Sixteen: Ang Paghahanap sa Lagusan

243 14 11
                                    

Shoutout kay @PortGanera
(i will use "Xavier and Asher" na bigay mo)

Teka, girl ka ba #Port???

---------------------
continuation...

Hindi na sila nakapagtanong pa ng biglang bawat liwanag at tumama sa bawat isang marka.

Malalakas na sigaw ang namayani sa lahat ng bugla silang magsi angat at tanggapin ang liwanag na galing sa katawan ni Ethan.

Sa pagpikit ng bawat isa ay may kaniya kaniyang na imprint na larawan o lugar sa kanilang isipan, na makakapagsabi kung saan ang bawat misyon nilang pito.

Nang bumagsak ang pito ay unti unti ding nawawala ang liwanag kay Ethan.

Nang tuluyang mawala ang liwanag ay sabay din paglaho ng Apat na Oracle.

Mabilis na nanakbo si Liam upang saluhin si Ethan ng bigla itong bumagsak.

Saktong sakto ang pagsalo ni Liam kay Ethan ng mahulog ito.
Maya maya ay nagmulat na ng mga mata si Ethan.

Gulat na gulat si Ethan ng makita ang pito sa harapan niya, at makita niya ang mga mukha nitong tila galing sa isang laban.

"ANONG NANGYARI???

Wala ng sumagot sa mga ito pero gulat na gulat ang pito sa sumunod na sinabi ni Ethan.

"NANAGINIP AKO BABY...
NAGKAROON DAW AKO NG MARKA NA TULAD NG SA INYO PERO AKO MARAMI...
TAPOS NAKITA KONG KAILANGAN NATING MAHANAP ANG MGA LAGUSAN NA NAGDUDUGTONG SA MGA LUGAR KUNG SAAN TINUTURO NG MGA LIWANAG. SUBALIT ISA LANG ANG MALINAW SA AKIN AT IYON ANG MUNDO NG MGA WITCHES...
ANG BAYAN NI ANNIA...

"HA!!!" sabay sabay na bigkas ng lahat.

---------------------

Halos mag iisang buwan na din ang nakakalipas ng masabi ni Ethan ang lugar kung saan unang dapat mapuntahan. Subalit kung ano man ang nilalaman ng unang pagsubok ay wala silang kaide ideya, lahat sila ay nangangapa sa anu mang pasubok na iyon.

Tila isang palaisipan ang lahat lalo na kay Ethan at Liam dahil hindi man lang sumagi sa isip ng dalawa na ang pagmamahalang mabubuo sa kanilang dalawa ay may katumbas na pagsubok at hirap.

Nasisiguro ng dalawa na anu't ano pa man ang mangyayari sa hinaharap ay alam nilang kasama nila ang anim pang Tagapag bantay at ang tatlo nilang mga supling.

Kung isang malaking palaisipan kina Ethan at Liam ang lahat, hindi naman maisaletra ni Annia ang nararamdaman niya.
Madalas ay maririnig ng lahat na nagbubuntong hininga ito sa sobrang pag iisip at kaba.

Naiwan sina Ethan, Liam, Annia, James at Pierre sa Kaharian ng Elf samantalang sina Kalix, Anika at Aldous ay magkakasamang umalis upang mahanap ang mga lagusan o portal na kumokonekta sa dalawang Mundo.

Sa loob ng mahigit isang buwan ay nagamit na ni Kalix ang lahat ng kaniyang kakayahan upang malaman ang lagusan kung saan nagdudugtong ang Mundong ito sa kaharian ng mga Witches... Ang "Witch Kingdom", sa tulong ni Anika at Aldous. Una ay nagtungo sila sa Indonesia, sa Japan, sa Korea, sa Malaysia at ngayon nga ay nasa Thailand sila.

Upang hindi mapansin ang kanilang tunay na itsura ay ginamit ni Kalix ang katawang ang isang mahika na may kakayahang mabago ang itsura ng sinoman depende sa nais makita ng titinhpgin. Samantalang si Anika naman ay binago ang sarili at nagpalit ng anyo bilang isang matandang babae. Si Aldous naman ay binigyan ng pantakip ng scent niya.

Tanging si Anika lang ang nakakaalam ng mga lugar na kanilang hinahanap dahil ang lahat ng mga lagusang kanilang pinuntahan ay ang mga lagusang ginamit nila ng Ina ni Annia noong ito ay Prinsesa pa lang ng Kaharian. Subalit matagal na panahon na iyon kaya naman hindi na din niya sigurado kung ang lahat ng pinuntahan nilang lagusan ay konektado pa talaga sa Witch Kingdom.

Kaya naman mahirap para kay Kalix na kontrolin ang kaniyang kakayahan lalo na at wala siyang kasiguraduhan kung hanggang kailan niya kailangang gamitin ang kakayahan niya bilang "Earth Manipulator".

Isang beses nga ay kinailangan na niyang kausapin ang lahat ng hayop at mga nilalang na naninirahan sa lugar upang makakuha lamang ng sagot.

Doon nila napag alaman na halos kasabay ng mawala ang Anak na babae ng Kaharian ay sinara na ang lagusan at wala ng naglalabas masok sa mga lagusang iyon. Kaya naman halos mamuti ang mata ni Aldous, Anika at Kalix sa narinig.

"My gosh, naikot natin ang buong Asya para lang mahanap ang lagusan na kumokonekta sa Kaharian... Tapos kung hindi pa naisipan ni Kalix na magtanong baka mamuti na mata natin dito... paano na!" Mabilis na pagsabi ni Aldous

Tahimik lang na naglakad si Anika habang seryosong nakapikit lang si Kalix dahil nag iipon ito ng lakas.

"Guys, may isa pang lugar kung saan natin possible makita ang lagusan subalit hindi ko alam saan sa lugar na iyon makikita dahil hindi man lang namin napuntahan ng aking Kaibigan ang Lagusang iyon... pati top secret ang portal na iyon"

"My god Anika... saan!"

"Sa Pilipinas.... sa.. sa may Mandaluyong"

"What... so International trip talaga tayo... napakagala siguro ninyong dalawa ng Kaibigan mo, ano!..."

"Tse!"

Nakangiti lang si Kalix sa buong pag uusap ng dalawa.

"Anu guys, lets go! We need to inform the others dahil kailangan natin makasama na ang iba."

"Ok..." walang buhay na sagot ni Aldous.

Pagkatapos na sumagot ni aldous ay may malakas na hangin ang tila bumalot sa tatlo at mabilis silang tinangay patungo kung nasaan ang iba pa.

--------------------
Itutuloy....
JuanDer25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon