CHAPTER 21

223 9 0
                                    

MABILIS na dumaan ang mga araw at heto kami ngayon naghahanda sa pagbabalik ko sa America para sa operasyon ko. Kinakabahan ako pero masaya pa rin.

Napatingin ako sa pintuan nang kwarto ko nang bumukas iyon, nakita ko ang Mommy ko na may malapad na ngiti sa labi niya. I feel so awkward, di ko alam kung ngingiti ba ako pabalik o anu.

Nang mapansin nitong wala man lang akong reaksiyon ay nawala ang mga ngiti nito at lumapit lang saakin. Kinuha nito ang suklay at siyang nagsuklay nang buhok ko habang hawak ang dryer.

" Are you nervous?"  Tanong nito saakin. Umiling naman ako at tinignan lang tuh mula sa salamin. "A-Ahm, mag-iingat ka pagdating dun okay? Be strong anak, kaya mo tuh!" Nginitian na naman ako nito.

Nagkatinginan kami sa salamin pero nang mapansin nitong wala man lang akong karea-reaksiyon kagaya kanina ay agad itong tumigil at malungkot na ngumiti. Tumahimik ito at pinagpatuloy ang pagayus nang buhok ko.

Nagbaba ako nang tingin at may kinuha sa drawer at inilabas doon ang isang maliit na velvet box.

"Take this, this is for you." Malamig kong ani. Tumigil ito sa ginagawa at naupo sa tabi ko. Nakangiti nitong kinuha ang velvet box na kulay asul at tinitigan ako.

" P-Para saan——

" Buksan mo na lang. "  Pagkasabi ko nun ay nag-iwas ako at ginawang palusot ang pagsuklay nang sariling buhok.

Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na binuksan na nito ang velvet box kaya naman nagsalita ulit ako. 

" Binili ko yan nang nagpunta ako sa Merlin before ako maaksidente. When I saw that, I remember you so I buy it. Hope you like——"  natigil ako sa ginagawa ko nang bigla na lang akong yinakap ni Mommy.

Hindi ako nakapagreact at feeling ko nawala yung kaluluwa ko, hindi ko ito inaasahan at isa pa.  Ang awkward!  Matagal na kaming magkaaway, talagang hindi ko siya pinapansin kaya naman, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong yinakap niya ako.

Yayakapin ko ba siya pabalik? O itutulak papalayo?

Pero nanaig saakin ang tumahimik at hinayaan na lang itong yakapin ako hanggang sa ito na mismo ang humiwalay saakin.

Umiiyak na ito habang ako naman ay walang karea-reaksiyon. Pero, lihim na gumagaan ang pakiramdam.

"I'm sorry, I'm just ahm——

" Don't talk."  Inayos ko ang nagusot kong damit at tinignan ang sarili ko sa salamin. Tinignan ko itong muli at nginitian, sapat na para ipahayag kong ayus lang. "I do, really hate dramas. Take that, as my way of saying sorry for what words I had been said. I'm now stepping on the new journey of my life, a renewal of me. And before that, I want to make this end."  Huminga ako nang malalim at tinignan ang sarili ko sa salamin at inilapag sa vanity table ang suklay pagkuwan ay pinaikot ko ang welchair ko paharap dito.

Umiiyak na kasi ito at hindi ko alam kung bakit, nahihirapan tuloy akong magsalita pa. Hindi naman kasi ako naiiyak, I'm not emotional people, sa iisang tao lang ako nagiging emotional.

" Will you,,, stop crying?"  Mahinahon kong tanong. Agad itong kumuha nang tissue at pinunasan ang mga luha.

" Sorry baby, Mommy is just happy."  Mommy... Hmm yeah, meron pala ako nun, pinilit ko lang talagang kalimutan. Stupid.

" You know what? This past year, ang hinihintay ko lang ay ang umalis ka ulit."  Nawala ang ngiti nito sa mga labi. " Totoong ayaw na talaga kitang makita o makasama pa. Kaya sa murang edad ay ginugol ko ang sarili ko makabukod lang sainyu ni Papa kasi sa tuwing nakikita kita, naalala ko kung paano si Papa nasaktan noon. I hated you and cursed you to hell, inaamin ko yan. Ganun kita kamuhian. "  Nagbaba ito nang tingin nang tignan ko ito.

I Will Always Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon