Fifteen: Ang Pitong Liwanag

210 19 3
                                    

continuation...

Durog na durog ang puso ko sa mga nakita at nalaman ko noong wala akong maaalala, pero nandoon yung sobrang Awa ko dahil mismong dapat na promotekta sa Mate ko ang gustong pumatay sa kaniya.

"Kailangan kong malaman ang katotohanan... Bakit hanggang ngayon wala kaming alam sa Propesiyang kailangan naming gawin at matupad... Samantalang lahat ng mga lahi ay gustong mapigilan ang lahat... May mali talaga... Kailangan kong malaman ang lahat!!!"

Ilang minuto na din ng matapos ang pag uusap ng aking mga supling ng marinig ko ang paghingi ng tulong ni James yungkol kay Ethan.

Mabilis akong nanakbo palabas ng sagradong silid para hanapin si Ethan ng maramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin.

Agad kong hinanap iyon subalit wala akong nakita.
"Guni guni ko lang ba iyon..." bulong ko sa aking sarili.

Palabas na sana ako ng Kastilyo ng malaman kong nakabalik na sila Ethan at James. Agad kong inalam kung nasaan ang mga ito.

Nalaman kong dinala nila si Ethan sa silid kung saan siya dati dinala.

Pagdating ko ay nasa lokb na ang lahat at ako na lang ang kulang.

Sa sobrang dami ng nalaman kong paghihirap ni Ethan ng wala ako sa tabi niya ay nag umapaw ang sakit ng naramdaman ko sa dibdib kaya naman wala na akong pakialam ng makita nila akong napaka hina.

Yayakapin ko na si Ethan ng biglang....

-------------------

THIRD PERSON POV

-
"WAAAAAAHHHHHH!!!!" sabay sabay na bigkas ng pitong Tagapagbantay ng biglang magliwanag ang katawan ni Ethan. Sabay sabay din nilang takpan saglit ang kanilang mga mata sa sobrang liwanag na lumabas sa katawan ng Itinakda.

Hindi pa natatapos ang lahat ay sabay sabay silang nagsigawan ng maramdaman nila ang isang napakainit at nakakapasong bagay sa kani kanilang mga Marka o Simbulo na nakamarka sa ibat ibang parte ng katawan...

"Waahhhh!!!! Ang sakit! Sakit!" Sigaw ni Annia at Anika

"Aagghhh!!!" Boses ni Aldous at iba pa.

Nang masiguro nilang kaya na nila ang sakit ay nakita nilang nakalutang ang katawan ni Ethan sa kanilang harapan.

Nakapikit ang mga mata at nasisiguro nilang nasa estado ito ng kawalang malay.

Muling sumakit at mas nakakapasong pakiramdam ang nangibabaw sa lahat subalit kita sa mga mukha ng pitong Tagapagbantay ang pagpipigil at paglaban sa kani-kanilang nararamdaman.

Dahil nasisiguro nilang mas masakit ang nararamdaman ng binatang nasa harapan nila.

Dahil kitang kita nila ang pitong Marka na nasa katawan ni Ethan at saglit nilang narinig ang malakas na panaghoy ni Ethan.

Subalit mabilis din itong nawala ng makita nang lahat na may namumuong liwanag sa pitong Marka sa Katawan ng Itinakda.

Lalapit na sana si Liam kay Ethan ng biglang mabilis na umangat ang pitong liwanag sa ulunan ni Ethan...

"What the hell..." bigkas ni James

Gulat na gulat sila ang lahat biglang may apat na liwanag ang lumabas sa tabi nito, dalawa sa kanan at dakaqa din sa kaliwa.

"HUWAG NINYONG HAHAWAKAN ANG ITINAKDA!!!" boses ng isang lalaki

Unti unting nagiging visible ang apat sa mata ng pitong Itinakda nang biglang maagaw ang pansin ng anim sa pito ng mabilis na magsalita si Anika.

"Wait... Lolo! Lolo Marius?!" Malakas at puno ng pagtatakakang bigkas nito

Sabay sabay na napa "hhhhaaa" ang anim.

"Wait lolo mo ang Ikalawang Oracle, Anika?" tanong ni James

"I'm not sure James, pero nasisiguro kong siyang siya ang lolo ko!... Lolo??? tama ba ako, ikaw ang lolo ko!" di sigurado subalit madiing bigkas ni Anika sa kaharap.

"Oo, Anika! Subalit kalimutan mo na ang lahat ng nag uugnay sa atin dalawa dahil isang kasalanan na nagkita pa tayo!"

"Pero bakit!!! LOLO??? Matagal ka naming hinanap.. namatay silang laha..." di na natapos ni Anika ang sasabihin ng sumigaw ang Ikalawang Oracle na talaga namang nakakatakit ang itsura bilang isang Bampira.

"TUMIGIL KA!!! KUNG AYAW MONG MAMATAY ANG ITINAKDA AY KALIMUTAN MO ANG TUNGKOL SA AKIN... MAY MAS MAHALAGANG DAPAT KAYONG PAG TUUNAN NG PANSIN DAHIL NAGIGING MABILIS ANG TAKBO NG ORAS... KAYA KAILANGAN NINYONG MAGMADALI"

"Ha! Huhuhu..." kita ng lahat ang sakit na nararamdaman ni Anika pero ayaw nilang may mangyari kay Ethan kaya naman naintindihan ni Anika ang makahulugang tingin ng anim.

Nagulat ang lahat ng biglang may lumabas na Bloody Mirror sa tabi nito na nakalutang sa tabi nito, nababalutan ng red stones ang kabuuan ng salamin...

Nang muling magsalita ito ay sobrang nakakatakot ang boses na paang galing sa ilalim ng lupa ang lumalabas sa bibig nito at nakaturo ang isang kamay nito sa liwanag na nasa ulunan ni Ethan.

"NAKIKITA NINYO ANG PITONG LIWANAG... ANG MGA LIWANAG AY ANG MGA SUMISIMBILO SA INYONG PITO... BAWAT LIWANAG AY MAY KATUMBAS NA MISYON.. BAWAT MISYON AY MAY MATINDING PAGSUBOK... PAGSUBOK NA MAAARING BUHAY ANG KAPALIT...

...ANG BAWAT ISA SA INYO AY MAY KANIYA KANIYANG LIWANAG NA NANGANGAHULUGANG... BAWAT ISA AY MAY KANIYA KANIYANG MISYON AT PAGSUBOK NA DAPAT HARAPIN.. TANGING KAYO LANG PITO ANG MAKAKAGAWA NITO."

"ANO BANG DAPAT NAMIN HARAPIN???
MAY KAILANGAN BA KAMING MAKUHA O DAPAT NA MAGAWA???.." mabilis na tanong ni Liam

"SA TANONG MONG ITO AY WALA AKONG MAISASAGOT..." mabilis ding bigkas ng Oracle

"ANG TANGING SAGOT NA IIWAN KO AY...
NAPAKAHALAGA NG KAILANGAN NINYONG GAWIN, ITO ANG MAGIGING SUSI NG INYONG PAGTATAGUMPAY!"

"ANO BA ANG TOTOO... ANO ANG PROPESIYA... BAKIT KAILANGAN NAMING MAGAWA KUNG ANG LAHAT NAMAN AY GALIT NA MATUPAD NAMIN ANG PROPESIYA!" Muling tanong ni Liam

Halos lahat ng nakarinig ay nag iba ang mukha dahil alam nilang lahat sila ay walang alam sa totoo, maliban sa isa.

"AHHHHH MALALAMAN NINYO ANG LAHAT ORAS NA MATAPOS NINYO ANG KANIYA KANIYANG PAGSUBOK!!!... KAILANGAN NINYONG MAGDALI MGA TAGAPAG BANTAY"

Hindi na sila nakapagtanong pa ng biglang bawat liwanag at tumama sa bawat isang marka.

Malalakas na sigaw ang namayani sa lahat ng bigla silang magsi angat at tanggapin ang liwanag na galing sa katawan ni Ethan.

Sa pagpikit ng bawat isa ay may kaniya kaniyang na imprint na larawan o lugar sa kanilang isipan, na makakapagsabi kung saan ang bawat misyon nilang pito.

Nang bumagsak ang pito ay unti unti ding nawawala ang liwanag kay Ethan.

Nang tuluyang mawala ang liwanag ay sabay ding paglaho ng Apat na Oracle.

Mabilis na nanakbo si Liam upang saluhin si Ethan ng bigla itong bumagsak mula sa kaniyang paglutang.

Saktong sakto ang pagsalo ni Liam kay Ethan ng mahulog ito.
Maya maya ay nagmulat na ng mga mata si Ethan.

Gulat na gulat si Ethan ng makita ang pito sa harapan niya, at makita niya ang mga mukha nitong tila galing sa isang laban.

"ANONG NANGYARI???

Wala ng sumagot sa mga ito pero gulat na gulat ang pito sa sumunod na sinabi ni Ethan.

"NANAGINIP AKO BABY...
NAGKAROON DAW AKO NG MARKA NA TULAD NG SA INYO PERO AKO MARAMI...
TAPOS NAKITA KONG KAILANGAN NATING MAHANAP ANG MGA LAGUSAN NA NAGDUDUGTONG SA MGA LUGAR KUNG SAAN TINUTURO NG MGA LIWANAG SUBALIT ISA LANG ANG MALINAW SA AKIN AT IYON ANG MUNDO NG MGA WITCHES...
ANG BAYAN NI ANNIA..."

"HA!!!" sabay sabay na bigkas ng lahat.

-----------------
Itutuloy...
JuanDer25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon