GS: THB Chapter Eight

9.1K 196 4
                                    

Grey Samson: The Hot Billionaire C.8

Owen's POV

"Okay ka lang?" tanong ko kay Sachi pagkalabas nito galing sa silid ni Grey.

"Oo, na-gu-guilty lang ako sa nangyari." Sagot nito sabay yuko.

"Guilty saan?" takang tanong ko.

"Sa nangyari kay Grey, kung hindi lang sana siya pumunta sa lugar ko edi sana hindi siya nasaktan." Sagot nito.

"Hindi mo naman sinadya ang nangyari Sachi, nandoon ako remember? Nakita ko lahat kaya huwag mo sisihin ang sarili mo." Pagpapagaan ko sa loob nito.

"Owen... Selfish ba ako?" naiiyak na tanong nito.

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Dahil sa ginawa ko kanina... Sobrang nagalit lang talaga ako kanina pagkarating ko dahil nandoon si Grey. Alam ko na kasi ang motibo niya eh, okay lang na ako lang... Huwag niya lang talaga idamay ang mga kapatid ko."

"Dahil ba si ginawa mo sa mga pagkain? Sachi ako naiintindihan kita, lalo na at alam mo sa sarili mo na minsan ka ng hindi tinrato ng maayos ng Grey na 'yon." Sagot ko rito.

Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib nang tignan niya ako sa mata at tuluyang tumulo ang luha nito.

"Owen alam kong hindi ko kaya ibigay ang mga pagkain na 'yon sa mga kapatid ko sa isang sahuran dahil kailangan ko magtipid.  Halos hindi ko na nga iniisip ang sarili ko mabigay ko lang ang mga pangangailangan nila. Owen nasaktan ako kanina, iyong habang pinupulot ni Jase 'yong mga pagakain. Bigla akong nanliit, ni hindi ko man lang kaya pakainin ang mga kapatid ko ng masasarap na pagkain." Humahagulgol na nitong saad.

Bumuga ako ng isang malalim na hininga sabay kinuha ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang luha nito.

"Ang pangit mo naman umiyak, tahan na. Huwag ka na malungkot, hindi ba hinayaan mo na akong tulungan ka? Kaya gagawin ko rin ang lahat para matulungan ang mga kapatid mo." Saad ko habang nakatitig dito.

Sumimangot naman ito sabay tumingala sa akin, "Bakit mo 'to ginagawa?" tanong nito sa akin.

Ngumiti lang ako sabay niyakap ito, "Ginagawa ko lang 'to para makatulong." Sagot ko na lang dito.

Nang medyo mahimasmasan na si Sachi ay dumaan na muna kami sa isang convenient store para bumili ng tubig, pagkatapos ay hinatid ko na rin ito sa kanilang bahay.

"Maraming salamat Owen, anong oras nga pala ang duty ko bukas?" tanong nito sa akin.

"Susunduin kita rito ng ala-syete ng umaga,  ako na mismo ang maghahatid sa 'yo bukas sa coffee shop ko." Sagot ko rito.

"Sige, ingat sa paguwi." Saad nito.

"Good night Sachi, ngiti ka na okay?" bilin ko rito.

Tumango naman ito sabay kumaway, tsaka na ako pumasok sa loob ng sasakyan ko nang masiguradong nakapasok na rin siya sa loob ng bahay nila. Nagmaneho na rin ako pauwi, pero habang nasa daan ako ay hindi ko maiwasang maisip ang sinabi ni Grey sa akin.

"Lagi niya talagang kinukumpara sa akin ang yaman niya, pero hindi naman 'yon mahalaga... Mas masaya naman ang pamilya ko kesa sa kan'ya."

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon