Twenty-5: Ang Lagusan at Simbulo ni Annia

181 11 6
                                    

Continuation...

Habang palapit ito ng palapit ay ramdam namin ang pag gaan ng at pagkawala ng pwersang humihila sa amin.

Narinig naming lahat ng sabihin ni James na may kakayahan si Ethan na mag nullify ng kahit anung mahika or kapangyarihan.

Kaya naman naintindihan na agad namin ng dumating ito sa harap namin na tila walang nangyari.

Pagdating nito sa harap ko ay para itong bata na nakabungisngis kaya naman mabilis ko itong niyakap at halikan ito sa kaniyang noo.

Napansin na lang naming dalawa ni Ethan na tumahimik ang paligid.

Pulang pula si Ethan ng makita niya na ang lahat naming kasama ay nakabungisngis sa nasaksihan sa aming dalawa.

"Ang sweet naman!..." sabi ni Anika

Kita ko ang pag smile ni Ethan nang sabihin iyon ni Anika. Pero proud ako nang mga oras na iyon.

Nasa ganoon kaming mga sandali ng biglang manakbo si Ethan at sumigaw ito ng "Guys... Ang Lagusan!!!"

-------

Nagulat kaming lahat dahil nang harapin namin ang sinasabi ni Ethan ay wala doon ang sinasabi nito.

Muli kaming natigil ng muling magsalita si Ethan..

"Guys, halina kayo... Kanina pa nakabukas ang lagusan!!!"

"Itinakda, anong lagusan? Wala kaming nakikitang lagusan... Di ba guys!" takang sabi ni James

"Huh! Anong sinasabi ninyo? Eto oh, may portal sa harapan natin..."

"Babe, wala kaming nakikita..."

"Paanong wala? Anong nangyayari."

Maya-maya ay napasigaw si Annia. Nang tingnan ko ang aming bunsong si Annia, Kitang kita namin lahat ang takot sa kaniyang mukha...

"Annia, what happen?" Sabi ni Pierre

"Mga kuya, may bruha, impakto at mga tyanak akong nakita na nakadungaw sa itim na lagusan... ahhhhh hayan na sila.."

Bago pa matapos si Annia ay ramdam namin ang tila mabigat na presensya.

Halos mangilabot kami dahil kakaiba ang presensyang ito.

Hanggang sa may marinig kaming palakas ng palakas na sigaw.

Sa una ay akala mo ay kung ano lang subalit maya maya ay nasisiguro naming mga tinig ng bruha, tyanak at mga impakto.

Rinig pa namin ang sigawan ng mga pasyenteng kanina pa nanood sa amin.

"Lagot kayooo... Hahaha hahahah hahaha" sigaw ng mga pasyenteng nagkakagulo na sa pagsigaw at tawa.

Nagulat na lang kami ng muling magsalita si Ethan...

"Shit, anong nangyari. Ibang lagusan ata ang nabuksan ko!"

"What!" Gulat naming lahat...

"Guys takbo!..." Sabi ni Ethan

Kahit di namin natitiyak ang nangyayari lahat kami ay tumakbo.

Rinig na rinig ko ang tinig ng aking mga kasama sa aming mindlink.

Pero ang namayani sa akin ay ang tinig ni Ethan.. Gulong gulo ito.

"Annia! Wala kaming makita. Paano natin sila malalabanan kung wala tayong makita." sabi ni Aldous

Napatigil kami sa tapat ng Admin office kung nasaan ang malaking space na may basketball court.

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon