GS: THB C.9
Sachi's POV
Bago ako tuluyang natulog ay inayos ko muna ang mga kalat kanina, humingi ako ng tawad kina Zaphyr at Jase. Nandito pa rin 'yong ibang dala ni Grey at Owen, gusto ko man itapon pero wala na kasi kaming kakainin bukas kaya minabuti ko na lang na ilagay iyon sa ref namin.
"Kapag nakasahud ako, babayaran ko rin 'tong mga ginastos ni Grey." Saad ko habang inaayos ang mga grocery.
Hinanda ko na rin 'yong susuotin ko bukas at ang bag na gagamitin ko. Ewan ko ba, ilang beses naman na akong nakapagtrabaho pero sobra akong kinakabahan sa magiging trabaho ko kay Owen. Hindi ko na lang 'yon inisip at tuluyan ng natulog.
Kinabukasan ay maaga rin akong nagising, nag-set ako ng alarm sa cellphone ko para makapaghanda rin ng makakain at baon ng mga kapatid ko. Matapos maghanda at makapagluto ay ginising ko na ang dalawa para makapaghanda na rin.
"Ate may bago kang trabaho?" tanong ni Jase at umupo na sa hapag.
"Oo, tinulungan ako ni Owen. Alam niyo naman ang mga gawaing bahay 'di ba? Kayo na muna ang maghanda ng kakainin niyo mamayang gabi kapag natagalan ako ha?" bilin ko sa kanila.
"Sige ate ingat ka po," sagot sa akin ni Zaphyr. Pansin ko pa rin ang panlalamig ni Jase kaya nilapitan ko agad ito.
"Galit ka pa rin ba kay ate?" tanong ko nang malapitan ito.
Umiling naman ito sabay uminom ng tubig.
"Jase naman, ayusin natin 'to kung galit ka sa akin. Ayaw kong magsimula ang araw na 'to na may puot ka pa ring nararamdaman para sa akin." Seryosong saad ko rito.
Napapikit naman ako nang bigla niya akong yakapin, hindi ko mapigilang mapangiti... Ang unico iho ng pamilya namin.
"Ate sorry, pasensya sa nagawa ko at inasta ko kagabi." Paghingi nito ng tawad.
"Jase naiintindihan kita, may kasalanan din ako kaya nangyari 'yon. Huwag mo na isipin 'yon ah? Mas magsisikap pa ako para mabigay lahat ng pangangailangan niyo." Sagot ko habang hinahaplos ang buhok nito.
"Hindi ko man lang naisip ang mga nagawa mo para sa amin, basta ate sorry talaga."
"Shh, okay na. Mag-aral lang kayo ng mabuti ni Zaphyr, masaya na ako. Malapit na kayong mag-grade ten kaya pagsikapan niyo pa." Saad ko sa kanila.
"Magtutulungan tayong tatlo ate dahil ang bawat isa na lang ang meron tayo." Saad ni Zaphyr at sumali na sa yakapan namin.
"Ang gandang simula naman ng araw kung laging ganito nakikita ko," saad ni Owen nang makapasok sa pintuan.
"Magandang umaga po," bati ni Jase at Zaphyr dito nang tuluyan ng kumawala sa yakap.
"Good morning din, ready ka na ba Sachi?" tanong nito sa akin.
"Oo naman, kumain ka na ba?" tanong ko rito.
"Tapos na, tara na?" aya ko rito.
"Sige kukunin ko lang 'yong bag ko," sagot ko at sinukbit na ang aking bag.
"Zaphyr at Jase, lagi niyo tatandaan ang mga bilin ko ha? Ingat kayo." Bilin ko sa kanilang dalawa at ginawaran muna ng halik ang mga noo nito bago tuluyang umalis.
"Mahal na mahal mo ang mga kapatid mo 'no?" biglang saad nito nang makalabas na kami.
"Oo naman sobra, sila 'yong buhay ko eh. Sila rin ang dahilan kung bakit nagsisikap ako para mabuhay." Sagot ko rito.
Binuksan naman nito ang pinto ng sasakyan niya sa likuran at pinapasok ako, tumabi naman ito sa akin kaya umusog ako ng kaunti.
"Ang swerte naman nila sa ate nila," nakangiti nitong saad.
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)
RomanceIf you have money, you can buy everything you want that can make you happy. But what if you'll meet the happiness that doesn't required a cost?