GS: THB Chapter Seventeen

6.4K 156 5
                                    

GS: THB C.17
ImaginationNpaper

Sachi's POV

Muli itong dumagan sa akin matapos niyang hubarin ang natitira nitong saplot. Muli niyang pinaghahalikan ang aking labi pababa sa aking leeg. Napapakagat ako sa aking labi nang maramdamang sumasagi ang galit na galit nitong pagkalalaki sa aking pagkababae. Huhubarin na sana nito ang aking natitirang saplot nang biglang sumagi sa isipan ko si Owen. Doon na ako nakaramdam ng pagkahiya nang mapagtanto kung ano ang ginagawa namin. Buong lakas ko siyang tinulak at agad na tinakpan ang aking katawan ng kumot.

Napahilamos ako sa sarili kong kamay, bakit hinayaan ko lang na mangyari 'to? Ano na lang ang iisipin ni Owen kapag nalaman niya 'to?

"Sachi, what's wrong?" tanong nito sabay tumabi sa akin.

Tinakpan niya na rin ng kumot ang kahubaran nito.

"Mali 'to, hindi dapat 'to nangyari." Sagot ko rito.

"Paninindigan naman kita eh, ako na ang bahala sa 'yo." Sagot naman nito.

"Hindi Grey, mali talaga 'to."

"Damn, pasensya na... Nadala lang ako ng kalasingan ko, pasensya na talaga." Paghingi nito ng pasensya.

Tumango na lang ako rito, isa-isa kong pinulot ang mga saplot ko.

"Wait, magbibihis lang ako." Saad nito kaya tumalikod naman ako.

Napailing naman ako sabay hindi mapalagay, naiinis ako sa sarili ko!

"Sachi galit ka ba? Sorry talaga," tawag nito sa akin.

"No... Ginusto ko rin naman ang nangyari, I mean may kasalanan din ako kasi hinayaan ko na mangyari 'to. Imagine? Hindi tayo pero hinayaan ko na umabot tayo sa ganito." Naiiyak na sagot ko rito.

Lumapit naman ito sa akin sabay pinaharap ako sa kan'ya, tapos na itong magbihis.

"Sabi ko naman papanindigan kita 'di ba? May nangyari sa atin, kahit hindi kita nakuha alam ko may kailangan akong panagutan. Hayaan mo akong manligaw sa 'yo," diretsong saad nito.

"Ha?" naguguluhan sagot ko rito.

"Gaya ng sinabi ko, hindi porket muntik na kita makuha eh lalayo na ako. May nagawa na tayo at handa akong panindigan 'yon." Seryosong saad nito.

"Pero Grey, alam mong hindi puwede." Tanggi ko rito.

"Why not?" tanong nito.

"Iyong babae kanina, mahal ka noon. Mas maiinis 'yon sa akin kapag nalaman niyang liligawan mo ako." Sagot ko rito.

"Si Jona? Wala kaming relasyon noon, masyado lang siyang assuming pero hindi ko 'yon liligawan at hindi ko siya mahal." Sagot naman nito.

"Grey maraming komplikasyon kapag nagkataon, sobrang layo ng agwat ng buhay mo sa buhay ko." Pamimilit ko pa rin dito.

"Sachi you are wrong, hindi gan'yan ang nasa mindset ko. Gusto kitang ligawan dahil gusto kita ay mas gusto pa kitang kilalanin. Sa 'yo lang ako sobrang na-challenge ng ganito Sachi kaya nasabi ko sa sarili ko na this girl is worth fighting for." Kumbinsi nito sa akin.

"Ang tigas naman ng ulo mo eh," naiinis na saad ko rito.

"Parehong matigas ang ulo ko," nakangisi nitong saad.

"Baliw!" saad ko rito sabay pinaghahampas ito.

"Joke lang! Pero Sige na Sachi please, hayaa n mo akong ligawan ka." Seryoso na nitong saad.

"Ayaw mo naman yata magpapigil eh, bahala ka nga." Saad ko sabay kamot sa ulo ko.

Namilog naman ang aking mata nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon