GS: THB Chapter Thirty Two

6.4K 143 2
                                    

GS: THB Chapter 32
ImaginationNpaper

It's been one week simula noong sinagot ako ni Sachi, masasabi ko talaga na ang laki ng pinagbago ko. Halos ayaw ko nga padapuan ng lamok si Sachi sa sobrang pagaalaga ko sa kan'ya eh, nagkakilala na rin sila ni Mommy. Masaya ako na natanggap agad ni Mommy si Sachi, sobra siyang nagaalala noon na baka ayaw ni Mommy sa kan'ya pero agad naman silang nagkasundo. Gusto ko na talaga makausap si Lance pero naging abala lang talaga ako, sumakto ito na kailang ko i-check ang mga monthly reports kaya hindi ako nakakuha ng pagkakataon na makausap siya. Ngayon lang lumuwag ang schedule ko kaya agad ko naman itong pinatawag, matagal ko ng nahanda ang pera wala lang talagang araw na hindi ako busy.

Mayamaya pa ay may narinig na akong kumatok, "Pasok!" saad ko.

Agad naman itong bumukas kaya inikot ko ang swivel chair paharap sa pintuan.

"Long time no talk my friend" nakangisi nitong salubong sa akin.

"Yes, naging abala lang talaga. Maupo ka muna," saad ko rito.

Tumango naman ito sabay umupo sa upuan na nasa harap ng mesa ko.

"Sinubukan kitang tawagan ah, bakit hindi mo sinasagot?" tanong ko rito.

"Boss naman, may trabaho rin ako. Akala mo ikaw lang busy?" natatawang sagot nito.

"Fine, actually pinatawag talaga kita rito para pag-usapan ang deal natin." Pagsisimula ko.

"Oh! Thank you for reminding me, oo nga pala I heard kayo na ni Sachi?" nakangisi nitong tanong.

Tumayo naman ako sabay pumunta sa malaking vault na nandoon sa opisina ko, "Cash iyong gusto mo 'di ba?" tanong ko rito.

"Wow galante! Oo Man, cash." Nakangisi nitong sagot.

Napailing na lang ako rito, sabay kinuha ang dalawang suitcase na may lamang tig-iisang milyon at ni-lock iyon.

Nilapag ko iyon sa harapan niya sabay binuksan pareho, napaawang naman ang bibig nito sabay hinaplos ang mga perang nandoon.

"Two million, dahil pareho kaming na-fall ni Sachi sa isa't isa. Hindi mo na kailangan magbayad ng one million dahil nahulog sa akin si Sachi, sa 'yo na lang iyon." Paliwanag ko rito.

"So it means seseryosuhin mo na talaga iyong deal na inumpisahan natin?" nakangisi nitong tanong.

"Matagal ko na sana talagang tinigil, iyon nga lang hindi pa kita nakakausap kaga sigurado ako na hindi pa malinaw sa 'yo." Sagot ko naman.

"What made you realize na sumuko na sa deal?" tanong nito sa akin.

"Bro na-konsensya ako, lalo na noong nakuha ko na talaga si Sachi. I want to end the deal kasi alam ko na nahuhulog na rin ako kay Sachi." Sagot ko naman.

Namilog ang mata nito, "Nakuha mo na siya?" gulat nitong tanong.

"Oo, kaya please sana huwag mo na sabihin sa kahit na sino na nagkaroon tayo ng deal na kunin ang loob ni Sachi." Bilin ko sa kan'ya.

"Sure, you can trust me man. Oo nga pala, nasabi mo na ba sa kan'ya na magkapatid kayo ni Owen sa ama?" tanong nito.

"Hindi pa, tsaka hindi naman na siguro iyon importante eh. Beside, never ko naman tinuring si Owen na kapatid ko." Sagot ko rito.

"Man kailangan niya pa rin malaman, kasi kahit itago mo iyan ay lalabas at lalabas iyan." Saad ni Lance.

Pareho kaming natigilan nang marinig na parang may bumagsak sa pintuan, pareho kaming napalingon doon. Bigla akong nanlamig at kinabahan nang makita si Sachi na nakatayo roon, nanginginig ang dalawang kamay nito habang nakahawak sa bibig niya at tumutulo ang luha. Punong-puno ng sakit ang mata nito habang nakatitig sa akin.

"Sachi, kanina ka pa riyan?" kinakabahang tanong ko rito.

"S-Sapat lang para marinig ako ang katotohanan," malamig na sagot nito

"Sachi anong narinig mo? Magpapaliwanag ako," sagot ko rito.

"Grey huwag na, baka kasi kapag nagpaliwanag ka pa hindi ko na kaya maniwala. Putang'na naman! Ginawa niyo akong tanga!" umiiyak na saad nito.

"Honey please, magpapaliwananag ako. Pakinggan mo lang ako, and i'll explain everything." Pagmamakaawa ko rito.

"Planado ba 'to lahat? Kasi Grey sobra akong nanliliit sa sarili ko ngayon, sobra akong nasasaktan na kaya pala ganoon ang mga pinapakita mo sa akin kasi may deal lang kayo." Humihikbing saad nito.

"Sachi sorry, it was my idea. Pero pakinggan mo si Grey kasi-"

"Shut up! Ayaw ko ng makarinig ng ano mang salita na galing sa inyo, gusto ko kayo saktan. Wala naman akong ginawang masama sa inyo pero bakit nagawa niyo ito sa akin? Dahil ba mahirap lang ako at kaya niyo gawin lahat dahil mapera kayo?" Edi sana nagbayad na lang kayo kung gusto niyo lang pala gumamit ng babae!" bulyaw nito sa amin.

"Sachi naman, totoo lahat ng pinakita ko sa 'yo. Oo noong simula pumayag ako sa deal kasi naiinis ako sa 'yo, natapakan mo iyong pride ko pero habang tumatagal bawawala sa isip ko ang deal kasi mas nakikilala nakita." Paliwanag ko rito.

"Hindi! Pinlano niyo 'to lahat, tapos ilang araw na tayo magkasama ni hindi mo nasabi sa akin na magkapatid pala kayo ni Owen? Grey naman! Magkasabwat ba kayong lahat?" humahagulgol nitong saad.

Napahilamos na lang ako sa sarili kong kamay at napasabunot sa aking buhok, "Sachi mali ka ng iniisip hindi iyon ganoon."

"Eh ano Grey? Buo iyong tiwala na binigay ko sa 'yo kasi akala ko totoo ka! Binigay ko na lahat sa 'yo kasi akala ko mahal mo talaga ako. Grey bakit naman ganito? Ang sakit-sakit dito oh." Humihikbing saad nito sabay turo sa dibdib niya.

Nilapitan ko ito sabay niyakap pero nagpupumiglas ito sabay tinulak ako, "Galing ako sa bahay niyo Grey kasi tinawagan ako ni Tita, nag-bake kami ng cookies tas sabi ko dalhan kita. Huwag mo sabihin sa akin na pati si Tita kasabwat niyo?"

"No! Walang alam si Mommy rito, Sachi totoo naman iyong nararamdaman ko sa 'yo eh. Iyong deal lang talaga, matagal na iyong nawala sa isip ko." Naiiyak na rin na saad ko rito.

"Alam mo kung anong magandang tawag sa 'yo? Manloloko! Manggagamit! Magsama-sama kayong lahat!" mariin na saad nito.

"Oo nga pala, ngayon pa lang... Tinatapos ko na kung anong meron tayo!" saad nito sabay tumakbo na palayo.

"Sachi naman, Sachi!" tawag ko rito.

"Grey sorry," paghingi ng sorry sa akin ni Lance.

"Umalis ka muna Lance," saad ko rito.

Tumango naman ito sabay kinuha na ang dalawang suitcase. Nang tuluyan na itong makaalis ay malakas kong sinuntok ang aking pader, hinagis ko lahat ng nahawakan ko.

"I deserved this pain, ginusto ko iyong deal eh. Kaya dapat tanggapin ko rin itong sakit," saad ko habang nakakuyom ang kamao.

"Ito iyong iniiwasan kong araw eh, ang malaman niya ang totoo at masaktan ko siya ng ganito. Ang sama-sama ko!"

Sinubukan ko siyang tawagsn pero hindi niya ito sinasagot, sa paulit-ulit na tawag ko sa kan'ya ay hindi na ito ma-contact.

"Ahh!" malakas na sigaw ko sabay hampas sa aking mesa.

"I made her cry," saad ko sabay sa pagtulo ng luha ko.

"Ayaw ko siya mawala, I will win her back."

Hot Billionaire Series 1: Grey Samson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon