na, hindi mo naman 'to kailangan gawin." Saad nito sa akin.

"Sabi ko naman sa 'yo na babawi ako 'di ba?" saad ko rito.

"Wala namang okasyon Grey, pero kung magpupumilit ka edi okay. Salamat dito, puwede ka na umalis." Saad nito sabay dinala ang binigay ko sa kan'ya sa loob ng bahay nila.

Mayamaya pa ay lumabas na rin ito.

"Hatid na kita," alok ko rito.

"Nakapagusap na kasi kami ni Owen kagabi, siya 'yong maghahatid sa akin ngayon." Sagot naman nito.

Tinignan ko naman ng masama si Owen, mas lalo akong nainis nang ngumisi ito ng nakakaloka.

"Sige na Grey, kailangan na namin umalis. Salamat ulit," paalam nito sabay talikod.

"Sachi!" tawag ko rito.

Lumingon naman ito sa akin naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Mamayang gabi, ako na susundo sa 'yo." Saad ko rito.

"No!" sabat ni Owen.

"I am not talking to you Owen, hayaan mong magdesisyon si Sachi para sa sarili niya." Naiinis na sagot ko rito.

"Guys naman ang aga-aga pa oh, hindi niyo naman talaga ako kailangan ihatid o sunduin eh. Kaya ko 'yong sarili ko," sagot naman nito.

"Teka nga Grey, nakikipag-kumpetensya ka ba sa akin?" tanong ni Owen.

Napangisi naman ako rito, "Bakit, are you challenged?"

"No I am not, kasi alam ko sa sarili ko na hindi trophy si Sachi para maging premyo." Makahulugan nitong saad.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao nang marinig ang sinabi nito, nakakainis!

"Let's go Sachi," saad ni Owen at inalalayan si Sachi na makapasok sa sasakyan nito.

Tinignan muna ako ni Owen bago tuluyang pumasok sa sasakyan nito.

"Pasasaan ba at makakabawi rin ako, akala mo ha." Saad ko sabay pumasok na rin sa aking sasakyan.

Maramirami na rin ang aking napabayaan na mga paperworks, sa totoo lang kasi hindi ko rin alam kung bakit naiisip ko si Sachi tuwing gabi bago matulog. Dahil ba sa deal?

Ang dami kong tanong na alam ko rin na sarili ko lang din ang makakasagot. Pero malabo pa, hindi ko pa alam kung totoo ba o hindi. Kung ginagawa ko lang ba 'to para inisin si Owen o para manalo sa deal.

"Argh!" sigaw ko sabay sabunot sa aking sariling buhok.

"All this years ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae, na para bang ako ang naghahabol."

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon