GS: THB Chapter Twenty

6.2K 141 8
                                    

GS: THB C.20
ImaginationNpaper

Sachi's POV

"Sachi, sabihin mo sa kan'ya ang totoo." Saad sa akin ni Grey.

"Seriously Grey? Huwag mo nga siya diktahan sa sasabihin niya. Baka naman, tinakot mo kaya may dinner kayo?" suspetsya nito.

"H-Hindi! S-Sir, may dinner po talaga kami ngayon." Pagtatanggol ko kay Grey.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko matapos makita ang reaksiyon ni Owen.

"Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin, okay then..." Makahulugang saad nito sabay alis.

"Ano bang nangyayari sa kan'ya?" mahinang saad ko habang pinagmamasdan itong lumayo.

"Hayaan mo na lang Sachi, baka wala lang talaga sa mood si Sir ngayon. Huwag mo na isipin 'yon, mag-enjoy ka na lang sa dinner niyo ah? Ingat!" saad sa akin ni Ms. Hazel.

Tumango na lang ako rito, si Grey naman ay nakatitig lang sa akin. Nagpaalam na muna si Ms. Hazel kaya kami na lang ang naiwan ni Grey doon.

"Grey galit yata si Owen, baka hindi-"

"Hindi tayo tutuloy dahil galit siya? Sachi naman, hindi niya kontrolado ang buhay mo. Tandaan mo, amo mo lang siya at trabahador ka lang niya." Pagpapaalala sa akin ni Grey.

"Pero kasi..." nagdadalawang isip ko pa ring saad.

"Ako na ang bahala, huwag ka magalala. Baka wala lang 'yon sa mood kaya nagkaganoon, huwag mo muna siya isipin okay? Sige na, get your things at hihintayin na lang kita sa sasakyan." Saad nito sabay hinaplos ang aking pisngi.

"Sige, kukunin ko lang." Sagot ko at hinintay muna siyang makalabas bago tuluyang pumasok sa locker's room.

"Sachi,"

Pagbukas na pagbukas ko ng pintobay sumalubong sa akin si Owen, seryoso ang mukha na para bang ang laki ng problema.

"Owen, galit ka ba sa akin?" diretsong tanong ko rito.

"Hindi, ang dami ko lang talagang iniisip. Sasama ka ba talaga kay Grey?" tanong nito.

"Oo, kagabi pa kasi kami nagusap tungkol dito e." Sagot ko naman.

"Nililigawan ka na ba niya?" tanong ulit nito.

Nakatitig lang ito sa akin kaya tumango ako, hindi ko alam pero napahimalos siya sa sarili niyang kamay.

"Sachi hindi mo alam ang pinapasok mo, magtitiwala ka sa lalaking 'yon?" nanggigigil na saad nito.

"Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko siya ng pagkakataon 'di ba?"

"Hindi ko alam kung anong ginawa niya o pinakain niya sa 'yo, kung bakit nauwi sa ganito. Nagulat langa ako, halos kamuhian mo siya noon pero ngayon pinagtatanggol mo na siya." Sagot naman nito.

"Ginawa niya lang 'yong dapat niya gawin, Owen hindi ako darating sa desisyon na 'to kung wala lang nangyari." Diretsong sagot ko sabay namilog ang aking mata nang mapagtanto ang aking nasabi.

"Nangyari? Sachi tell me! Anong ginawa niya sa 'yo?" nagaalalang tanong nito.

Bigla tuloy akong natigilan, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Bigla kasi akong nadulas eh.

"Sachi, sabihin mo sa akin." Malumanay na saad nito sabay pinaharap ako sa kan'ya.

"Wala siyang ginawang masama Owen, ginusto ko 'yon." Diretsong saad nito.

"Ginusto? Aba't! Akala ko iba ka sa kanila?"

Biglang nagdilim ang aking paningin sa sinabi nito.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon