Una: Black Hole

698 25 0
                                    

continuation...

Biglang may kung anong malakas na kidlat ang tumama sa apat na Oracle at napaluhod ang mga ito.

"Malaking kasalanan ang aming ginawa,  ITINAKDA hindi namin maaaring sabihin ang bagay na iyon... Tanging ikaw at ng iyong mga Guardian ang makakatuklas ng nais naming sabihin...  Magmadali kayo.... Kailangan ninyong hanapin ang pitong.... "

Hindi na nila natapos ang kanilang sasabihin ng tila may malakas na ipu-ipo ang humigop sa aming walo... 

At nagising na lang kami na nasa isang lugar na hindi ko alam kung anong mundo ito....

Narinig ko na lang ng magsalita ang Itinakda....

"Bakit ako nasa Apartment ko! Liammmm... Anong nangyayari.... Bakit tayo nandito... Ang mga bata...  Nasaan ang nga anak ko Liammm... Nasaan sila?

Ano ang pitong sinasabi nila Liammmm... Naguguluhan na ako! Kakayanin ko ba?"

-----------------------

ETHAN's POV

Nagising ako na nakahiga sa aking kama.
Halos napabalikwas ako ng mapansin ko na nasa kwarto ako, dito sa aking tinutuluyan.

Hindi ko mapaliwanag ang nasa harap ko ng biglang bumukas ang pinto. "Anong nangyayari, bakit ako nandito!" bulong ko sa aking sarili. 

Halos di ko mailarawan kung bakit ako napunta dito. Kaya naman ng makita ko ang imahe ng taong pumasok sa pintuan ay mas lalo akong nagtaka.

Ang lalaking matagal ko ng gustong makita, ang napaka amo nitong mga mukha, may matitipunong katawan si "Liam".

"Baby, haaayyyy sa wakas gising ka na... Ang sarap ng tulog mo ahhh!!! Eto pinagluto kita ng breakfast..." masayang pagbati nito sa akin.

Nagtataka man ako ay hinayaan ko na baka mamaya maya ay dumating din ang hinihintay ko.

Habang nakain ako ay may mga yabag akong narinig na mabilis na tumatakbo palapit sa aking kwarto.

Nakangiti akong tumingin sa pintuan ng isa isang dumating sila Pierre, Annika at Annia.

"Mga kuya.... Gising na si kuya Ethan..." sigaw ng batang si Pierre.

Nagulat na lang ako ng biglang batukan ni Annika si Pierre.

"Ang ingay mo talaga... Umayos ka nga!"

Nakabungisngis lang si Annia sa nangyayari.

Maya maya ay may mga narinig akong mga yabag na palapit ng palapit sa aking kinalalagyan.

Isa isang pumasok ang mga nag gwa-gwapuhang mga binata, si Aldous, James at ang napakaputing si Haring Kalix.

"Haaayyy sa wakas nagising ka na, makakapunta na din tayong school." biglang pagbigkas ni Aldous.

Susubo na sana muli ako ng magsalita ako.  "Bakit anong gagawin nyo sa school?"

Kita ko ang pagkunot ng noo ng mga tao sa aking harapan.

"Ethan, graduation mo na mamaya..." sagot ni Haring Kalix.

"Tapos sabi mo pa nga pagkatapos natin sa graduation mo pupunta tayo ng Mall" singit ni Pierre.

"Oh siya siya...  Lumabas na kayo at magbibihis pa si Ethan. Magbihis na din kayo!" pagsaway ni Liam sa mga kasama namin sa kwarto.

--------

Paglabas ko ng kwarto ay nakabihis na ako at nandun na din ang pito kong mga kasama.

Magsasalita na sana ako upang tanungin ang isang bagay ay natigilan ako ng yakapin ako ni Liam.

"I love you... baby! " bulong nito sa akin.

"I love you too,  Liam" sagot ko dito.

"Tama na yan,  malelate na tayo... " pagsingit ni James

Sumakay ako sa dalang kotse ni Liam at ang iba ay sa sasakyan ni James.

Pagdating ko sa school ay nagulat ako ng pagbaba ko ay lahat ng tao ay nakangiti sa akin at sunod sunod ang pagbati sa akin ng mga nakakasalubong ko sa pasilyo habang naglalakad ako patungo sa venue.

Pero napatigil ako ng may nakita akong isang babae na nakakatitig sa akin at siya lang ang kakaiba sa lahat dahil may kung anong sinasabi ito habang nakatingin sa akin.

Halos mapatalon ako ng pagharap ko ay padating sa harap ko si Mark.

Si Mark, ang anak ni tita Ynez na kaibigan ni mama, siya lang naman ang nagpahirap sa akin noong nasa College pa ako.

Pipikit na ako at hinihintay ang isang suntok nito pero mga ilang sandali na ay wala pa rin akong nararamdamang kakaiba.

Pagmulat ko ay nakatitig lang sa akin ang binata at halatang nagulat sa ginawa ko.

"Ethan,  what happen! May masakit ba sa iyo tol.."

"Huh! Anong sinasabi mo..." sagot ko dito

"Ewan ko sayo... "
pagkatapos nitong sabihin ang mga iyon ay bigla akong niyakap nito at halos kilabutan ako sa sumunod na sabihin nito.

"Congratulations tol, tuwang tuwa si Mama ng malaman niya na ikaw ang nakakuha ng pinaka mataas na karangalan... Sabi ko na sayo ehhh..."

Napatigil ako sa aking kinatatayuan at pumikit ng marinig ko ang mga iyon.

"Anong nangyayari, naguguluhan na ako..."

Pagmulat ko ay mas lalo akong nagulat dahil kanina lang ay nakatayo ako sa may hallway ngayon ay nakaupo na ako sa Venue ng Graduation.

Kaya naman napatayo ako at inikot ko ang aking mga paningin at napansin ko na lang na lahat ng tao sa aking paligid ay tumahimik at ng mga tao ay nakatingin sa akin.

"Ethan, tawag ka na sa stage for your speech! " sabi ni Liam

Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi ko sa unahan dahil wala ang isip ko sa lugar na iyon. Inisa isa ko ang mga nangyari sa araw na iyon. 

Hanggang sa maalaala ko ang isang babae. Nang unti unti kong basahin ang mga sinasabi nito ay halos kilabutan ako.

"Ethan,  kailangan mong gumising... Magmadali ka! "

Pag tigil ko ay isang malakas na palakpakan ang aking narinig pero wala ang isip ko sa kanilang lahat kaya naman ng ako ay makababa ay tumakbo ako ng mabilis palabas ng Venue.

Subalit hindi ko inaasahan ang mga nangyari lahat ng tao sa aking paligid ay masama ang tingin sa akin, na tila may mali akong ginawa.

Pagdating ko sa kotse ay.....

Itutuloy.....
JuanDer25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon