Nineteen: Elite Hunters

121 13 0
                                    

continuation...

"Nakita nyo na ba yung bomba?" ramdam sa boses nito ang pag aalala at takot

Sa sinabi nito ay halos malaglag na sa kinauupuan ang nga nasa harap nitong nakaupo sa sobrang pagtawa subalit wala ni isa ang nagsabi o ipaliwanag ang sinasabi nito.

Kaya kahit di pa nakakahinga at maayos na nakakaupo ang nga ito ay sinabi na ni Ethan ang tungkol sa kaniyang nalalapit na Graduation.

Tuwang tuwa ang mga ito dahil sinabi ni Ethan na isasama niya ang lahat.

Kaya naman mabilis na nagsitakbuhan ang nga ito upang makasama sa pagpunta sa School.

Subalit naiwan sa kinuupuan si Anika at kita dito na hinahanap pa rin nito ang tunog na narinig niya kanina.

---------------------

Isa isang bumaba ang pito sa sinasakyang kotse nang makarating sa University.

Pagbaba ng mga ito ay halos manlaki ang nga mata ng mga kalalakihan at kababaihan ng makita nila anim na kasama ni Ethan.

"Shit... Di ba si Captain Liam at James yun. My gosh lalo siyang gumwapo... Teka sino yung mga kasama niya, ang gagawapo at ang gaganda..." sabi ng isang babae na nakatayo sa parking.

"Wait bakit kasama nya yung basurang iyon?" bulong ng katabi nito.

"Eeewww... Kahit luminis ang mukha niya at mukhang nagpaayos still look mukha pa din siyang basura..."

"Hahaha the six Georgous and the Monster ang peg ahhh"...

Marami pang masasakit na salita ang sinasabi ng mga ito kahit pabulong at ang iba au takaga namang nilalakasan pa. Pero walang pakialam si Ethan ng mga oras na iyon dahil wala ang sarili niya sa paligid kung hindi kinakabahan siya ng husto tungkol sa pupuntahan niya.

Subalit rinig na rinig iyon ng anim na kasama ni Ethan maliban sa kaniya.

Kaya naman halos di mapinta ang mukha ng Anim sa mga naririnig against Ethan, lalo na si Liam, James at Anika.

Agad na nag mindlink ang mga ito sa bawat isa maliban kay Ethan.

"What happen bakit ganyan ang sinasabi nila sa Itinakda, Liam?" Aldous

"My gosh gusto ba nilang masunog sa mga sinasabi nila... Hindi sila nakakatuwa..." Anika

"Bakit ganoon, ang bait bait ng itinakda... Bakit ganyan sila..." Annia

"Naiiyak ako... Sobrang pait pala ng nang nakalipas niya sa Paaralang ito..." Pierre

"Hayaan nyo na sila.. ang focus natin ay si Ethan.. at ang mga spy na maaaring nasa paligid" James

"Ako na bahala sa mga nasa paligid.. walang gagawa ng kahit anong hakbang at higit sa lahat walang gagamit ng kakayahan ninyo sa lugar na ito. Tandaan ninyo ang misyon ninyo!  Mas mahalaga ang security ni Ethan kaysa sa mga sinasabi nila!" Liam

"Tse... So hahayaan na lang namin mga sinasabi nila sa Itinakda..." Anika

"Like i told you Ika Anim, ako na ang bahala..." Liam

"Sorry..." di na nagsalita pa si Anika ng makita niya ang mukha ni Liam at kulbitin siya ni Pierre.

Kaya naman naglakad na sila patungo sa Medical and Science Building.

Nakayukong naglalakad lang si Ethan samantalang nasa tabi nito si Liam at Anika.

Nagpaiwan na ang apat sa labas upang magmanman dahil maaaring may spy or nga Hunters ang nasa paligid at maaaring may iba pang mga lahi ang nais na makapanakit sa Itinakda.

Agad na umupo si Pierre sa isang swing at itinuon ang sarili sa kabuuan ng University ang ginamit nito ang kakayahan upang mabasa o makita ang mga gagawin ng mga ito.

Samantalang nagtungo naman si Aldous sa isa sa pinakamataas na building kung saan tanaw ang buong University at kung nasaan ang mah pinakamalakas na hangin. Umupo siya sa isang lugar kung saan di masyadong pansinin.

Agad niyang ginamit ang kaniyang kakayahan upang malaman ang bawat hininga ng mga taong malapit sa kinalalagyan nila Ethan.

Upang mabilis niyang magamit o makontrol ang hangin. Sa tulong ni Annia napapakita niya ang ilustrasyon ng buong University at mga taong nasa paligid ng dalawa pa nilang kasama na kasama ni Ethan. Nararamdaman niya kung sino ang kinakabahan, may masamang gagawin at mga posibleng espiya sa tulong ng hangin.

Samantalang nagpunta naman si James sa malaking field kung nasaan ang mga team mates nila ni Liam. Kasama nito si Annia.

Sa mga oras na iyon ginagamit na ni Annia ang kakayahan niyang Gravity Manipulator subalit sa mga oras na iyon ay inaalaman niya ang lokasyon at mga posibleng mga kalaban depende sa bigat ng mga ito.

Malalaman niyang iba ang bigat at lakad ng mga ito depende sa lahi ng nga ito. Subalit mas sigurado siya sa kapuwa niya Hunter.

Bihasa na siya sa gawaing ito dahil sa pagiging Elite na Hunter nito. Akala lang niya noon ito ay isang kakayahan lang. Subalit ng malaman niyang may kapangyayihan siya at malaman isa siyang Witch ay nagpractice siya ng husto sa tulong ng iba pang Guardian.

Kaya ngayon nga ay halos kabahan siya ng may maramdaman siyang kakaiba.

Mabilis niyang sinabi na may tatlong Hunter sa paligid.  Hindi man niya alam kung sino ang mga ito subalit nasisiguro niyang elite na mga Hunter din ang mga ito dahil pulido ang mga galaw at mga hakbang ng mga ito ay tila walang bigat at tunog.

Mabilis na nag mindlink si Liam na walang gagawa ng anumang hakbang hanggat di nila nasisigurong sila ang target ng mga ito.

"Kuya James, may problema may mga Elite Hunters sa School ninyo at isa sa tatlong Elite Hunter na sinasabi ko ay isa sa mga player na nasa field."

Halos napatigil si James at Liam sa paglalakad ng sabihin iyon ni Annia.

Mabilis na bumalikwas si James at tumingin ito kay Annia at itanung nito kung sino sa mga kasamahan niya ang sinasabi nito.

"Kuya James, payayanigin ko saglit ang lupa at tanging ang taong iyon lamang ang makakaramdam at tila matutumba upang malaman mo kung sino siya."

"Ok..." Mabilis na binalik ninJames ang tingin sa harap at dahan dahan ang paglapit ng mga ito.

Hanggang sa magulat siya sa makita...

"Putcha... Liam!!!"

"Bakit?"

"Si Mark, si Mark ang Hunter na sinasabi ni Annia..."

"What!!!"

(Si Mark yung nagpahirap kay Ethan sa book 1)

Ramdam na ramdam ng lima ang galit ni Liam sa mindlink kaya naman saglit na pinutol ng lima ang link pero kitang kita ni Anika ang tila mumunting pagtulo ng luha ni Liam at kita nito matinding pagpipigil sa galit na nararamdaman.

Mabilis na inutusan ni Anika si Aldous.

Kaya naman mabilis ang naging aksyon ni Aldous upang kontrolin ang hangin sa sistema ni Liam dahil maaaring may magawa ito.

Nang masiguro nitong umayos na kahit papaano si Liam ay agad na hinawakan ni Anika ang braso ni Liam at pasuin nito  ang binata upang magising ang diwa nito. Kusang gumaling ang paso dahil na rin sa kakayahan nito bilang isang Wolf.

"Salamat guys... Salamat!!!"

Bulong ni Liam sa mindlink ng muling magsibalikan ang lima.

Halos mapaiyak ang lahat ng makita ng mga ito ang dahilan kung bakit naging emosyonal at maging ganoon ang inasal ni Liam.

Nagpakita ng konting imahe si Pierre sa mga nangyari sa Swimming nila James kung saan si Ethan ang naging sentro ng kalokohan ni Mark.

Kaya naman mas lalong naging aware at mas lalong naging maingat ang lahat ng malaman nila ang tungkol sa mga hunter.

Naka focus na ang lahat ng biglang...

------------------
Itutuloy
Juander25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon