GS: THB Chapter Thirty Four

6.7K 142 2
                                    

GS: THB Chapter 34
ImaginationNpaper

Kinaumagahan, maaga ulit akong nagising para ipaghanda ang aking mga kapatid. Actually wala talaga akong maayos na tulog, iniisip ko kasi kung bakit hindi ko man lang nahalata na pinagpupustahan lang pala nila ako? Gusto ko sana mag-emote ng bongga kasi nasasaktan talaga ako eh, pero ayaw ko naman na magalala sa akin ang mga kapatid ko kaya mas pinili ko maging malakas kahit na sa loob-loob ko ay basag na basag na ako. Gusto ko sana kausapin sina Darwin at Cheska pero alam ko pareho silang abala kaya mas pinili ko na lang na sarilihin iyon.

"Kaya ko 'to!" pagpapalakas ko sa aking loob sabay bumuga ng malim na hininga bago tuluyang lumabas para pumasok sa trabaho.

Tinuon ko na lang 'yong oras at isip ko sa trabaho, mas mabuti na 'yong ganoon para mawala man lang saglit iyong sakit. Nang sumapit ang alas tres ng hapon ay pinatawag ako ng supervisor namin.

"Sachi pasensya ka na nakalimutan ko talagang sabihin sa 'yo dahil may meeting ako kanina, may dalawang bouquet sa office ko delivery 'yon kaya doon nila diniretso akala siguro para sa akin. Nakalagay ang pangalan mo kaya sigurado ako para sa 'yo iyon." Saad nito.

Pinapasok niya naman ako sa loob at nakita ang dalawang bouquet, tinignan ko ang letter na nakakabit doon at napakunot ang aking noo nang makita ang mga pangalan nina Owen at Grey na parehong may nakalagay na sorry. Dahil sa inis ay kinuha ko iyon at agad na tinapon sa basurahan na nasa loob ng office.

"Hala bakit? Sayang," may panghihinayang na saad nito.

"Pasensya na po ma'am, may kasalanan po kasi silang dalawa sa akin at hindi iyon basta mawawala dahil lang sa bulaklak." Naiiyak na saad ko pero pinipilit na huwag tumulo ang luha ko.

"Ganoon ba? Wala akong alam sa nangyari Sachi, pero sana malagpasan mo ang problema mo ngayon at mga sakit na nararamdaman mo. Kasi kahit wala kang sinasabi, makikita sa mata mo 'yong lungkot at sakit. Magpakatatag ka lang, kaya mo 'yan." Pagpapalakas nito sa loob ko.

"Salamat po, salamat." Saad ko at agad na pinahid ang luhang nagbabadyang tumulo.

Nagpaalam na muna ako sa kan'ya na kailangan ko na bumalik sa trabaho, ang kapal talaga nilang dalawa. Sabay pa na nagpadala ng bulaklak? Ano akala nila sa akin, patay? Napailing na lang ako at hinintay ng matapos ang aking shift. Medyo maraming tao ngayom kaya nag-extend ako ng oras, nagpa-over time ako para na rin dagdag sa kita ko. Alas-siyete na nang tuluyang lumiit ang mga customer kaya nagpaalam na akong umuwi na.  Mas pinili ko na lang muna maglakad dahil wala gaanong sasakyan na dumaan. Mayamaya pa ay may taxi na tumigil at may binabang tatlong lalaki, bigla akong kinabahan kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Wala ng mapaglagyan ang kaba ko nang mapansing sinusundan nila ako.

"Ahhh!" sigaw ko nang biglang hablutin ng isang lalaki ang aking braso.

"Pre ang ganda!" saad noong isang lalaki. Pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko pero malakas ito.

"Wala akong pera! Mali kayo ng hin-old up, mahirap lang ako at wala kayong makukuha sa akin!" nanginginig sa takot na saad ko sa kanila.

"Kung wala man kaming pera na mkakukuha sa 'yo edi ikaw na lang," nakangising saad noong isa.

"Mga manyak!" sigaw ko sa kanila, "Tulong! Tulunga niyo ako!" sigaw ko habang nagpupunimiglas. Bigla naman silang nagsitawanan at dalawang lalaki na ang nakahawak sa magkabilang braso ko.

"Sa tingin mo may makakarinig sa 'yo rito? Wala! Kaya amin ka na ngayon," nakangiting aso noong nasa harap ko at para bang baliw na bigla akong inamoy.

Biglang bumalik sa isipan ko 'yong nangyari noong muntik na rin ako magahasa pero dumating noon si Owen, ngayon punong-puno ako ng takot kasi sobrang dilim ng daan.

"Maawa kayo, huwag niyo gawin kung ano man 'yang iniisip niyo." Umiiyak na pagmamakaawa ko.

"Tara! Dalhin na 'yan doon sa damuhan!" utos noong lalaki na para bang amo nila.

Napasigaw ko sa takot nang haplusin niya ang pisngi ko pababa sa leeg ko at pinadaan ang daliri niya sa gitna ng dibdib ko. Bumalik lahat ng takot, nanghihina na ang aking tuhod sa sobrang pangangamba.

"Tulong! Tu-"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla nilang tabilan ng panyo ang aking bibig. Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa, ang lakas nilang tatlo at amoy usok pa na para bang mga naka-drugs ang awra. Pilit kong hinihila ang aking braso nang mapansing parang dinadala na nila ako sa mas madilim na bahagi ng daan at matatas na damuhan.

"Hoy!"

Agad naman silang natigilan nang may biglang sumigaw, hindi ko iyon agad nakilala pero nang maaninag ko ito ay namilog ang aking mata nang makitang si Grey iyon.

"Grey anong ginagawa mo? Tumakbo ka na! Wala kang laban sa kanila!" sigaw ko sa kan'ya.

"Pre mayaman yata 'yan," nakangising saad noong lalaking may hawak sa akin.

"Tignan mo 'yong relo oh, tapos 'yong sapatos ang ganda!" saad naman noong isa pa.

"Grey please? Umalis ka na," nagaalalang saad ko rito.

"Bitawan niyo siya!" sigaw ni Grey na naka-kuyom ang kamao.

"Aba! Sino ka ba para utusan kami?" nakangisi noong lalaki at hinarap si Grey.

"Girlfriend ko lang naman 'yang hawak niyo, kaya kung gusto niyo pa masilayan ng araw ay bitawan niyo siya!" sigaw ni Grey.

Napailing na lang ako, pinapahamak niya ang sarili niya.

"Gilfriend? Sus, share mo na lang sa amin 'yan. Trip namin siya eh!" saad noong lalaki, napaawang naman ang aking bibig nang biglang sumugod si Grey sa kan'ya at agad itong pinagsusuntok.

"Grey!" naiiyak ng saad ko at pilit na nagpupumiglas. "Huwag! Please, please..." umiiyak ng saad ko nang biglang maglabas ng patalim ang lalaking kasuntukan ni Grey. Napaatras si Grey nang itaas iyon ng lalaki.

"Akala mo kaya mo kami? Akin na 'yang relo mo!" matigas na utos noong lalaki.

"Ibibigay ko 'to sa inyo kapalit ang babaeng 'yan, mahal ang bili ko rito kaya hindi ako papayag na hindi niyo siya ibigay sa akin!" mariin na saad ni Grey.

"Boys, akin na ang babaeng 'yan." Saad noong lalaki. Marahas naman nila akong tinulak na kamuntikan ko pang ika-tumba.
Pareho kaming mapapahamak, sa palagay ko sa pagmamadali niya ay hindi niya nadala ang sasakyan niya para masundan ako.

"Ihagis mo sa akin ang relo mo, sabay tayo." Saad noong lalaki.

Tumango naman si Grey at agad na hinagis ang relo niya, kasabay noon ay ang pagtulak sa akin noong lalaki papunta kay Grey. Agad niya naman akong niyakap, naiiyak ko rin siyang niyakap ng mahigpit.

"Okay ka lang?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako habang yakap-yakap pa rin ito ng mahigpit. Pero natigilan ako nang mag-unahang tumakbo palayo sa amin ang tatlong lalaki, pero bago sumunod 'yong isa ay parang may tinusok ito kay Grey dahilan para tumirik ang mata nito at matigilan sa sasabihin.

"Grey?" nagaalalang tanong ko rito.

Nang mapalingon ako sa lalaking tumatakbo ay nanginginig ang aking kamay habang hawak-hawak si Grey. Duguan ang hawak na patalim nito kaya, napahawak ako sa aking bibig sa gulat nang maramdamang nawawala na sa balanse si Grey.

Niyakap niya ako ng mahigpit, "mabuti na lang at ligtas ka, sobra akong natakot kanina noong dalhin ka nila papunta rito." Bulong nito sa akin na para bang nawawalan na ng hangin.

"Ahhh! Tulong! Tulong!" sigaw ko nang nahawakan ko ang tagiliran nito na namamasa at nang itaas ang aking kamay ay puno iyon ng dugo.

"Grey! T-teka lang, tatawag ako ng tulong." Umiiyak na saad ko habang nakayakap sa kan'ya at dali-daling hinanap ang aking cellphone.

"Mahal na mahal kita Sachi, sorry..."

"Grey?"

"Grey sumagot ka naman oh, dadalhin kita sa hospital." Humahagulgol na saad ko rito.

"Grey!" sigaw ko nang makitang nakapikit na ito at walang malay.

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon