Twenty-4: Ang Lagusan

120 10 5
                                    

continuation...

"WWWAAHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw ko. Na piling ko ay maiihi ako sa sobrang takot

Sa muling pagmulat ko ay nagulat ako sa nakita aking nakita.

Muli ay nasa sasakyan na ako at nakaupo sa sasakyan.

"Baby, what happen!" sabi ni Liam

"Ahhhh ehhhh,,, ahhh ewan basta" hindi ko masabi sa letra subalit

Nang ako ay pumikit at unti unti kong buksan ang aking kamalayan ay nagulat ang lahat sa nakita nila sa aking isipan.

"Itinakda... Anu tong nakikita namin! Nakita mo na ang lagusan!!!! Pero paano..." Mabilis na sabi ni James

Nakita ko ang mukha ni Annia. Nandoon ang tuwa at takot dahil sigurado akong nakita niya ang lahat ng elementong pinakita ko.

"Baby, paano ka nakapunta doon samantalang kakapasok pa lang natin"

"Hindi ko maexplain, pero napansin ko na lang na tila pumasok ako sa isang dimensyon at nakita ko o kayo na naaa sasakyan at di nagalaw parang tumigil ang oras."

"Teka iyon ang kakayahan ni Pierre pero bakit di mo siya kasama." sabi ni Aldous

Nang tingnan namin si Pierre ay nakapikit lang ito.

Nang biglang magsalita si Pierre sa aking isipan.

"Itinakda... Isarado mo ang isipan mo, pakiusap ko. Ngayon na!"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito pero ginawa ko.

Kaya naman rinig na rinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga sa aking isipan ng magawa kong isarado ang nakabukas kong isipan.

Nagising na lang kaming lahat ng may malakas na busina ng sasakyan ang aming narinig. Kaya naman lahat kami ay napasigaw.

Halos mapatawa sa amin ang dalawang guard sa main gate ng hospital. Napa face palm na lang ang iba at ako ay natawa na lang din para mawala ang hiyang naramdaman.

Nakapasok na kami ng hospital at nag decide kaming magpark sa pinaka sulok na bahagi ng hospital kung nasaan ang isa sa malalaking puno ng balite,

Nag aayos na kami ng aming mga susuutin at maririnig mong nagsasalita si Aldous at James ng mapansin kong di mapakali si Ethan sa aking tabi.

-------------------

LIAM's POV

"Babe, are you okay? para kang nakakita ng multo sa itsura mo?"

Tumitig lang si Ethan sa akin na may halong takot at pangamba. Ramdam ko sa mga mata nito na may gusto itong sabihin sa akin subalit ilang ulit na pinayo ni Pierre na kailangang isarado nito ang kaniyang isipan. Kaya naman alam kong nahihirapan na ito ng husto.

Ramdam ko ang paghinga nito ng malalim at unti unting paghinahon ng yakapin ko ito at halikan sa kaniyang pisngi. "Babe, calm down... Di ka namin papabayaan."

--------

Halos apat na oras na din ang nakakalipas ng makapasok si Ethan sa Interview niya. Naawa na ako dito dahil kailangan pandon niyang mabuhay bilang normal kahit alam naman naming lahat na malaki ang papel niya sa mga susunod na panahon.

Samantalang ang iba kong kasama na nagpanggap na mga doctor ay naglibot na din sa buong hospital upang masiyasat at hanapin ang lagusan.

Halos hindi matigil sa pagsasalita si Aldous dahil ngayon lang daw siya nakakita ng hospital na halos kasing laki ng lupain namin sa Canada.

Hindi ko maipinta ang lubos na galak ng aking mga kasama ng mga sandaling iyon. Tila wala kaming misyon na dapat gawin dahil napakasaya ng kanilang mga pinapakitang mukha na parang namamasyal lang.

"ttttiiiiiiiinnnnnggggggg.."

Malakas at nakakabinging tunog ang bumasag sa aming kasiyahan. Kahit ang aking mga kasama na naiwan sa kotse ay naririnig ko ang pagkagulat at malakas na sigaw ng sila mismo ay marinig ang malakas na tunog na halos makabingi sa amin.

"Ahhgggghhh....." sabay sabay naming sigaw at paghawak ng sabay sa aming tainga. Ang iba pa sa kasama ko ay napaluhod pa sa sobrang sakit na dukot nito.

"Kuya Liam, a..aa...ano pong nangyari... Ang sakit sa tainga... Aaahhhh tamaa na!!!.." Hikbi ng aning bunsong si Annia

"Hindi ko alam, Annia... pero nasisiguro kong nasa malapit lang ang Lagusan at nararamdaman nito ang presensya natin..."

Mabilis kong hinanap ang isip ni Ethan.. Di naman ako nahirapan dahil sa mga oras na iyon ay siya ang nakasalang sa Interview.

Maya maya ay unti unting nawawala ang tunog at parang walang nangyari dahil muli kaming bumalik sa aming pagkakatindig

"James, Annia...puntahan nyo si Ethan nasisigurado kong nag aalala na yun sa atin kapag natapos siya ay wala tayo sa labas upang maghintay.."

Ramdam ko ang tila pagbabago ng emosyon ni Annia. Magkahalong takot at saya. Pero hinayaan ko na ito dahil narinig na namin ang tinig ni Ethan.

"Guys, nasaan kayo... Tapos na kami!"

Agad kaming naglakad upang puntahan sana si Ethan subalit tila may kung anong pwersa ang pumipigil sa amin. Sa bawat hakbang namin ay ramdam naming pabigat nang pabigat ang aming paa.

Hindi lang bumibigat kasabay nito ay parang nauubos ang lakas namin. Yung kinakain kami ng lupa.

"Wag na kayong gumalaw!" Sigaw ni Anika

"Oo nga para tayong nasa sentro ng isang lagusan at may kakayahang humila sa atin, parang gravity pull ba! ." Aldous

"Di ba eto ang kakayahan ni Annia!!!" banggit ni Anika

Hindi na namin napansin kung ilang minuto na ang nakalipas pansin na lang namin ang maraming mata na nakatingin sa amin.

"Creepy!!! Bakit sila naka smile lahat sa atin..."

"Hayaan mo nga sila, mga pasyente sila dito sa Mental kaya naman ganyan ang kilos nila"

Maya maya ay may sumigaw na isa sa mga pasyente.

"KAYO KASI... HINDI NAMAN KAYO IMBITADO NAPUNTA KAYO DI YAN!" kasunod nun ay ang malakas na nakakalokong tawa ng mga pasyenteng nakapaligid at nakatingin sa amin.

Hindi na namin pinansin iyon, dahil mas nangibabaw ang aura at malakas na scent ni Ethan sa hangin.

"Guys, help us!..." sabi ni Pierre

"What happen!!!" sabi ni Ethan

Habang palapit ito ng palapit ay ramdam namin ang pag gaan ng at pagkawala ng pwersang humihila sa amin.

Narinig naming lahat ng sabihin ni James na may kakayahan si Ethan na mag nullify ng kahit anung mahika or kapangyarihan.

Kaya naman naintindihan na agad namin ng dumating ito sa harap namin na tila walang nangyari.

Pagdating nito sa harap ko ay para itong bata na nakbungisngis kaya naman mabilis ko itong niyakakap at halikan ito sa kaniyang noo.

Napansin na lang naming dalawa ni Ethan na tumahimik ang paligid.

Halos mamula si Ethan ng makita niya na ang lahat naming kasama ay nakabungisngis sa nasaksihan sa aming dalawa.

"Ang sweet naman!..." sabi ni Anika

Kita ko ang pag smile ni Ethan nang sabihin iyon ni Anika. Pero proud ako nang mga oras na iyon.

Nasa ganoon kaming mga sandali ng biglang manakbo si Ethan at sumigaw ito ng "Guys... Ang Lagusan!!!"

---------

Itutuloy...
JuanDer

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon