Apat: Black Hole (Part 4)

305 21 0
                                    

continuation...

Kita ko ang sindak sa mga mukha ng mga ito ng makita nila ang hawak.

"SI..SIGURADO KA BA SA NAPILI MO!"

"OO, MAS PIPILIIN KONG MAMATAY PARA SA MGA KASAMA KO THAN MAMILI KUNG SINO SA KANILA ANG IIWAN, PARA LANG MAILIGTAS KO ANG SARILI KO..."

Mabilis kong inangat ang kutsilyo at itutok sa aking dibdib.

Parang sirang plaka ang boses ng bigla itong magsalita na parang  natatakot sa aking gagawin.

"....Teka! Si..Sigurado ka na na talaga sa gusto mo?!"

Tumingin lang ako sa pitong impakto sa harap ko at nang masigurado kong ito ang tama ayon na din sa boses ng mga ito.

Mabilis kong tinarak sa aking dibdib ang kutsilyo, at isang matamis na ngiti ang binigay ko hanggang sa tuluyan nang nawala ang aking pakiramdam.

Kita ko pa ng unti unting nagbabago ang paligid at kasabay ng pagdilim ng paligid ay ang pagkawala ko sa aking kamalayan.

Hanggang sa...

----------------------------

ETHAN's POV

-
Nasa estado ako ng pagtulog nang tila sunod sunod na pagtawag sa aking pangalan ang nagpabalik sa aking kamalayan.

Hinanap ko ang mga boses pero nasisigurado kong wala ito sa lugar kung nasaan ako.

Narinig ko pa ang mumunting mga boses ng mga tao sa aking paligid lalo na ang boses ng lalaking alam kong nagpatibok sa aking puso, subalit dahil na rin sa aking mga nasaksihan kanina lang ay hindi ko masigurado kung sila nga ba ang mga ito.

Subalit may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan sa tuwing may hahawak sa aking balat, masasabi kong si Liam ito. Dahil siya lang ang makakagawa nito sa akin.

Noong una ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi tanging mga basag na boses ang aking mga naririnig kaya naman nasisiguro kong nasa estado ang aking kamalayan sa pagitan pagtulog at paggising.

Buong pilit kong nais gumising pero ang tanging nabago lang ay ng umayos ang aking pandinig, doon ko narinig ang malalim at nag aalalang tinig mula sa aking kabiyak na si Liam...

"Baby, gumising ka!... Baby.. Baby!"

Mas pinilit kong palakasin ang aking pandinig kaya naman rinig ko ang iyak o hikbi ng dalawang batang babae na maaaring si Annika at Annia.

Nangibabaw din ang boses ni Aldous, James at Pierre, na paulit ulit na tinatawag ang aking pangalan...

"Luna Ethan... gumising ka na!"

Hindi ko alam kung anong pwersa ang nagpagising sa akin ng biglang magsalita si Kalix, sigurado akong may mali...

"Itinakda... gumising ka na! Natapos na ang propesiya! Kailangan na nating magdiwang!"

"What!" Sigaw ko sa akibg isipan, at bigla akong gumising at kita ko sa mga mukha ng mga nandoon ang gulat.

Pag ikot ko sa paligid ay kita ko ang mga wasak wasak na malalaking puno, mga patay na mga ibat ibang nilalang at maraming mga nag iiyakan at ang iba naman ay nagkakasiya sa nangyari.

"Anong nangyayari!" Hindi ko alam na napalakas ang aking pagkakasabi.

"Ethan, baby! Salamat nagising ka na! Akala ko mawawala ka sa akin... Natapos na ang lahat... Natalo na natin ang mga kalaban..."

"Kalaban? Kailan pa natin nalaman sino ang kalaban?" nasa ganoon akong pagtataka ng biglang may lumapit na isang bata. Gulat na gulat ako dahil siya din ang bata doon sa isang panaginip.

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon