Walo: Ang Paglilibot

285 19 0
                                    

continuation...

"Hello... dada!"

Halos manlaki ang mata ko ng marinig ko ang isang boses at maya maya ay may sumunod pang dalawa.

"Waaaahhhh" napatingin ako kay Ethan saglit at napansin ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko ng ipakita ng mga ito ang mga pinagdaanan ni Ethan sa pamamagitan ng kanilang mga isip at upang sila ay maipanganak lamang.

Sobrang galit ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon ng makita ko ang gjnagawa ng mga magulang ko at mga kalahi sa kanilang future Luna.

Mabilis din naman napalitan ng Awa ang mukha ko ng malaman kong hindi alam ng iba na buntis siya maliban sa kaniyang Ama.
Nasa ganoon akong pag iisip nang marinig kong nagsalita ang nag iisang babae sa tatlo at ang bunsong si Lana.

"Galit ako sayo dada... Muntikan ng mamatay si papa kasi di mo siya tinulungan... huhuhu..."

"I'm sorry baby... dada will make sure na hindi na mauulit ang nangyari... " sagot ko sa mga ito.

" "Promise mo yan ahhhh... Dada?" sabay sabay na sabi ng tatlo.

"Bakit mga anak?"

"Wag mo ng iiwan si papa huh! Wait mo kami dada ha, malapit na po kami makalabas dito... Dada.., Kiss mo na si papa!... pleashhh"

"Ok! Mga babies ko!" hehehe alam din ng mga anak ko ang gusto kong mangyari.

Halos manlaki ang mata ni Ethan ng bigla ko siyang halikan sa lips.. kahit smack ay kitang kita ko na namula talaga ito ng husto.

"Baby, kiniss kita for me to show to our kids na gagawin ko ang promise ko sa kanila"

"Aaahhhhhh ehhhhhmmmm, bakit ano bang pinangako mo sa mga anak natin?..."

Natawa ako ng kaunti ng makita ko itong pulang pula at hindi na alam ang gagawin sa sobrang hiya.

Pero sumagot ako dito ng "Secret!" Tapos nang wink pa ako.

"hmmmpft kayo ha may secret na kayo sa akin..."

Kaya naman agad itong umalis dahil kanina pa pala nakatingin ang mga fairies na nalipad patungo sa Puno.

"hahaha..." palihim na tawa ko kay Ethan.
"parang kailan lang, baby ko" pahabol kong bulong para kay Ethan.

Pero napakasaya ko ng mga oras na ito dahil dati pinangarap ko lang makita at mahanap ang aking "Soulmate" pero eto nabiyayaan pa ako ng mga cute na cute na mga supling.

Idagdag mo pa ang mga pimagdaanan namin ni Ethan mahanap lang ang mga Tagapagbantay.

Ang anim ko pang mga kasamahang tagapagbantay, na talaga namang naggagwapuhan at nag gagandahan. "Hehehe" anyways "Team Ethan ako ha..."

-----------------

JAMES POV

-
Nakaupo ako ngayon sa labas ng kastilyo ni Kalix ang Ikalimang Tagapagbantay.

Habang naka upo at nakatingin ako sa ibabang bahagi ng kastilyo kung saan makikita ang Bayan, ay talagang nakakamangha ito. Pero ni minsan ay hindi pumasok sa aking isip na hindi pala nakakatakot ang Forest of the Abyss katulad ng mga kwento sa amin noong bata pa ako.

Pero ayon kay Pierre ay mas maganda ang lugar nila noon. Noong hindi pa Forest of the Abyss ang tawag sa kaharian nila.
Noon ang parte na kinatitirikan ng kastilyong ito ay makikita lamang sa kalangitan.

"Oo, sabi ni Pierre sagrado ang lupain ng mga hari at may dugong banyaga lang ang makakaapak sa lupain na iyon" kaya naman nakahiwalay dati ang kastilyo at makikita lamang sa himpapawid.

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon