CHAPTER 22

239 10 2
                                        


  CHAPTER 22


"LEAVE me alone Felix." Malamig na turan saakin ni Zarmaine, napailing ako at agad na linapitan ito.

" Magpapaliwanag ako sayo Za, h-hindi k——"  pinutol na naman nito ang kung anumang sasabihin ko.

" I don't care. "  Nag-igting ang panga ko dahil sa sinabi nito. Ito na naman siya sa 'I don't care' niya.  

"You don't care? Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Pakinggan mo ang mga sasabihin ko Zarmaine! Don't act like you don't care! Don't say like you don't care! Because I know, you really do care! "  Sigaw ko dito, marahas itong naupo at tinignan ako nang masama.

Pakiramdam ko, wala siyang pakialam sa relasyon naming dalawa. Paano niya nagagawang umakto na walang pakialam at sabihin saakin na wala siyang pakialam? 

"You know what? Just leave me alone Felix. Magpapahinga na ako, and I don't have time to talk to you and that issue. Nakabuntis ka, and you need to face the reality——

"Pero walang katotohanan tuh——

" You know that girl right?" Kalmadong tanong nito saakin. Natigilan naman ako at napaiwas nang tingin. Yes, she's my highschool classmate, and when we meet again in my club, a— oh I'm such a fool! This is not happening, not on me.

I-I do can't live without Zarmaine in my life again.

Labis ang kaba ko nang tignan sa mga mata si Zarmaine, kalmado at blangko ang ekspresyon nang mga mata nito. Ang lamig nang mga tingin nito, at tumatagos iyon sa kaluluwa ko, pero nakikita ko ang sakit sa mga mata nito. At ang sakit isiping, ako na naman ang may dahilan ng mga iyon.

"Hindi ka nakapagsalita,"  mapakla itong natawa at napailing-iling. Nagbaba ako nang tingin at bigla na lang lumuhod sa harapan niya.

"W-Wag m-mo akong iwan. Wag, please Zarmaine, wag mo akong iwan. D-Don't leave me, Za, I ahm—— please baby, wag mo akong iiwan, wag mo akong bibitawan. A-Ayusin ko tuh, I'll prove it wrong, please——"  tinapik nito ang kamay ko at agad na binawe ang sariling kamay at walang kaemo-emosyon ang mga mata nang tignan ako.

" I want you to leave me alone for this time Felix. Give me some time, j-just leave me, I don't want that baby to grow old without a father because of me. Felix, please, nasasaktan mo na naman ako. I, I can't take it anymore... "  Nang bumagsak ang mga luha sa mga mata nito ay para akong binagsakan nang langit at lupa.

Parang biglang may tumusok sa puso ko at pinilipit iyon at nagdulot nang sobrang sakit. Ito pala yun, yung pakiramdam na makita nang harapan ang babaeng mahal mo nasasaktan dahil sa mga kagaguhan mo.

Yung pakiramdam na, yung hikbi at luha niya na nakikita mo nang harapan dahil nasasaktan nang dahil sa mga ginawa mo.

Ito pala yung sakit, na kahit ipikit mo yung mga mata mo, mananatili sa isipan mo ang pagluha niya. Yung sakit sa mga mata niya at ang pagdurusa sa bawat ingay nang iyak niya.

Napakasakit makita, napakasakit tignan. Para akong dinudurog at nadadarang na magsalita. Nawalan ako nang kung anumang sasabihin, kahit ang hawakan siya ay di ko magawa, n-natatakot na masaktan ko na naman siya.

I Will Always Back To YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon