ZAR POV...
HANGGANG ngayun ay laman ng isip ko ang sinabi ni Felix.
“Uy! Tulala ka jan!” Mula ng gabing iyon ay hindi na iyon mawala sa isip ko at hanggay maaari ay iniiwasan ko na ang makasama muna si Felix.
“May appoinment ka sa ex mo. 6pm sa Max Cafe. Dinner date ata yun. Mukhang seryuso sa pagbawi ang ex mo ah?” Bumuntong hininga ako at tinignan ang orasan. Uuwi na muna ako tapos didiretsiyu na ako doon.
“Talaga bang ayus ka lang?” Tanong niya ulit. Sasabihin ko ba or wag na lang kaya? Hayst. Anu ba kasi ang nasa isip ni Felix at sinabi niya iyon saakin. Magkaibigan kami at ayaw ko yung masira. Pero dahil sa sinabi niya ay hindi ko na alam kung kaya ko pang maging natural kapag kasama siya. Anggulo eh!
‘He is out of his mind. Anu ba ang ginawa mo saakin at hindi kita maalis sa isip ko.”
Napatingin naman ako kay Claud ng hampasin nito ang mesa ko.
“What's your problem? Pwede ba Claud iwasan mo ang paghampas sa mesa ko? Nagugulat ako!” Hinawakan ko ang dibdib ko na ang bilis ng tibok dahil sa paghampas ni Claud.
“Alam mo? Di na kita maintindihan! May nangyare ba kagabi sa pagitan niyu ni Felix? Siya ang huling nakita naming kasama mo kagabi.” Nag-iwas ako ng tingin.
FLASHBACK....
“Pwede bang akin ka na lang? Pwede bang wag ka ng bumalik sa kanya?” Napatingin ako kay Lix na ang pungay at lungkot na ng mga mata.
“Anu bang pinagsasabi mo?” Kinakabahan man ay itinago ko iyun saaking pagtawa.
“Siguro nga dahil lasing na ako kaya nasasabi ko tuh. Noon ko pa tuh naramdaman sayu, itinatago ko lang dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan nating dalawa. Palihim kitang minamahal at pinapahalagahan. Oo nagsisinungaling ako sayu sa pagsabing mahal ko pa si Vivian. Ang totoo, ikaw na ang mahal ko. Natatakot ako kasi alam kong mahal mo pa si ang ex mo. Yun yung masakit. Ang magmahal ng isang taong iba ang minamahal. At alam kong malabong mahalin mo rin ako.” Napatitig ako sa di ko maintindihan na rason, sobra ang kaba na may halong saya sa puso ko. Pero kakaiba ang tibok ng puso ko, at sinasabing mali ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
I Will Always Back To You
RomanceYung lalaking mahal na mahal mo na kasama mo na ng sobrang tagal na halos di niyo na maimagine ang araw na di kayo magkasama bigla na lang aalis ng walang pasabi, at tanging sulat lang na nagsasabing "Goodbye and live your life without me, and be ha...
