Tatlo: Black Hole (Part 3)

294 21 0
                                    

continuation...

"Liam... anong problema!" garalgal na sabi ko dito pero walang sagot ito.

Kaya naman ng makita kong tuluyan nang naging kulay pula na may itim sa gilid ang mga mata ng mga ito ay nasisiguro kong hindi sila ang pitong Tagapagbantay. Hindi si Liam ang nasa harap ko kundi mga replika ng mga orihinal.

Agad akong nanakbo pero halos maduling ako ng makita ko na may anim na parang pintuan sa harap ko na parang mga black hole o mga lagusan na tutungo sa ibang sinaryo.

Alam kong lahat ng mga iyon ay may hindi magandang presensya kaya naman pinili kong tumakbo patungo sa Kitchen area.

Kaya naman kita ko ang pagtigil ng mga ito at maya maya ay parang walang nangyari dahil muling nanjmbalik ang mga ito sa normal.

"Babe, anong ginagawa mo diyan" sabi ng replika ni Liam

"Ethan, di ba sabi namin kami na magluluto para sayo... halika hawakan mo ang kamay mo baka mapaano ka!" mabilis na pagsingit ng replika ni Kalix

Kaya lang kita ko ang ibat ibang mga reaksiyon ng mga ito ng bigla kong buksan ang isa sa mga drawer sa kitchen area halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nasa loob ng mga ito..

------------------------

ETHAN's POV

"What the..." bulalas ko sa nakita ko sa drawer.

May pitong salamin at isang kutsilyo ang nasa loob nito.
Bawat salamin ay makikita mo ang mukha ng bawat isang Tagapagbantay na mahimbing na natutulog.

Halos mapatalon ako ng iangat ko ang aking mukha.
Tumambad sa akin ang pitong impakto na may tig pipitong sungay at naglalakihang mga mata.

Ang katawan ng mga ito ay tila naaagnas na at may mga dugong halos matuyo na at kapit na kapit sa katawan ng pitong nasa harapan ko.

Mas nandiri ako ng makita ko  pumuputok putok na mga nanan at naglalabas ng mabaho at masangsang na amoy.

Pero kinabahan din ako ng makita ko ng bumagsak sa lupa ang mga nana, parang mga asidl ito na tumutumaw sa lahat ng malalaglagan nito.

Nasa ganoong akong pag aanalisa ng sabay sabay na nagsalita ang pitong impakto.

"MAGALING MAGALING, ITINAKDA!... IKAW LANG ANG BUKOD TANGING NILALANG ANG NAKAIWAS O HINDI TINABLAN NG MAHIKANG ITO... PERO HUWAG KANG MAPANATAG DAHIL ANG BAWAT SALAMIN NA IYONG NAKIKITA AY NAGREREPRESNT SA PITONG TAGAPAGBANTAY...

...BIBIGYAN KITA NG PABUYA DAHIL IKAW LAMANG ANG NAKAWALA SA SUMPANG AKING GINAWAD... SUBALIT HINDI LAHAT NG NANDIYAN AY MAAARI MONG PILIIN, DAHIlL KAILANGAN MONG MAMILI NG ANIM NA MAAARING MONG ILIGTAS AT IKAW ANG PAMPITO...

...BIBIGYAN KITA NG LIMANG MINUTO UPANG MAG ISIP.
HA! HA! HA! HA!....
NGUNIT TANDAAN SA ORAS NA MAGKULANG ANG PITONG TAGAPAGBANTAY AY KATAPUSAN MO NA.... O PIPILIIN MO SILA AT IKAW ANG MAIIWAN!"

Biglang natigil ang mga ito ng matapos ang sinabi. Tila nag hibernate ang mga ito dahil kapwa lahat sila ay nakapikit.

"Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kailangang may isang mawala. Subalit hindi mabubuo kung may isang wala. WAAAAHHH!" Sigaw ko

Pitong salamin ang paulit ulit kong hinahawakan nang tila mapansin ko ang isang imahe sa salamin. "Ang imahe ng bata!, teka ano nga uli ang sinabi niya kanina..."

Doon ko naaalala ng tuluyan ang sinabi nito...
"Ethan, kailangan mong gumising... Magmadali ka! " yan ang muli kong maalala

Kaya naman nang masabi ko ito sa aking mga labi ay doon nabuo ang aking desisyon kaya naman agad kong kinuha ang bagay na tamang sagot sa palaisipang ito.

Buong lakas akong sumigaw at ang pitong kanina ay nakapikit ay ngayon ay dilat na dilat na.

"PIPILI NA AKO!"

"MAGALING, MAGALING! SINO SINO ANG IYONG PINILI" nakakatakot na boses ang nalabas sa pitong impakto na parang galing sa napakalalim na lupa ang mga ito.

Kita ko ang sindak sa mga mukha ng mga ito ng makita nila ang hawak.

"SI..SIGURADO KA BA SA NAPILI MO!"

"OO, MAS PIPILIIN KONG MAMATAY PARA SA MGA KASAMA KO THAN MAMILI KUNG SINO SA KANILA ANG IIWAN, PARA LANG MAILIGTAS KO ANG SARILI KO..."

Mabilis kong inangat ang kutsilyo at itutok sa aking dibdib.

Parang sirang plaka ang boses ng bigla itong magsalita na parang  natatakot sa aking gagawin.

"....Teka! Si..Sigurado ka na na talaga sa gusto mo?!"

Tumingin lang ako sa pitong impakto sa harap ko at nang masigurado kong ito ang tama ayon na din sa boses ng mga ito.

Mabilis kong tinarak sa aking dibdib ang kutsilyo, at isang matamis na ngiti ang binigay ko hanggang sa tuluyan nang nawala ang aking pakiramdam. Kita ko pa ng unti unting nagbabago ang paligid at kasabay ng pagdilim ng paligid ay ang pagkawala ko sa aking kamalayan.

Hanggang sa...

--------------------
Itutuloy...
JuanDer25


The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon