NAPATITIG lang si Felix sa babaeng nakaupo sa wellchair habang si Shawn naman ang nagtutulak nun mula sa likod. Gusto niyang tumakbo papunta doon at agawin ang pwesto ni Shawn, pero kinain siya nang hiya, at sobrang takot.
Ang makita ang babaeng pinakamamahal niya na nakaupo sa wellchair at di niya alam kung bakit, ay sapat na para durugin ang puso niya. Para pigain iyon at mamilipit sa sobrang sakit.
Gusto niyang humingi nang tawad dahil sa kapusukang ginawa niya, sa pag-iiwan niya dito. Ginawa mo iyon para hindi siya mahirapan. Anang isip niya, pero, Oo nga, ginawa niyang magsakripisyo para rito, at hindi man lang inisip kung anu ang mararamdaman nito. Pero ginawa niya lamang iyon para hindi na ito lubos na mahirapan pa.
Paulit-ulit iyong sinasabi nang utak niya pero mahirap parin pala. Napakahirap, mahal na mahal niya si Zarmaine, na lahat ay gagawin niya kahit ang palayain ito at ipaubaya sa iba wag lang itong mahirapan at masaktan. Ginawa niya lang ang sa tingin niya ay tama, sa mga panahong yun.
" Felix." Napaupo ako sa upuan ko at di na kinaya ang panlalambot nang tuhod ko, kinain na ako nang konsensiya ko at wala pa naman ay alam ko nang may kasalanan ako. "Felix dude. Wag ka nga ngayon maging mahina, hindi yan dapat ang pinapakita mo. " Tumingin ako sakanya na nakangiting nakikipagtawanan sa ama na nagsasalita sa unahan, medyo madilim sa gawe nila kaya naman ay hindi siya nito agad makikita. Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa pisngi niya at tinignan muli si Zarmaine.
Nakita kong lumapit ang dalawang bata kay Zarmaine at humalik ito sa mga pisngi nito, hinaplos lang ni Za ang mga buhok nito at nginitian, nakita kong lumapit si Vivian, at ang mga sumunod na nangyare ang mas ikinagulat ko.
"T-They kiss?" Rinig kong tanong ni Henry, hinalikan ni Shawn si Vivian sa mga labi nito. Agad na nag-init ang mukha ko at napatingin kay Za, paano nila nagagawang lukuhin si Za nang ganitu. Pero— nakita kong yumakap ang kambal kay Vivian at yinakap ito nang mahigpit.
Naguguluhan na siya at hindi na niya alam ang nangyayare, hindi ba't asawa ni Za si Shawn?
" So, hi everyone, siguro naman nakikita niyong halos lahat nang imbitado sa gabing ito ay puro kakilala lang nang anak ko diba? Mga kakilala nina Shawn at Vivian. Kasi, gusto kong, masulit nang anak ko ang unang araw niya dito, para hindi na siya bumalik pa sa Canada at iwan na naman ang pogi niyang Ama. " Nagtawanan ang lahat, kahit ako ay natawa. " Oh! Ba't kayo natawa? Baby oh!" Sumbong ni tito kay tita, ngumiti lamang si tita at hinalikan sa labi si tito. Napa-aaahhh naman ang kababaihan at kinikilig na pinagmasdan ang mga magulang ni Za, nakita ko naman ang kapatid nito sa tabi ni Shawn at parang nadidire sa nakikita, malaki na ito, at hubog na hubog na ang anyo nito. Napakagwapo na at alam ko, sa unang tingin palang, maraming babae na ang humahanga sa kanya.
Napakatagal ko ngang nawala..
" Mom, Dad, can you please stop flirting?" Sinamaan nang ama ang anak na lalaki dahil sa sinabi nito at handa nang bungangaan ang anak ng mamagitan na si Za sa mga ito.
" My brother is right Dad, go get a room." Natawa ang lahat at si tito naman ay napayakap kay tita at nagsusumbong, pero wala silang magawa dahil sa ugaling iyon nang panganay nila.
" Wala na! Nakalimutan ko na ang speech ko! Hala sige! Kukuha na kami nang kwarto! Enjoy the night kidsssssss! " Lahat natawa sa huling sinabi nang ama ni Za, kids ah?
Umalis nga sina tito at tita, umalis din ang kapatid ni Za na sa tingin ko ay walang balak na makihalubilo, ganito ang ugali nang Papa ni Za, kapag alam nitong hindi naman in ay hindi ito magsasalita at aalis na lang. Minsan, nakakaboring iyon, pero kung sanay kang makipag-usap ay agad mong makakapalagayan nang loob ang pamilya nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/198230077-288-k702201.jpg)
BINABASA MO ANG
I Will Always Back To You
RomanceYung lalaking mahal na mahal mo na kasama mo na ng sobrang tagal na halos di niyo na maimagine ang araw na di kayo magkasama bigla na lang aalis ng walang pasabi, at tanging sulat lang na nagsasabing "Goodbye and live your life without me, and be ha...