Dalawa: Black Hole (Part 2)

373 23 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi ko sa unahan dahil wala ang isip ko sa lugar na iyon. Inisa isa ko ang mga nangyari sa araw na iyon.  Hanggang sa maalaala ko ang isang babae. Nang unti unti kong basahin ang mga sinasabi nito ay halos kilabutan ako.

"Ethan,  kailangan mong gumising... Magmadali ka! "

Pag tigil ko ay isang malakas na palakpakan ang aking narinig pero wala ang isip ko sa kanilang lahat kaya naman ng ako ay makababa ay tumakbo ako ng mabilis palabas ng Venue.

Subalit hindi ko inaasahan ang mga nangyari lahat ng tao sa aking paligid ay masama ang tingin sa akin, na tila may mali akong ginawa.

Pagdating ko sa kotse ay.....

--------------------------

ETHAN's POV

Pagdating ko sa kotse ay parang walang nangyari, dahil pagmulat
ko ay nasa Mall na kami ayt tinapik ako ni Liam.

"Baby, anong nagyayari sayo. Baba ka na kakain na tayo.
Gutom na ang mga naggagwapuhan mong mga kapatid...."

"Huh! Kapatid, wala akong kapatid, Liam..." sagot ko kay Liam na puno ng tanong sa mukha ko

Nakita kong tila nakatingin ito sa akin ng masama, nang malibot ko ang aking paningin kahit ang mga kasama ko at
iba pang naglalakad ay nakatingin sa akin.

Iniba ko na lang ang sinabi ko.

".... wala akong kapatid na matatakaw!" Pagpapatuloy ko

Biglang tila bumalik ang lahat sa normal at parang walang nangyari.

Kinakabahan na ako dahil alam kong may mali at hindi tama sa mga nangyayari.

Kaya naman gumaganap na lang ako sa lahat pero ang totoo ay nag iimbestiga lang ako.

Alam kong may nilalang dito na kumokontrol kung nasaan ako.

Nahihirapan ako kasi nabusisi ko na lahat pero wala akong makita. Nanjan yung kunyari ay natapunan ko ng juice si Liam at samahan sa CR para magpalit pero walang kakaiba sa katawan nito.

Sumasakit na ang ulo ko dahil sigurado na akong may mali dahil pagkatapos naming kumain ay nagulat na lang ako ng saglit na magpikit ako ng mata at ng muling imulat ko ang mga mata ko ay nasa bahay na kami.

"Waaaaahhhhhh, Anong gagawin ko!" Sigaw ng utak ko sa sarili ko

Pagpunta ko sa kitchen area ay tila tumigil ang oras dahil tumigil ang mga kasama ko at biglang nagsalita si James.

"Ethan, kumain na tayo ahhh bakit pumunta ka pa ng kitchen!?" Patanong ngunit may diin na sabi nito.

Nagulat talaga ako sa nangyari.

Oo, naramdaman kong mayroong bagay o anuman ang mayroon dito. Kaya naman sumagot na lang ako na kukuha ng tubig.

Nang sabihin ko iyon ay nakita ko na lang ang aking sarili na nasa loob na ng kwarto at may hawak na isang basong tubig.

"Oh my gosh... Anong kakayahan o kapangyarihan ito!, Anong nangyayari?!... Sino ang gumagawa nito!"

Nasa ganoon akong pag iisip ng may biglang kumatok sa pinto.
Nang makapasok ang kumatok ay nakita ko ang mga batang sila Pierre, Annika at Annia ang dumating.

Kaya naman agad kong kinausap ang mga ito.

"Pierre, Annika, Annia... kamusta na kayong tatlo!"

Unang sumagot si Annia na bibong bibo na talaga namang kakaiba dahil tahimik ang pagkakakilala ko dito.

"Tito, kwentuhan mo naman kami ng tungkol kay Snow White o kaya kay Sleeping Beauty!"

Napa "huh!" na lang ako sa isip ko dahil "talaga alam nila iyon!" Pero sinunod ko na din dahil kailangan kong mag imbestiga.

Kaya lang kanina pa ako nagsasalita ay tahimik pa din si Annika.
Kaya naman ng kausapin ko ito ay nagulat ako ng biglang tumingin ang tatlong bata sa akin ng matalim.

"Lady Annika, kamusta ang kaharian ng mga Bampira!"

Pero hindi sila gumagalaw kaya naman tinanung ko din si Pierre.

"Pierre, kamusta ang mga anak ko. Kailan ko sila kaya maaring makita!?"

Doon ko na nasigurong may mali dahil kita ko ang tila mga pagguhit ng kung anu anong linya sa mga dingding na parang nagugulo ang oras.

Kaya naman nasisiguro kong hindi sila ang mga Tagapagbantay o ang pito ng nakatakdang makasama ko ng maramdam ko ang maitim na nakabaloy sa mga ito.

Kaya naman nang tumayo ako ay halos mapabalik ako sa aking kinahihigaan ng may anim na mga kamay ang nakahawak sa aking mga damit.

Nakipag hilahan ako sa mga ito kaya naman halos tumilapon ako ng mabitawan ako ng tatlo at masira ang aking damit.

Maya maya ay halos mabingi ako ng kapwa ang tatlo ay sumigaw ng napakatinis na boses na unto unti ay boses na tila nanggaling sa ilalim ng lupa.

Parang may kumunoy sa pwesto ko dahil kita ko ang paggalaw nito. Nang masiguro kong nakaalis ako sa pwestong iyon ay bigla na lang akong gumulong gulong na naging sanhi ng pagkahilo ko.

Pag bangon ko ay kita ko ang walong mga mata na matiim na nakatingin sa akin... sila ay sina Liam, Kalix, Aldous at James.

Halos kilabutan ako at pagtaasan ng balahibo dahil kita ko ang unti unting pagbabago ng mga mata  ng mga ito. Kaya naman unti unti kong hinahakbang ang mga paa ko paurong.

"Liam... anong problema!" garalgal na sabi ko dito pero walang sagot ito.

Kaya naman ng makita kong tuluyan nang naging kulay pula na may itim sa gilid ang mga mata ng mga ito ay nasisiguro kong hindi sila ang pitong Tagapagbantay. Hindi si Liam ang nasa harap ko kundi mga replika ng mga orihinal.

Agad akong nanakbo pero halos maduling ako ng makita ko na may anim na parang pintuan sa harap ko na parang mga black hole o mga lagusan na tutungo sa ibang sinaryo.

Alam kong lahat ng mga iyon ay may hindi magandang presensya kaya naman pinili kong tumakbo sa Kitchen area.

Kaya naman kita ko ang pagtigil ng mga ito at maya maya ay parang walang nangyari dahil muling nanjmbalik ang mga ito sa normal.

"Babe, anong ginagawa mo diyan" sabi ng replika ni Liam

"Ethan, di ba sabi namin kami na magluluto para sayo... halika hawakan mo ang kamay ko baka mapaano ka!" mabilis na pagsingit ni Kalix

Kaya lang kita ko ang ibat ibang mga reaksiyon ng mga ito ng bigla kong buksan ang isa sa mga drawer sa kitchen area halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nasa loob ng mga ito..

--------------------------
Itutuloy
JuanDer25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon