Fourteen: Liam

230 14 0
                                    

continuation...

Kaya naman mabilis kong nasapo ang mukha ko para takpan ang pagkainis ko. Pagmulat ko ng aking mata ay nasa silid na kaming apat at sunod sunod ang pagdating ng iba pang mga Tagapagbantay.

Nakatayo lang ako sa kaliwang parte ng hinihigaan ng Itinakda at kaharap ko naman si James. Pagtingin ko sa mukha nito ay halos kilabutan ako dahil kitang kita ko ang pagbabago ng mga mata nito. Mula sa hazel eyes ay naging Dilaw ito.

"Omg... ang cute ng mga mata niya!" bulong ng isip ko.

Pero bigla itong tumingin sa iba at kitang kita ko ang pagpuyos ng mga kamay nito.

"Wahhhh... galit ba siya? Pero kanino, sa akin ba?!, huhuhu..."

Namalayan ko na lang na nakapalibot na kaming lahat sa Itinakda kaya naman saglit kong nakalimutan ang tungkol kay James.

Makikita sa mukha ng lahat ang pag aalala lalo na si Alpha Liam.

Kaya naman ng mapansin kong yayakapin na ni Alpha Liam ang katawan ni Luna Ethan ay kapwa kaming lahat ay nabigla sa sumunod na nangyari...

---------------

LIAM's POV

-
Sobrang saya ko ng makita kong pulang pula ang mukha ni Ethan ng halikan ko ito.

Hanggang sa makaalis ito ay talaga namang hindi nawala ang pamumula nito sa mukha lalo na at nakita niyang maraming mga maliliit na fairy ang nagsitigil upang masilayan ang kaniyang pulang pulang mukha.

Samantalang ako ay nanatili lamang sa kinatatayuan ko sa harap kung nasaan ang aming mga anak ay nakalagak.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin paano kami nagkaroon ng mga supling samantalang natatandaan kong hindi ko pa nakokompleto ang aming "Mating Process."

Nasa ganoon akong pag iisip ng muli kong marinig ang tinig ng aking mga anghel.

Hindi na ako tumutol ng sabihin ng mga ito na ipapakita nila muli ang lahat. Sa siimula hanggang makarating sila sa Kaharian ni IkaLima o ni Kalix.

Dahil kung kanina ay pahapyaw lang ang mga nakita ko sa mga imaheng pinapakita ng mga bata ay naramdam ko na ang lungkot, pighati at matinding sakripisyo ni Ethan.

Hindi pa nagsisimula ang lahat ay halos magpuyos na ako sa galit sa ginawa nila sa aking Mate o Luna... ang pamilya ko na prinotektahan sa mahigit 20 years ng buhay ko.

"Bakit ba hindi nila matanggap si Ethan, kaya nga tinanggap ko ng hindi ako ang Future Alpha ng Silver Diamknd Pack, pero di ako makakapayag na may gawin silang masa sa aking Mate...

...Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan naming mabuong mga Guardian at nakatakda kaming ingatan at protektahan si Ethan kung trahedya lang naman ang dala niya... Nasisiguro kong may mali... Kailangan ko ng sagot..."

Kaya naman nang sabihin ng mga bata na umupo ako sa upuan na tila unti unting lumalabas sa isa sa mga tangkay ng puno at nabuo ang isang magandang upuan na parang Egg shape at doon ako umupo.

Umupo ako sa harap ng mga bata at pinagmasdan ang tila maliliit na sinulid ang tumusok sa mga ugat ng mga sanggol, doon ko napagtantong ito ang magigibg bigkis naming apat.

Narinig ko ang tinig ni Luwe ng sabihin nitong "ipikit ko muli ang aking mga mata at panatilihing mapayapa ang aking isipan."

Bumalik ako sa aking pag iisip ng muli kong makita kung paano saktan at pahirapan ni Dad si Ethan habang buntis ito...

Ramdam kong umiinit na ang aking mga mata at anumang iras ay tutulo na ang mga luha dito.

Mas tumindi ang mga nangyayari ng ilabas na si Ethan para dalhin sa gitna ng maraming tao...

Kahit nakapikit ako ay ramdam na ramdam ang sobrang sakit at paghihirap na nararamdaman ni Ethan.

Tulo na ng tulo ang mga luha ko ng mga sandaling iyon. Halos hindi ko na pinapansin ang sinomang nasa paligid dahil nakatutok lang ako sa itsura at kalagayan ni Ethan...
(See Chapter 29-30 Book 1)

"TAMA NA!!!" malakas na sigaw ko ng makita kong halos bawian na ng buhay si Ethan. Halos magulat ako ng maalala kong nasa harap ko ang mga anak ko.

"Tama na, di na ako makakapayag na maulit pa itoo... pangalawang beses ng muntikang mamatay si Ethan ng dahil sa kahinaan at kapabayaan ko!"

Nasa state ako ng sobrang hina na ng dibdib ko, yung uhog na ang natulo sa ilong ko at halos lawa na ang luhang lumabas sa aking mga mata.

"Mga anak ko, tama na! Hindi na kaya ng mata ko ang mga nakikita ko.... Pangako... pangako... wala ng makakapanakit pa sa papa niyo!"

"Pramis mo yan dada ahhh... kasi di namin alam ang gagawin pag nawala si papa" sabi ng bunso kong anak.

"Salamat... dada.." sabay na sabi ng tatlo.

"Oo mga anak ko!.. pinapangako ko yan!... Salamat at hindi niyo iniwan ang papa niyo noong wala ako..."

Durog na durog ang puso ko sa mga nakita at nalaman ko noong wala akong maaalala, pero nandoon yung sobrang Awa ko dahil mismong dapat na promotekta sa Mate ko ang gustong pumatay sa kaniya.

"Kailangan kong malaman ang katotohanan... Bakit hanggang ngayon wala kaming alam sa Propesiyang kailangan naming gawin at matupad... Samantalang lahat ng mga lahi ay gustong mapigilan ang lahat... May mali talaga... Kailangan kong malaman ang lahat!!!"

Ilang minuto na din ng matapos ang pag uusap ng aking mga supling ng marinig ko ang paghingi ng tulong ni James yungkol kay Ethan.

Mabilis akong nanakbo palabas ng sagradong silid para hanapin si Ethan ng maramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin.

Agad kong hinanap iyon subalit wala akong nakita.
"Guni guni ko lang ba iyon..." bulong ko sa aking sarili.

Palabas na sana ako ng Kastilyo ng malaman kong nakabalik na sila Ethan at James. Agad kong inalam kung nasaan ang mga ito.

Nalaman kong dinala nila si Ethan sa silid kung saan siya dati dinala.

Pagdating ko ay nasa lokb na ang lahat at ako na lang ang kulang.

Sa sobrang dami ng nalaman kong paghihirap ni Ethan na wal akk sa tabi miya ay nag umapaw ang sakit ng naramdaman ko sa dibdib kaya naman wala na akong pakialam ng makita nila akong napaka hina.

Yayakapin ko na si Ethan ng biglang....

-----------------
Itutuloy....
JuanDer25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon