GS: THB Chapter Two

13.8K 307 2
                                    

Sabunot, tadyak at sampal ang inabot ko nang malaman ni mother B ang nangyari. Akala ko ipagtatanggol niya ako pero mas kinampihan niya pa ang maangas na lalaking 'yon.

"Tama na po mother B," awat nila Cheska sa kan'ya.

"Kung hindi lang sana dahil sa 'yo edi sana tiba-tiba ang kita natin ngayon!" bulyaw nito sa akin.

"Pinagtanggol ko lang naman po 'yong sarili ko eh, mother alam niyo naman pong  waitress at part time lang ako 'di ba?" umiiyak na saad ko rito.

"Pero sana pinatulan mo na lang 'yon!"

Napakunot ang aking noo sa tinuran nito.

"Ganoon po ba talaga kaliit ang tingin niyo sa akin? Huwag po kayong magalala, huling araw ko na ngayon sa bar na 'to!" galit na galit kong saad dito.

"Hala, Sachi huwag naman ganoon." Saway sa akin ni Darwin.

"Hindi, ayaw ko na magtrabaho sa impyerno na 'to!"

Agad kong tinungo ang locker room namin at kinuha na ang mga gamit ko roon. Pilit pa rin akong pinipigilan nila Darwin at Cheska pero desidido na ako. Ayaw ko manatili sa trabahong hindi man lang ako kayang ipagtanggol ng amo ko sa mga masasamang tao.

"Sachi," malungkot na saad ng mga kasamahan ko.

Masakit man sa dibdib pero ayaw ko na talaga...

Napapikit naman ako nang sinampal ni Mother B sa mukha ko ang pera.

"Alam kong kukunin mo 'yan, naghihirap ka 'di ba? Kainin mo 'yan!" nanggigigil na saad ni mother.

Napahikbi ako nang makaramdam na ng hiya, ayaw ko sana kunin ang pera pero kailangan ko ito. Buong tapang kong pinagpupulot ang mga perang nahulog sa sahig at pinasok sa loob ng aking bag.

"Mother B tama na po," umiiyak na saad ni Cheska.

"Tumigil ka Cheska! Baka gusto mo isunod kita sa kan'ya?" banta ni mother B dito.

Isang malungkot na tingin na lang ang aking nagawa bago tuluyang lisanin ang bar na 'yon.

Pinunasan ko ang aking namamasang mukha at pinaklma ang aking sarili.

Ganito ba talaga kapag mas nakakataas kesa sa 'yo? Parang ang liit-liit ng tingin sa amin ng mga mayayaman!

Umalis agad sila Mr. Grey kanina matapos mangyari 'yong pananampal ko sa kan'ya, bahala ng mawalan ng trabaho huwag lang talaga ako mabastos ng ganoon. Hindi porket sa bar ako nag-t-trabaho ay puwede na kami maliitin at bastusin. Dahil sa lalim ng aking inisiip, hindi ko namalayang babangga na pala ako.

"Aray!"

Saad ko nang mabangga ako sa matigas na bagay, nabitawan ko pa ang hawak kong bag at mga gamit ko.

"Hello sexy,"

Bigla akong kinabahan nang makitang isa itong lasing, palinga-linga ako umaasa na sana may dumaan at mapigilan ang plano ng mga lalaking 'to.

"Anong gagawin niyo?" takot na takot kong tanong sa kanila.

"Wala naman, papasayahin ka lang namin." Nakangisi nitong sagot.

"Please kung ano man ang iniisip niyong gawin sa akin ay huwag niyo na ituloy, para na lang sa anak ko." Pagmamakaawa ko sa kanila, wala na akong maisip na rason at 'yon ang unang pumasok sa isip ko.

"Buntis ka?" hini makapaniwalang tanong noong lalaki.

"Opo, maselan po 'yong pagbubuntis ko kaya maawa kayo sa akin."

"Boss huwag ka maawa diyan, kung ayaw mo ako na titira sa babaeng 'yan!" saad noong isang lalaki at tinulak ang lalaking nakatayo sa harap ko.

Kakargahin sana ako nito pero buong lakas akong nagpupumiglas.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon