GS: THB Chapter 27
ImaginationNpaperGrey's POV
Napahilamos ako sa sarili kong kamay matapos ang paguusap namin ni Sachi, nagulat naman ako nang biglang tumulo ang aking luha. I won't deny the fact na nahuhulog na talaga ako sa kan'ya, gusto ko sana manapak pero gusto kong tamaan sana si Owen. Ano kayang ginawa niya at bakit ganoon na lang umiyak si Sachi? Matapos ko lang talaga 'tong trabaho ko rito, babalik at babalik din ako agad sa pilipinas. Hindi ako titigil, papatunayan ko sa kan'ya na worth it ang pagbigay niya ng chance sa akin...
Lumipas ang isang linggo, wala akong maayos na tulog. Ni wala man langg paramdam galing kay Sachi, si Lance naman ay hindi ma-contact at lalong-lalo na si Owen. Ang saya-saya siguro ng lalaking 'yon kasi iniiwasan na ako ni Sachi. Bukas na ako uuwi, mamaya ay mamimili ako ng mga pasalubong kay Sachi, kahit na sabihin niya pang titigilan ko siya ay hindi ko naman 'yong susundin. Mas susundin ko pa ang sinasabi ng puso ko. Hindi naman ganoon ka sama ang stay ko rito, I closed a deal with a known businessman na taga rito na maging investor sa company ko. Hindi ko rin natatawagan ko na-text si Sachi this past few days dahil sa sobrang dami ng gagawin.
"Susurprise ko siya bukas," saad ko at nagpahatid na sa bilihan ng mga pasalubong. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko knowing na makakauwi na ako bukas dahil finally, maaayos na namin ni Sachi 'yong sinira ni Owen.
Bumili ako ng dress para kay Sachi at bag, may mga pagkain at chocolates din na sigurado akong magugustuhan niya. I also bought a signature bag for Mom, syempre makakalimutan ko ba naman si Zaphyr at Chase? I also bought something for them. Si Lance? Hindi ko na 'yon bibilhan, magababayad na ako sa deal na ako ang talo para matapos na 'to. Para hindi na ako guilty sa tuwing kasama ko si Sachi. Maramirami ang aking nabili kaya pagdating ko sa condo ko ay agad ko rin 'yong inayos, plano kong sa labas na kakain mamaya kaya inayos ko na lang 'yong mga gamit ko para wala ng maiwan.
"Someday madadala ko rin si Sachi rito," siguro matutuwa 'yon kapag nakakita siya ng snow. Napaka-simple niya pa naman, lahat yata ng ibibigay mo sa kan'ya ay na-a-appreciate niya. Matapos ko mag-dinner ay pinili ko na lang muna na umidlip, maaga ang flight ko mamaya kaya kailangan ko ng energy. Kinaumagahan ay handa na ang lahat kaya naligo na lang ako at dumaan sa malapit na coffee shop para bumili ng kape. Matatagalan na naman bago ako makabalik dito, pero sisiguraduhin ko na kapag nangyarui 'yon eh kasama ko na si Sachi.
Wala gaanong nangyari sa biyahe, ilang oras din akong uupo kaya mas pinili ko na lang na matulog. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagod ko habang wala ako sa pinas.
"I need energy, I need Sachi's hug." Saad ng isip ko.
Saktong-sakto pagkagising ko ay nasa Pinas na ako. "Grabe, ni hindi ko man lang namalayan. Tulog na tulog talaga ako."
Sinundo ako ng driver ko, on time lagi at nandoon na paglabas ko ng airport.
"Kamusta si Sachi?" unang tanong ko sa kan'ya.
"Hindi na po siya nag-t-trabaho kay Owen," sagot nito.
"Ano?" hindi makapaniwalang saad ko.
"Yes Sir, balita ko nasa isang fastfood chain na siya nag-t-trabaho." Sagot naman nito.
"Iyong Owen na 'yon! Humanda talaga siya kapag may ginawa siya kay Sachi," mariin na saad ko.
"Diretso po ba sa bahay Sir?" tanong nito.
"Idaan mo ako sa bahay nila Sachi, kailangan ko siya makausap." Sagot ko rito.
Tumango naman ito at patuloy na nagmaneho. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari, mahalaga kay Sachi ang trabaho. Alam kong hindi iyon basta-basta aalis nang walang sapat na dahilan. Mayamaya pa ay papasok na kami sa lugar nila Sachi, magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko kasi na medyo galit pa ito sa akin kaya hindi ako sigurado kung haharapin niya ba ako.
"Baka wala 'yon ngayon," saad ko.
"Subukan mo lang po Sir," sagot naman nito.
Tumango na lang ako at bumaba na sa sasakyan. Kinakabahan ma ay kinatok ko na ang pintuan nila, nakakailang katok pa lang ako ay narinig ko na ang boses ni Sachi.
"Sino 'yan? Sandali lang," saad nito.
Oh, how I missed her voice.
Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto, "Anong kai-"
Natigilan ito nang makita ako, bagong ligo lang ito at para bang naghahanda para sa trabaho niya.
"Sachi," malungkot na saad ko rito.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong nito.
Napabuntong hininga ako nang iwasan niya ang tingin ko, lumapit ako rito sabay hinila ito at niyakap.
"Why are you doing this? You're killing me, sobrang miss na miss na kita." Nakapikit na saad ko rito.
Mayamaya pa ay narinig ko ang paghikbi nito, "Miss? Grey naghintay ako ng tawag o text na galing sa 'yo pero ni isa wala akong natanggap. 'Yon ba iyong miss sa 'yo?" umiiyak na saad nito.
"Sobra lang akong naging busy kaya hindi man lang kita na-contact, believe me Sachi I tried. Natatakot lang ako na baka kapag nangulit ako ay mas lalo kang magalit sa akin." Paliwanag ko rito.
"Grey layuan mo na ako," diretsong saad nito.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Sachi, huwag mo naman ako idamay sa galit mo kay Owen." Pagpupumilit ko rito.
Kumawala naman ito sa pagkakayap sa akin sabay tinignan ako, "Simula kasi noong nadikit ako sa 'yo, doon na gumulo 'yong buhay ko."
Masakit. Nasasaktan ako sa sinasabi niya, hindi ko namalayan na tumulo na pala 'yong luha ko habang nakatitig sa kan'ya.
"Ngayon lang ako sumaya ng ganito Sachi, ngayon ko lang naramdaman ma importante ako sa ibang tao. Sa 'yo ko lang naramdaman na kaya rin pala akong mahalin, sa 'yo ko rin nalaman na kaya ko pa lang magmahal. Sachi, huwag mo naman ipagdamot ang sarili mo sa akin oh. Alam kong oa pakinggan pero, you complete me. Ikaw 'yong bumuo sa pagkatao ko."
"Grey marami namang iba diyan eh, iyong mas deserving. Iyon ring pareho ng estado ng buhay mo, bakit ako pa? Bakit ako na halos walang makain? Bakit ako na mahirap?" umiiyak na tanong nito.
"I chose you because my heart and mind says your name, I chose you because you are deserving. I chose you kasi kahit walang-wala ka para sa sarili mo, you are everything to me. Handa akong ibaba ang pride ko para sa 'yo, handa akong maging alipin mahalin mo lang ako. Sachi alam ko, alam ko na diyan sa puso mo may nararamdaman ka na sa akin. Pinipilit mo lang na pigilan kasi natatakot ka, Sachi handa akong gawin lahat para sa 'yo." Pagpapaintindi ko rito.
"Grey naman eh, bakit ka ba gan'yan?" humihikbing saad nito.
"Ganito ako kasi ikaw ang nagturo sa akin na hindi basehan ang estado ng buhay para magmahal, na akala ko noon kaya ko kunin lahat kasi marami akong pera. You taught me that you can't get true love if you won't work hard for it. Kaya nga ako nandito 'di ba? I am working hard para makuha ka, because the day I've meet you. I realized that you are the girl that I am waiting. That you are the girl worth living with and spending my whole life."
Napapikit naman ako nang bigla niya akong yakapin, binaon nito ang kan'yang mukha sa aking dibdib.
"Anong ginawa ko para piliin mo? I am just nothing, hindi ko akalain na dadating pala ang panahon na may bilyonaryong kagaya mo na mahuhulog sa taong kagaya ko. Sorry, patawarin mo ako kung lagi kong pinipigilan ang sarili ko, natatakot lang ako na baka isang araw ma-realized mo na wala kang makukuha sa akin." Umiiyak na saad nito.
"It doesn't matter, I know to myself that you are the girl who saves me from my poor perspective about what life is."
"Mahal kita Sachi, at walang anong halaga ang makakapalit noon."
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)
RomanceIf you have money, you can buy everything you want that can make you happy. But what if you'll meet the happiness that doesn't required a cost?