CHAPTER 5

445 23 0
                                    

ZAR POV...

UY! Anu ang problema mo jan?” Tanong saakin ni Lix. Tulala kasi ako dito sa harap ng terasa eh.

“Wala bakit?” Naupo naman ito sa harap ko at tinignan ako ng maigi. Para bang inaarok nito ang laman ng isip ko.

Napakamapagbiro ng tadhana anu? Akalain mo iyon?” Natawa naman ako sa reaksiyon nito. Mabuti pa siya kahit na ganoon alam niya sa sarili niyang mahal niya pa ang ex niya. Pareho naman kami ng sitwasyon eh. Kaya lang parang mas masakit lang para saakin. Hindi ko alam siguro dahil sa babae ako at siya ay lalaki.

“May balak ka bang kausapin ang ex mo? ” Tanong ko rito ng makita itong nakalumbaba sa mesa at parang problemado.

Siguro mahal naman nila ang isa't isa eh. Bakit pa tayu i-extra doon? Diba nga kung mahal mo ang isang tao hahayaan mo itong maging masaya?” Nasaktan naman ako ng lihim sa sinabi nito.

Paanu nga kung mahal nila ang isa’t isa? Kaya ba sila magpapakasal ay dahil sa mahal nila ang isa’t isa? Pero bakit pa ako tinanong ni Xander ng ganun? Anu ba ang  gusto niya ?

“Baka mahal nga nila ang isa’t isa. Bakit? Iiyak ka ba?” Pang-aasar ko dito. Iningusan naman ako nito.

“Anu ako baliw? Bakit ko naman iyon gagawin? Di hamak naman na mas gwapo ako sa ex mo nuh! Tsaka di rin nalalayo ang estado namin sa buhay. At ang importante akin ka! Wahahahaha!”

Siraulo! Anung connect?”

Anung connect? Syempre dahil ex ka nung fiance ng ex ko hahaha and take note minahal pa hahaha.” Iningusan ko naman ito.

“Kung mahal niya ako, hindi niya ako iiwan. At hindi niya rin ako sasaktan. At kung mahal niya ako babalikan niya ako at ipaglalaban.” Hugot ko. Ang lalim nun ah?

“Hindi naman kasi lahat ng nagmamahal pwede yun gawin. Malay mo, may rason naman sila kung bakit diba?”

Bakit ata nag-iba na ang pananaw mo ngayun sa pag-ibig? Ikaw na ata ang dakilang tagapagtanggol nito ngayun? Wag mong sabihing kinukumbense mo akong pigilan rin ang kasal na iyon? Alam mo ang sagot ko jan!” Napabuntong hininga na lang ito at tinitigan ako. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

I Will Always Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon