Lima: Parallel World

283 18 0
                                    

continuation...

"Wahhhhh... sabi na nga ba ehhhh! May isa pa!"

Nang sabihin ko iyon ay hindi ko na pinansin ang apat na nasa aking harap. Bagkus ay nagfocus ako sa paghahanap ng tamabg pintuan.

Ewan ko pero hindi ko mahanap ang tamang pintuan kaya hindi ako makapamili ng ayos.

"Teka, Oo alam ko na!" Yan ang naisip ko ng maaalala ko ang dapat kong gawin.

Dahan dahan kong pinikit ang aking mga mata at pinakiramdam ang bawat pintuan. Ginamit ko ang aking kamalayan at ang puso upang maramdaman ang tamang pintuan.

Dahan dahan kong pinikit ang aking mga mata at pinakiramdam ang bawat pintuan. Ginamit ko ang aking kamalayan at ang puso upang maramdaman ang tamang pintuan.

Huli kong pinakiramdaman ay ang mahanap ang malakas na awra at matinding tiwala ng aking mga kasama at ang tali na nagbibigkis at kumokonekta sa aking mga anak at ang panghuli ay ang buong pusong pag ibig ni Liam sa akin.

Ramdam ko ang paghakbang ko at unti unting mapaso sa napakainit na liwanag sa aking palad. Doon ko na lang naramdaman ang isang malakas na pagsabog na tila isang kuryente sa aking mga kamay.

Bago ko pa maimulat ang aking mga mata ay narinig ko pa ang panghuling salita ng Ikalawang Oracle.

"Magaling, magaling aming itinakda... hanggang sa muli nating pagkikita!...

...Tandaan sa oras na makaalis kayong lahat sa lugar kung nasaan kayo naroroon ang bawat nangyari ay makakalimutan ng lahat patungkol dito tanging ikaw lamang ang nag iisang makakapanatili ng memorya sa nangyari... Muli paalam, Itimakda.." sabi ng Ikalawang Oracle

"Booom" isang malakas na pagsabog ang aking narinig at sa aking pagmulat ay..

------------------------

ETHAN's POV

-
Pagmulat ko ay mga mumunting mata ng aking mga kasama ang aking nakita.

Nang tuluyan na akong magising ay hindi ko maipaliwanag ang sensasyon ng malaman kong si Liam ay nakayakap sa akin.

"Baby, sa wakas gising ka na! Kanina ka pa namin ginigising... Akala ko iiwan mo na ako ng tuluyan.."

Pag angat ko ng aking mukha ay kitang kita ko ang isang malawak na katubigan, ang totoo ay nakalutang kami sa isang parang subalit ang kaibahan lang ay tubig ang naaa ilalim na bahagi namin.

Maya maya ay ramdam ko unti unti namjng pagbaba.
Hanggang makita namin ang isang malaking templo subalit nang mas makalapit na kami ay doon ko napagtantong hindi ito templo kundi isang malaking Markings na may ibat ibang marka na nakapaligid dito.

Hindi ko maisalarawan pero alam kong mahalaga ang mga ito at konektado ito sa aming mga kasama ko.

Nasa ganoong akong pagiisip ng magsalita si Kalix.

"ITINAKDA, nasaan tayong lugar? Bakit parang hindi ko maramdaman ang presensya ng aking Kaharian..."

"Luna, Paano tayo makakaalis dito at parang may kung anong pwersa ang lumalabaa sa mga Marka na nasa baba?" Aldous

"Luna, Tingnan mo... Anu ang lugar na iyon!" Pierre

Sa tinurong bahagi ni Pierre ay halos mamutla ako at matakot sa nararamdamang nakakatakot sa dulong bahagi kung nasaan kami.

Kita ko ang takot sa mga mukha ng aking mga kasama.

Kaya naman agad kong kinausap ang mga ito.

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon