CHAPTER 18

254 7 0
                                    

WALANG NAGAWA si Za nang pagpatuloy ni Felix ang pananahimik hanggang sa makarating sila nang reception. Tahimik ito at hindi man lang nagsasalita nang kahit anu, wala naman siyang sinasabi at hinahayaan na lamang ang pananahimik nilang dalawa na napapansin na ata nang mga kaibigan nila.

Inaasikaso parin siya nito ngunit hindi man lang sila nag-uusap. Kahit siya ay hindi alam kung saan magsisimula o anu ang sasabihin. Napabuntong-hininga na lamang siya.

Hindi niya masisisi ang kanyang sarili, iniwan siya nito sa mga panahong kailangang-kailangan niya ito. Tinanggap niya nga ito ulit, pero hindi nun maitatanggi ang katotohanang may takot sa puso niya, at hindi pa handang ibigay ang pinakabuo niyang tiwala sa binata.

Mahal niya si Felix, pero, hindi sapat iyon para maalis ang pangamba na dulot nang nakaraan. Matagal na siyang nakulong sa madilim na nakaraan at sa takot na hindi mapangalanan.

Wala nang iba pang mas hihigit, sa isang taong nagmamahal nang sobra at sa dulo ay iniwan nang taong minamahal niya, higit pa sa kanyang sarili.

"Oh, hindi ba kayo kakain? Baka mapanis yang pagkain niyo?" Lumapit saakin si Shawn at si Vivian naman ay sa tabi ni Felix, napapagitnaan kami nang dalawa.

Si Felix ay agad na tinignan si Shawn at hinawakan ang balikat ko at idinikit ang aming mga upuan at mas inilapit pa ako sa kanya. Napailing na lamang ako nang makitang ngumisi si Shawn at sabay alok nang wine saakin.

" No wine's."  Kinuha ni Felix ang wine na binigay ni Shawn at siya ang uminom nun at nang wala nang laman ay binalik kay Shawn. "Thanks."  Hindi naman ako matignan ni Felix.

Kasalanan ko ba?

Walang kami, kaya, mas mahirap alamin ang pinaghuhugutan naming dalawa. 

"Kanina, maayos naman kayo, ngayon naman, para kayong timang!" Komento ni Vivian na mas ikinatahimik pa namin ni Felix. Wala naman akong masabi dahil ako sa sarili ko mismo walang alam na sagot.

" Hay naku! Alis na nga tayo! Ang toxic dito! Nakakabad-vibes!" Tinawanan lang ni Shawn ang asawa at tinignan naman ako.

" Fix it."  Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa bulong nito sakanya, pagkatapos ay saka ito umalis at naglakad kasama ang asawa papalayo saamin ni Felix.

Nang tignan ko naman si Felix at nakatingin ito saakin nang masama. "What?"  Naiinis siya at talagang sumasama ang loob niya nang hindi niya alam.

Pakiramdam niya ay palagi na lang siya ang mag-aayos nang lahat, nakakainis.

" What he said to you?"  Inirapan niya ito at kumain lang, hindi naman siya tinigilan ni Felix kaya mas nairita pa siya lalo. "Fuck! I'm jealous! What he said to you huh? Don't talk to him!"  Nagugulat man ay sinikap niya paring hindi magsalita at balewalain ang mga pinagsasabi ni Felix kahit pa labis nitong pinapatibok ang puso niya.

"I'm sorry." Biglang sabi nito sa mahabang minuto nang pananahimik. Tinignan niya ito at bahagyang huminga nang makita ang lungkot sa mga mata nang binata.

Binaba niya ang kutsarang hawak at uminom lang nang juice. "Uuwe na ako, kung hindi mo ako kayang ihatid——

Naputol ang anu man niyang sasabihin nang tumawa nang pagak si Felix, sa klase nang tawa nito ay puno iyon nang pagkasarkasmo at hindi talaga nagustuhan nang pandinig niya.

I Will Always Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon