GS: THB The Ending
ImaginationNpaperDalawang buwan na ang nakakalipas nang masaksak si Grey, heto na kami ngayon mas masaya na at maayos na ang buhay. Nalaman ni Grey ang plano ng Daddy niya na ipapadala siya sa Canada, sumulong ito sa bahay nila Owen pero hindi niya mapigilang magulat sa kan'yang nalaman.
"Nagbulontaryo si Owen na siya na lang ipadala ko sa Canada para daw matuto din siya tsaka sabi niya sa akin na hinding-hindi ka raw papayag. Noong una hindi sana ako papayag pero sabi niya baka raw sa ganitong paraan makuha ko ulit ang loob mo." Paliwanag ng Daddy niya.
"Iyong Owen na iyon talaga, alam niya kasi na buntis si Sachi kaya siguro nagboluntaryo. I know him Dad, hindi iyon papayag na itapon sa Canada." Umiiling na saad ni Grey.
"Magkaka-apo na ako?" nakangiting saad ng Daddy nito.
"Sagutin mo," saad sa akin ni Grey.
"Yes Sir," nahihiyang sagot ko. Pareho namang napakunot ang noo ni Grey at ng Daddy niya.
"Sir?" sabay na tanong nila.
"Ano ba dapat?" nahihiyang sagot ko.
"Tito!" saad ni Grey.
"Daddy" saad ng Daddy niya.
"Hala nakakahiya po 'yong Daddy, kahit Tito na lang po muna." Nakangiti ko namang sagot.
Masaya ko na nagkapatawaran na sina Grey at ang Daddy niya, akala ko nga hindi ako matatanggap ng Daddy niya pero mali pala ako. Dahil sa kakapanoud ko ng mga drama ay akala ko galit lahat ng mayayaman sa anak nilang nagkakagusto sa mahihirap pero mali pala.
Grey's family proves me that it was just only in the television. Siguro kaya ganoon ang ugali na pinakita sa akin noon ni Grey dahil hindi okay ang pamilya niya, mahirap para sa kan'ya na walang mapagsabihan kung anong nangyayari kaya siguro akala niya lahat ng bagay ay nadadaan sa pera.
Simula noong malaman ni Grey na buntis ako, pinalipat niya na kami sa bahay nila para raw nandoon ang Mommy niya at maalagaan ako. Pati ang mga kapatid ko ay excited ng makita ang magiging pamangkin nila.
Matapos namin pumunta sa bahay nila Owen ay inaya niya akong pumunta sa resort nila. Muli kaming nag-date sa yate nila.
"Dito kita unang tinanong kung puwede kita maging girlfriend, gusto ko rin na dito kita tatanungin kung..."
"Sachi Cullen, will you be my wife?" diretsong tanong nito sabay lumuhod sa harapan ko sabay binuksan ang lalagyan ng singsing.
"Grey ang mahal nito," saad ko sa kan'ya.
"Sachi naman e, hayaan mo na. Para naman sa 'yo iyan e," sagot nito.
"Yes Grey, I will be your wife and you will be my husband. I will marry you, my love." Kasabay ng pagsagot ko ay ang pagtulo ng luha ko sa sobrang kasiyahan.
"Sschi, I love you." Saad nito sabay sinuot sa akin ang singsing. Ginawaran niya ng halik ang aking labi.
"Mahal na mahal din kita," sagot ko rito.
"I can't wait to see our baby, I can't wait to be a father of our child. Sobrang saya ko na dumating ka sa buhay ko Sachi, tapos magkakaroon na tayo ng baby." Saad nito habang yakap-yakap ako.
"Funny how we meet in an epic way 'di ba? Tapos at the end tayo rin pala magkakatuluyan, salamat din Grey kasi dumating ka sa buhay ko." Sagot ko habang yakap-yakap ito.
"Can I have a dance my future wife?" nakangiti nitong tanong sabay alok ng kamay niya.
"Sure," sagot ko sabay nilagay ang kamay niya sa bewang ko. Pinulupot ko naman ang aking braso sa batok nito. Mayamaya pa ay tumugtog ang paborito kong musika na kinanta ni Moira Dela Torre. "Ikaw at ako".
Pinagsaluhan namin ang napakatamis na halik.
Biruin mo 'yon? Nagsimula iyong story namin sa not usual scenario, iyong madadapa ka tapos may tutulong sa 'yo o kaya naman may matatapunan ka ng juice tapos siya na pala iyong Mr. Right mo.
Ako I meet him in a bar na akala niya kaya niya akong makuha dahil mayaman siya but he was wrong. Sa mundong 'to na puno ng maluho na babae at papatulan lahat para sa pera, may mga babae pa rin na paninindigan ang pagkatao nila at mas pipiliin ang disenteng trabaho kesa sa madaliang pera.
I chose to stand on what I believe so here I am, I get more than what I deserved.
"I, Saphira Chase Cullen will accept Grey Samson as my lawfully husband 'til death do us part."
WAKAS
BINABASA MO ANG
Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)
RomansaIf you have money, you can buy everything you want that can make you happy. But what if you'll meet the happiness that doesn't required a cost?